𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 III

308 9 0
                                    

Madeline's

Natapos na ang klase namin bumaba na ako sa may hagdan at nakita ko ang dalawa si Stefanie at siya. Ayun naglalandian. Well, hindi na ako sasabay sa kanya. Kaya ko mag commute. Madali lang naman eh.

Magkakasama ang mga kaibigan ni Stefanie at Sila Calli. Okay fine, kayo na masaya.

Geh magpakasaya ka lang, ang bebreak din kayo. WALANG POREBER!

(A/n: Yung totoo Madeline, selos ka lang talaga)

Ewan ko sayo Author hmpk.

Naglakad nalang ako trip ko eh, tsaka malapit na din naman sakayan desidido na ako mag commute. Walang ka-ano ano ay biglang nag ring ang cellphone ko, kinuha ko naman ito agad at alam ko kung sino yun.

Calling Bes Panget...

See? Ano na naman ba kailangan neto at tumatawag ti. Matitiis ko ba to? Syempre hindi no, sinagot ko naman agad ito.

"Oh bakit?"may pagkairita kong sabi.

"Wow, wala man hi or hello, o di kaya kumusta? Mga ganun baby girl." sabi niya. At nabalakan niya pang asarin ako.

"Bakit nga? Kung wala kang matinong sasabihin, ibaba ko na to." Pagsusungit ko. Bahala siya dyan.

"Wag ka ng mainis baby girl. Alam mo naman na mas love kita eh." what? Omg Mathew, don't play my heart please.

"Mathew isa!" pagbabanta ko sa kanya. GG na ako dito mga tea.

"Kinakamusta ka lang to naman. Hahahaha!" Natawa pa ang gago. Masaya lang talaga siya kapag may pinaglalaruan siya. Hay ewan.

"Pwes hindi ako ok!" At pinatay ko na ang cellphone ko. May narinig naman akong tumawa sa likod.

"Hahahahahahahahaha!" nilingon ko ito.

"Mathew?" pagtataka kong banggit sa pangalan niya.

"Hahahaha your face is so priceless baby girl hahahahah!" tinakbo ko sya at pinalo palo. Ganito talaga kami well, masanay na kayo.

"Aray hahaha baby girl haahaha!" o diba? Monggoloid?

"Walang hiya ka talaga." papalo na sana ako ng kinuha nya ang dalawang kamay ko at inilapit sa mukha nya

Ang lapit ng mukha nya saakin. Ano to mathew!

"H-hoy a-anong g-ginagawa mo?" nagtataka ako at nauutal. Potek ka Madeline umayos ka! ano ba yan.

"Ayaw mo kasing tumigil. Pag di ka tumigil hahalikan na kita.baka sakaling tumahimik ka." nagsmirk pa ang loko. Hay naku tong lalaking to talaga.

"Gago d-di n-na epektibo y-yan saakin! Gamiti na gamit na yan sa mga babae mo." sabay tulak. Talaga naman eh palagi nya naman ginagawa sa mga babae nya

"Uyy kinilig ka dun? Utal utal pang nalalaman eh Hahaha!" takte kailan ba to titigil sa kakatawa? Baka may sira na ata to sa utak

(A/n: Mahal mo naman? Sus)

Bat ba may sumisingit? Hay nako!

"Hindi no. Nakakainis ka na ha." nagsungit ako at i cross my hands dahilan ng matawa na naman siya ulit. Tsk.

"Hahahaha baby girl tara libre kita." Ayan na naman ang kahinaan ko. No! Bawal! Baka mamaya sama niya si Stefanie praning, mag wawarla talaga dito teh.

"Ayoko, kasama mo girlfriend mo diba?" sabi ko ulit sa kanya

"Pupunta sila ata sa salon magpapaganda i guess. Appointment daw kasi nila yun. Well, girls will be girls. dali na kasi samahan mo na ako." so tinutulad mo ko sa babaitang yun?

It's My Playboy Bestfriend [Editing]Where stories live. Discover now