Tiningala ni Glayssa ang building na under construction. Naramdaman na lang niya na may nagsuot sa kanya ng hard hat sa ulo niya. Alam niyang si Meg iyon pero hindi siya nagpasalamat dito.
Natuloy din ang balak nito na ipadala siya sa Bacolod for supervision sa ongoing project nila na Rosemary. It was a commercial skyscraper at abala na ang mga tao sa construction sa pagtatrabaho.
Hindi niya alam kung yari na ang scaffold ng lahat ng palapag niyon dahil nung dumating siya noong makalawa ay saka lang niya nalaman na naumpisahan na pala ito.
Ayaw niya ring magtanong kay Meg tungkol sa progress ng project. As much as possible kasi ay dumidistansiya siya dito. Mahirap na no, lalo pa at vulnerable pa ang puso niyang labis na nasasaktan at ang pesteng lalaki spells so much trouble in capital T. Hmmmp.
Parang kailan lang ng ang tigas tigas ng pagtanggi niya na hindi pupunta dito sa Bacolod dahil ayaw na niyang magkaroon ng kaugnayan sa lalaking ito, pero heto siya ngayon walang mapagpipilian kundi ang pilit na makasama ang lalaking lumapastangan sa puso niya.
Damn Ursula ! Kung bakit ba siya nagpatangay sa drama ng hilaw na sister in law niya na iyon eh kinasabwat pala ng magaling niyang kapatid para mapapayag siya na tanggapin ang Rosemary project ulit.
And now ? Ang ending, heto at nakikipagpaligsahan siya sa drama ng mayabang na lalaking ito. Hindi siya pinapansin eh! Akala yata siya pa yung dating Glayssa na patay na patay rito.
Well, hindi na nga ba ?
Aisst! Kaasar !
She hated the fact that he was acting cool in front of her. Na parang wala itong nagawang atraso sa kanya. Tila balewala rin dito kung pansinin man niya ito o hindi.
At hindi talaga siya nito kinakausap maliban na lang kung tungkol sa trabaho ang topic ayun magbubukas talaga ito ng bibig.
Ewan talaga !
Panalo talaga eh di wow na wow !
Masabunutan nga ang Ula na yun pag uwi !
" Come on , ipapakilala kita sa design and construction team " binali ng baritonong boses nito ang katahimikang kanina pa nakalukob sa kanila. He extended his arms para alalayan siyang bumaba mula sa kinatatayuan niyang mataas na flatform.
She raised her eyebrow. Drama nito ? Tinitigan niya lang ang nakalahad na kamay nito at inismiran , sa tingin ba nito ay tatanggapin niya iyon. Hmmp.
Lumakad siya at nilampasan ang lalaki. Mabilis namang umagapay si Meg sa kanya.
" Should you be wearing heels in a construction site ?" kunot noong tanong nito sa kanya habang nakatingin sa paa niya na nakasuot ulit nang sapatos na may mataas na takong.
" It' s none of your business " nakairap na sabi niya dito at nagpatuloy sa paglalakad. She was extra careful though dahil baka matapilok na naman siya tulad noong una at mabalian ng paa, kasama pa naman niya ang lalaking manhid na hindi marunong magpahalaga sa damdamin ng iba.
Tila na amuse naman ang binata sa ginawi niya. " Ang sa akin lang naman, baka mapahamak ka ulit. Mabato at malubak dito. Hindi sementado ang daan "
" There's no effing way na mauulit ang nangyari noon, natuto na ako no. Bakit ako magpapatapilok ulit kung alam ko naman na hindi ako tutulungan ng kasama ko ngayon "
" So inamin mo rin na sinadya mong matapilok noon, para mahawakan kita at maalalayan" gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi nito.
Napamaang siya " I didn't say that "
" Marahil " nagkibit balikat lang ito. " Don't worry, should you fall I am now always here to catch you " at kumindat pa ang luko luko sa kanya.
" Gago ka " Glayssa said para maitago ang biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.
BINABASA MO ANG
EVRES EVER AFTER
Short StoryEver After Series Book 1 Teaser He is my life. He is my light..... He brought sunshine in my stormy life. He is my happiness...