I'm sorry
One word and yet it helds too many meaning on it.
Paulit ulit na lang iyong nagrereplay sa alaala niya. Isang salita mula sa malabong alaala na hindi na niya matandaan kung bakit nasabi sa kanya. At tulad ng dati ganoon pa rin ang resulta sa kanya.
Emptiness!
Isang malaking kahungkagan.
Hindi maliwanag sa kanya kung totoo bang humingi ng dispensa sa kanya ang mental na lalaking iyon o halusinasyon niya lang ang lahat dahil sa delirious state na mayroon siya that time.
Ni hindi nga siya sigurado kung totoo bang naroon sa bahay niya si Meg o kasama lang ang lahat sa panaginip niya dahil na rin sa pagnanais niya n kahit paano ay maranasan kung paano maalagaan ng isang Michael Evres Go.
Pero paggising niya kinabukasan ay wala na ang binata. Ni hindi nga ito nag iwan ng anumang bakas na nanggaling ito sa bahay niya.
But what puzzle her the most ay ng may dumating na mga tao na mag rerepair daw ng sirang pintuan niya. She told them that there is no need to do that since she is very much confident that her door is okay, pero literal na napanganga siya ng ipinakita ng mga ito ang estado ng pintuan niya. Halos nakahiwalay na ang panel ng pinto sa frame nito.
Sabi ng mga ito ay may nangyari raw lindol nung nakaraang gabi. At halos lahat raw ng unit ng Sandreas ay nagkaroon ng sira, mas malala pa keysa sa natamong pinsala ng unit niya. Oh well ayon naman din sa mga ito ay inaayos na rin naman daw ng developer ng subdivision ang extent ng mga sira.
What a freaking explanation?! At ano naman ang akala ng mga ito sa kanya? Walang utak! Mga baliw lang!
Ganoon pa man ay hindi na siya nagtanong at hinayaan na lang ang mga ito sa kanilang ginagawa.
What's the use of asking kung ide deny rin naman.
It's been a month since that incident. Natanggal na rin ang cast na ipinalagay niya sa paa, oh well that's her doctors advice.
At ngayon nga ay nailalakad na niya ng maayos ang na injure na paa, hindi pa nga lang siya puwedeng magsuot ng mataas na sapatos more particularly ay stiletto kay naman nakuntento siya sa pagsusuot ng wedges at ng flat sandals.
And speaking of stilettos ay talagang sinunog niya ang ginamit niya noong nagpunta sila ni Meg sa site, the moment na mabungaran niya ito na nakakalat sa kaniyang sala the following day.
She dreaded that shoes . Kaya kahit na mahal ang pagkakabili niya dito ay hindi niya ito pinanghinayangan at agad agad ay sinilaban. She do not want to have a remembrance of that horrible accident, dahil napatunayan niya that Meg is really heartless.
Napabuntung hininga si Glayssa, narito siya ngayon sa Powerlinks. Nakatambak sa lamesa niya ang sandamakmak na papeles na kailangan pa ng approval ni Meg pero hanggang ngayon ay wala pa siyang nabubuklat na kailangang i review.
Her mind is lost. Naglakbay yata papunta sa lalaking palaging laman ng kanyang isipan.
Simula ng umalis ito almost a month now ay hindi na ito nagparamdam sa kanya....
It was as if ay iniiwasan na nito ang magkaroon ng anumang kaugnayan sa kanya.
But her hoping heart always make a pleading na sana ay makaisip itong tawagan at kamustahin siya at ng masabi rin nito kung saan ito naglalagi dahil ang sekretarya nito pati na ang kanang kamay nito ay ayaw talagang sabihin kung nasaan ang amo ng mga ito.
BINABASA MO ANG
EVRES EVER AFTER
Short StoryEver After Series Book 1 Teaser He is my life. He is my light..... He brought sunshine in my stormy life. He is my happiness...