" Naku po late na ako ", ano ba namang kamalasan talaga ang pumalo sa akin ngayong araw na ito , kumokota na yata ako . Kasi ba naman kung kailan ka nagmamadali saka naman nasira ang elevator sa building ng aming school , and galing di po ba , kaya ang nangyari ayun lakad takbo na ako at halos liparin and mga steps ng hagdan paakyat ng fifth floor kung nasaan ang room namin just to beat the last two minutes na natitira sa aming grace period . I was frantically panting and on the last running steps ng biglang,
" Awww " , feeling ko talaga nakakita ako ng tatlong stars literally , shit hindi lang yata tatlo kundi napakarami pang stars ang umikot sa ulo ko at tila naalog ang utak ko . Nakakaloka naman ang may ari ng katawang ito , puro muscle nasobrahan yata sa tigas .
Hmmmp pakialam ko ba . Masakit yata ang nangyari . Nagtalsikan pa ang lahat ng gamit na dala - dala ko at talagang nawalan ako ng balanse at malalaglag sana mabuti na lang at mabilis ang reflexes ko at ganoon din ang nakabungguan ko dahil kung ano ang bilis ng pagkakakapit ko sa railings ng hagdan ay ganoon din kabilis ang pagkahagip niya sa beywang ko para sumuporta .
Ewan ko ba but suddenly nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na bagay the moment that he touches me , and to think na hindi ko pa nakikita ang mukha ng taong ito ah , just his smell assaulted my being . Bull saan galing yon ?
Parang napapaso na mabilis pa sa kidlat na umalis ako sa parang pagkakayakap niya sa katawan ko
Trying to compose myself , I muster an angry look kahit na feeling ko aMe bibigay na ang tuhod ko . That bitchy side of me is fast approaching , nakakairita lang kasi .
" Ano ba ? " , mataray kong panimula not even bothering to give him a glance . Ang asar na nararamdaman ko ay dumoble ng makarinig ako ng mahihinang tawa na nanggagaling sa mga kasama ng damuhong ito . Aba hindi naman siguro biro ang bumangga ka sa katawan ng isang tao , lalo na at malapit ka sa landing ng isang hagdanan . What if nalaglag ako ? May pamalit ba siya sa isang kagaya ko ? . " Don't you know the difference between a playground amd school facilty ? ", asar to the maximum level lang ang peg ko
" Hala Meg , lagot ka kay Miss ? " , tumatawang kantiyaw ng kaibigan nito
Meg ..... Meg ... ? Paulit ulit na rumerehistro sa utak kong natutuliro ang pangalang binanggit ng lalake.
Yung totoo ? Baka naman nakaringgan ko lang . Imposible naman kasi na ---
" Sorry Miss pasensya ka na , hindi kasi kita napansin ", anang boses na kahit pa nakapikit ako ay kilalang - kilala ko na .
What the fuck ? What the hell is he doing here ? Hindi ba at sa kabilang building ang Business Department ?
Tama !!!!
My imagination is really running wild . Siguro sa kagustuhan Kong makita ang mukha niya kaya ayan tuloy kung ano - ano na ang naririnig ko ...
Mapagkakamalan pa ako nitong mental eh
" Miss are you alright ? " , basag ni Meg sa katahimikan ng tila napipi na ako at hindi na nakasagot .
I took all the courage na kinakailangan ko upang magtaas ng mukha and finally met his gaze
" Uhm " , I cleared my throat feeling ko may nakabara na siyang dahilan kung bakit hindi ako makapagsalita
" I'm okay mabuti na lang ? " , nilangkapan ko ng sarkasmo ang boses ko , hindi kailangan ipahalata that he's creating havoc on my silly heart"Are you sure ? " muling tanong nito
" Yeah w- well I think so " , shit double shit at bakit naman ako nauutal ?
BINABASA MO ANG
EVRES EVER AFTER
ContoEver After Series Book 1 Teaser He is my life. He is my light..... He brought sunshine in my stormy life. He is my happiness...