" CEO? CEO dad ? What' s the meaning of this? ", naguguluhang tanong niya sa kanyang ama
" Hija, Meg is now the CEO of this company, aside from being the new owner too ", pag uulit nito
Teka lang nawiwindang ang utak niya. Bakit biglang may bagong CEO sa kompanya nila? Ano na ang posisyon ng daddy niya sa Powerlinks?
Mas lalo siyang naguluhan sa huling sinabi ng kanyang ama. The new owner, teka bakit? Naibenta na ba ng daddy niya ang Powerlinks ? Pero bakit wala siyang alam?
" Ano ba ang sinasabi ninyo daddy? Is this some kind of a joke? ", nakangiwing tanong niya sa ama
" Glay anak, you know how I hate joking around right, at isa pa talagang si Meg na ang bagong may ari ng Powerlinks, sa kanya ko ipinagkatiwala ang kompanya at sumang ayon din dito ang mommy at ang kapatid mo ".
Damnation to hell!
Kahit ayaw niya ay napalingon siya sa binata. He really looks so domineering sa ayos nito ngayon. And he couldn't hide the smirk that was forming on his lips.
Lihim siyang napaungol. Kapag nga naman sinuswerte ka oo.... Dahil an taong ayaw na sana niyang makadaupang palad ay nagkataon namang ang taong kaharap niya ngayon.
" Pero paano nangyari yun dad? I mean ang buong akala ko eh ----"
" And I also told you Glay na kailangan mong magdesisyon ng maaga, pero pinaabot mo pa ng isang buwan. And I know you alam na alam ko na hindi ka makikinig sa akin at ipagpipilitan ang gusto mong gawin kaya naman hinayaan kita, and I on the other hand chose Meg to replace me on this position and on the company also "
Ang sakit sa ulo intindihin lahat ng sinasabi ng daddy niya, how come nangyari ang lahat ng ito sa loob lamang ng isang buwan? At bakit wala siyang alam?
" Siya nga pala Glay, si Meg ang magiging direct superior mo, sa kanya ka direktang magrereport ng trabaho, si Meg na rin ang bahalang magturo sa iyo ng iba pang nais mong malaman at matutunan tungkol sa kompanya ".
" Siya? Pero dad? " argh maloloka na ako. So much for avoiding this person.
" Bakit ba gulat na gulat ka? Do you know each other? Kilala mo ba si Meg? " nagtatakang pinaglipat lipat ng ama ang paningin sa kanilang dalawa ng binata.
" Hindi----"
" Yes we know each other, hindi ba ", magkapanabay na sagot nilang dalawa ng binata, pero nilamon ng lakas ng boses nito ang pagtanggi niya. " And in fact may utang pa sa akin ang anak mo. It's long overdue though at kailangan ko ng maningil, dahil masyado ng malaki ang interes nito "
" You are indebted with this guy? Hija I never thought na nagkaroon ka pala ng utang sa ibang tao?"
" Daddy "
" Kami na ang bahalang mag usap tungkol doon ng anak mo. I think nakalimutan na niya ito i reremind ko na lang sa kanya para maalala niya ", his gentle smile belied the harshness in his voice na agad namang na recognize ni Glayssa.
" Okay sige tutal e pareho na kayong matanda para pagsabihan pa, kayo na lang ang bahalang mag settle ng issue tungkol sa inyo, aalis na ako at ng makapag usap na kayo. I brief mo na rin siya Meg tungkol sa mga gagawin niya ".
" I definitely will ", sagot nito na matamang nakatingin sa kanya pero ayaw niyang salubungin ang titig nito kaya naman ibinaling niya sa iba ang kanyang paningin.
Ayaw niyang makita ang kislap sa mga mata nito na tila nagsasabi sa kanya na humanda siya sa mga mangyayari sa mga susunod na araw.
Lumakad na palabas ang kanyang ama, kasunod nito si Meg na inihatid pa ito hanggang sa labas.
The moment that the door close ay nagmamadaling kinuha ni Glayssa ang kanyang hermes at isinukbit ito sa kanyang balikat. Hustong hihilahin na niya ang pinto ng muli itong bumukas at iniluwa roon ang binata muntik ng tumama ang panel ng pinto sa kanya, mabuti na lang at mabilis siyang nakaiwas.
" Going somewhere Miss?", his deep baritone voice asked her, ang mga mata nito ay matiim na nakatingin sa kanya. " Tatakas ka na naman ba ulit ?", dugtong nito habang lumalapit sa kanya
She cleared her throat sa pagsisikap na sumagot, bahagya rin siyang lumayo sa binata, his nearness alone sent shivers down her spine
" B- bakit n- naman ako tatakas? ", she hated herself from stammering pero naman hindi siya makapag isip ng matino lalo pa at napakalapit ng lalaking ito sa kanya.
" Hmmmmn bakit nga ba? ", he seems to be enjoying himself, lalo pa at nararamdaman nito ang pagiging uncomfortable niya. " Siguro dahil nandito ako at natatakot kang masingil ng wala sa oras sa mga utang mo sa akin natatandaan mo pa ba miss? ".
Sa kabila ng tensyon na nararamdaman, hindi niya maiwasang matawa sa huling sinabi nito
" Talaga nga palang pinaninindigan mo na may utang ako sa iyo ah, magkano ba iyan at ng mabayaran ko na"
" Huwag kang mag alala miss darating tayo sa singilan portion na yan and mind you malaki ang interes na sisingilin ko. Kasinlaki at kasinghaba ng walong taon na pinaghintay ko ".
" Bakit hindi pa ngayon at nang matapos na ang lahat ng ito ".
" Patience is a virtue miss, matuto kang maghintay ng malaman mo kung ano ang halaga ng mga bagay na binibitawan mo agad agad ", he said roughly. " And why should I hurry if I have all the time in the world ".
" Sorry but I on the other hand is very much busy at walang oras sa mga kalokohan mo, kung kaya naman gawin mo na ang gusto mong gawin bago ka pa mawalan ng pagkakataon "
" Still feisty miss-----"
" May pangalan ako iyon ang itawag mo sa akin, tigilan mo na ang kakatawag sa akin ng miss masyado ng masakit sa tenga ", she huffed and folded her arms. Wala na siyang pakialam sa kung ano man ang isipin nito.
He glared at her, mukhang nagpipigil lang ito sa galit. " Huwag mo akong turuan ng mga dapat kong gawin. Sa ating dalawa nasa akin ang karapatan na magturo at magsabi sa iyo ng mga kailangan mong gawin, have you forgotten. I will teach you things that you haven't got the chance to learn on your own. Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko iyo noon. Babalikan kita at ipararanas ko sa iyo lahat ng mga pangit na naranasan ko and this time sisiguraduhin ko na mangyayari iyon dahil hindi ko na hahayaan na makatakas ka ulit at maiwasan ang galit ko ", matigas na wika nito. Bakas sa mukha nito ang nararamdamang galit para sa kanya
" Im sorry " halos pabulong lang na wika niya
Napaismid ito. " Too late for that way too late ", anito at marahas na hinawakan ang mukha niya at pilit na hinuhuli ang kanyang mailap na mata.
Bumilis ang tibok ng puso ni Glay ng masalubong ng tingin ang asul na mga mata nito. Kahit na walong taon na ang lumipas ay hindi maitatagong naroon pa rin ang galit nito para sa kanya.
Napalunok ang dalaga. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat na katakutan niya. Ang katotohanang hindi pa rin nagbabago ang damdamin nito sa kanya at n galit pa rin ito, o ang katotohanang pilit niyang iwinawaksi sa puso at isipan?
Na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ito.
Na nananatiling ito ang laman ng puso niya noon at ayaw man niyang aminin hanggang ngayon.
At habang nakatitig siya sa binata ay lalong naging malinaw sa kanya ang katotohanang hindi ito nawala sa isip at puso niya. Natabunan oo pero nawala hindi.
At mas nakakatakot ang katotohanang mas matindi na ang nararamdaman niya para dito ngayon keysa noon.
At ang mas intense na feeling ay nakapagbibigay ng mas intense n sakit.
What to do Glay?
-----------------------------------
BINABASA MO ANG
EVRES EVER AFTER
Короткий рассказEver After Series Book 1 Teaser He is my life. He is my light..... He brought sunshine in my stormy life. He is my happiness...