" Frank ayokong magpunta doon" nagdadabog na reklamo ni Glayssa sa kapatid. " And besides hindi niyo na ako empleyado kaya wala na kayong karapatan na utusan ako ", it was an ordinary day sa mansion ng nga Montreal and as usual narito siya sa favorite spot niya sa kanilang bahay. Ang orchard. Dito siya naglagi pagkalabas niya ng ospital dahil hindi siya hinayaan ng kanyang mama na bumalik sa Sandreas hanggat hindi siya lubusang nakaka recover.
Natawa ng marahan si Frank.
" Princess whether you like it or not, ikaw ang pupunta sa Bacolod para irepresent ang Powerlinks. After all ikaw ang may hawak ng Rosemary project diba? At ayaw yong ipagkatiwala ni Meg sa iba ".She rolled her eyes upward . " At ano naman ang pakialam ko kung ayaw ipagkatiwala ng boss mo sa iba ang project na iyon? "
" Glayssa boss mo pa rin si Meg. Hindi naman niya tinanggap ang resignation mo eh "
Lalong hindi maipinta ang mukha ni Glayssa. Duh ano naman ang gustong palabasin ng lalaking iyon at hindi tinanggap ang pagreresign niya. May hindi pa ba ito nagagawa sa kanya?
" Kuya" pinaka diin diinan niya pa ang salitang kuya. " My resignation is irrevocable kaya valid na iyon noh. At wala akong pakialam kung tatanggapin man niya iyon o hindi "
" Idedemanda ka niya ng breach of contract " pananakot ng kapatid.
" Wala akong pakialam "
" But I do " Frank said. " Pumunta ka sa Bacolod, finished that project and after that kung talagang gusto mo nang umalis ng Powerlinks ako na mismo ang magpapalaya sa iyo sa kontratang iyon "
" Kuya I don't really see any point para magpatuloy doon. Meg wouldn't even appreciate my presence their. Si Kleia na lang ang isama niya doon, kabisado naman ng assistant ko ang ginawa kong proposal ".
" Haisst " napipikon na si Frank " Bakit ba ang hirap mong pagsabihan ha? Akala ko ba nag move on ka na sa kanya ? "
" Kuya I'm on the process of doing that at hindi nakakatulong ang pamimilit mo na magpunta ako sa lugar kung nasaan ang lalaking iyon. I really am sorry pero hindi mo ako mapapapayag na magpunta sa Bacolod, as far as I know wala na akong kinalaman sa kompanya niyo " pinal na sabi niya dito.
Frank huffed and rolled his eyes in irritation. " Tss bahala ka na nga. Basta wag na wag mo akong sisihin ah. Aakyat na ako, ipatawag mo na lang ako kapag dumating na si Ula " bilin nito sa kanya
" Yeah " tumango tango na lang si Glayssa.
Glayssa was busy scrolling her phone ng tumawag ang guwardiya, naroon na raw si Ula sa gate.
She got up and excitedly ran to meet Ula. This is actually the first time na makikilala niya ang fiance ng kapatid. Sa wakas!
Inutusan niya ang maid na umakyat at sabihan si Frank na narito na ang fiance nito
She don't know what to expect of her pero base sa mga kuwento ng kapatid niya ay mabait at maganda raw ang girlfriend nito.
She smiled. Hindi naman siguro siya mahihirapang makasundo ito. Inassured na rin naman siya ni Frank na mabilis silang nagkakahulihan ng loob ni Ula.
Her smile broaden ng pumarada sa driveway ng kanilang bahay ang isang Volkswagen na minamaneho ng kasintahan ng kapatid. Hinintay muna niyang bumaba ang sakay nito and ready her most beaming smile.
Glayssa felt her world stop spinning ng makilala ang babaeng bumaba mula sa Volks.
How can she not? Kung ang babaeng makikita niya ay ang babaeng nagawan niya din ng damage eight years ago.
BINABASA MO ANG
EVRES EVER AFTER
Storie breviEver After Series Book 1 Teaser He is my life. He is my light..... He brought sunshine in my stormy life. He is my happiness...