Chapter 22 Runaway

8.6K 271 10
                                    

" Bakit ba hindi ka na lumalabas ng bahay hija?", nagtatakang tanong ng daddy ni Glayssa sa kanya.

Napansin na nito marahil na hindi na siya gumagawa ng effort para lumabas ng kanilang tahanan simula noong umuwi siya dito mahigit isang linggo na ang nakararaan.

It was a haste decision, yung pag uwi niya sapagkat isinaalang alang niya doon ang kanyang kaligayahan at pangarap na matagal ng nabuo sa kanyang isipan.

But she was doing the right things at alam niya yun.

Hindi siya tanga para maniwala at magpatangay sa letseng proposal na iyon ng gagong Meg na iyon no.

Imagine this, nag propose sa kanya ng kasal ang kumag na yun habang nakapatong sa katawan niya at sumasayaw ng ritwal ng pagtatalik at nasa aktong naglalabas ng semilya.. hindi ba at spur of the moment ang tawag doon?

Pangalawa, nag propose ulit ito sa kanya.Pero bago iyon ipinangalandakan muna ng siraulo na patay na patay siya dito at siya ang habol ng habol at patay gutom na makuha ang atensyon nito. Syempre iisipin niya na may balak na naman itong paglaruan siya.

Hindi nga ba at ito pa mismo ang nagbitiw sa kanya ng mga salitang maghihiganti ito sa kanya at na ipaparanas sa kanya ang lahat ng sakit na idinulot niya raw dito.

So paano niya paniniwalaan na sincere ito sa proposal nito?

Kaya ang nangyari. She runaway..Umalis siya ng Bacolod na hindi nagpapaalam. Tinakasan niya ang binata and took the first flight pabalik ng Maynila the minute na umalis ang binata. Sa pagmamadali niya nga ay hindi niya na nadala ang ibang gamit niya. She only took the necessary things at ibinilin na lang kay Kleia ang nga gamit niya through phone.

Napabuntong hininga siya habang pinakikinggan ang kanyang ama.

Hindi niya alam kung ano ba ang isasagot sa ama niya. Wala naman kasi itong alam tungkol sa mga nangyayari sa kanya outside work at mas lalong wala itong alam sa paraan ng pakikitungo sa kanya ng lalaking pinagkatiwalaan nito.

" Dad wala po ako sa mood ngayon eh puwede po ba next time na lang ang interrogation ", hindi siya bumangon at mas lalo pang ibinaon ang mukha sa unan.



Napabuntong hininga si Don Francis, matagal na tinitigan ang anak na nakadapa sa kama nito. He was wondering why all of a sudden ay naging matamlay ang prinsesa niya. Naninibago siya. Hindi siya sanay na hindi ganoon ka active si Glayssa.

She was always full of life. So feisty in every aspect kaya hindi na kataka takang mapansin nila ng asawa ang pagbabago sa anak nilang iyon.

Nang matiyak na hindi talaga makikipag usap ang anak ay nagpasya siyang lumabas na ng kuwarto nito.

" Did she say anything daddy?" tanong ng kanyang asawa

Umiling siya at nagtungo sa kanyang opisina.  Sumunod naman ang asawa niya. Bakas sa mukha nito ang matinding pag aalala para sa anak nila.

" Francis, ano ba ang alam mo sa nangyayari sa anak mo. Just look at her, hindi na siya nasisikatan ng araw palagi na lang nakakulong sa kuwarto niya. Kung hindi ko pa siya kakatukin o papasukin sa silid niya hindi ko siya makikita. I miss my baby... Do something dad!  Make Glayssa go back to what she is before "

Napabuntong hininga si Francis. Iisang tao lang ang alam niya na makakapagpabalik ng dating sigla ng kanyang anak.

But he's not here yet.....





Glayssa lazily stretched her body, she just woke up from her deep slumber. Three weeks had passed and yet no words from Meg.

Tama nga siguro ang desisyon niya. Running away was really the best thing she can do at that time.

EVRES EVER AFTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon