Chapter 9 Indenial

7.1K 265 10
                                    

Action is the foundational key to all success

" Ouch ", mahinang daing ni Glayssa sa kanyang sarili. Ni hindi niya magawang maisatinig ng malakas ang nararamdaman dahil alam niyang pagmumulan na naman iyon ng word war nilang dalawa ng lalaking nauuna sa kanya.

Kasumpa sumpa buwiset talaga!

Kasalukuyan silang naglalakad sa malubak na daan papunta sa construction site ng gagawing bagong project ng Powerlinks at hindi man lang siya naabisuhan ng hinayupak na lalaking ito na palyado ang kalsadang dadaanan papunta sa mismong site.

Excited pa naman sana siya dahil ang sabi nito ay pupunta sila sa meeting para sa isang kliyente, akala niya ay sa hotel sila makikipagmeet pero ang talipandas wala man lang pagkasabi na sa impyerno pala siya nito dadalhin.

Ngayon niya gustong pagsisihan ang pagsusuot ng isang seven inches na stilleto, at wala pa siyang nadalang pamalit na kahit na anong flat shoes and good lord she is even wearing a skirt. Puwede na bang magmura?

At ang damuho, ayun walang pakialam kahit na hingal kabayo na siya dahil sa kasisikap na makaagapay dito lalo na at kapag naramdaman nitong she's behind him even if it's a quarter nakabulyaw na agad ito.

Nararamdaman na niya ang pananakit ng kanyang paa, pati na rin ang pamumuo ng paltos dito dahil makailang beses na siyang natapilok pero nungkang hihinto siya at hihingi ng mercy dito para magpahinga.

Baliw ang lalaking ito kung iisipin nito na magpapatalo siya hmmmp!

" Ano ba matagal ka pa ba diyan? Hanggang anong oras mo ba balak i display yang katawan mo sa mga taong nakatingin sa iyo?",
Sigaw ni Meg na pumutol sa mga piping daing niya, nilingon niya ito at nahuli niyang nakatingin ang binata sa kanya in a most dangerous way

She smiled too sweetly. Nakakaaliw na nakakabaliw talaga ang lalaking ito. " Mauna ka na Mr. Go, susunod na lang ako. Maaga pa naman para sa meeting diba? "

Nangunot lalo ang noo nito. " What are you insinuating, na magpapaiwan ka dito at hahayaan ang mga lalaking yan na magpiyesta sa katawan mo? No fucking way! "

Hindi na niya napigilan an matawa ng malakas sa reaksyon nito

" Possesive ah Mr. Go, hindi ko alam na ganyan mo pala ako pinahahalagahan".

" At sino naman ang nagsabi sa iyo na pinahahalagahan kita?", he asked with a smirk. " Ang gusto ko lang ay hindi ka mawala sa paningin ko kapag kasama kita, baka makakita ka na naman ng pagtitripan mo eh mangulo ka na naman, you know you have the tendency to stoop so low lalo na sa mga type mo iniiwas lang kita ".

All her hopes and expectation vanished . Pusang gala naman oh!!!!!! Andoon na eh konting push n lang eh makakarinig n sana siya ng kahit na slight na concern ang binata sa kanya

But then again sino ba ang niloloko niya? Definitely not me, defend niya sa sarili niya

Lalo pa at alam niya na wala itong ibang hangad kundi ang pahirapan at pasakitan siya

" Ikaw naman hindi ka na talaga mabiro, sige na mauna ka na promise susunod agad ako". Hindi na kasi talaga niya matiis ang pananakit ng mga paa niya, she really needs to look at it para naman malapatan niya agad ng pangunang lunas

He just looked at her blankly at umiling " No, aakyat ka kasabay ko, hindi puwedeng wala ka doon dahil mawawalan ako ng utusan", anito at tumalikod na
" Bilisan mo Miss, ayoko ng pinaghihintay ako ", bilin pa nito

She sighed heavily while secretly wincing. Ano na kaya ang magiging estado ng kanyang kawawang paa mamaya?

Walang imik na sumunod siya dito. Cursing silently dahil ramdam na niya ang sakit na nagmumula sa paltos ng paa.

EVRES EVER AFTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon