It's My Playboy Bestfriend
Madeline's POV;
Nagtataka pa rin ako kung sino ang nagbigay nung note. Nakakatakot kasi.Iniisip pa nga din mathew yun kung sino pero di nya daw matandaan. Yan kasi ang dami daming babae. Tsk!
"Maddy!" Si cathy na ngayon tumatakbo papunta saakin hay. Ang ganda nya talaga mukha syang barbie doll
"Nakita mo na?"sabi nya
"Yung alin?" Tas hinila nya ako papunta sa Bulletin Board. Oh my ghad.
"May camping tayo? " tanong ko
"Yessy! Naku excited na ako. Sasama ka ba?"
"Ewan ko cathy eh."
"Ay bakit naman? Ayaw mo ba?"malungkot nyang saad
"Hindi naman sa ganun, ang mahal ng babayaran eh ayoko humingi kela mama."
"Ah ganun ba? Libre nalang kita"
"Naku cathy nakakahiya. Wag na"
"I insist gusto kitang makasama dun eh."
"Talaga? Sige na nga haha"
"Ayieee so magprepare ka nalang ha. Okie" tuwang tuwa naman kaming pumunta sa room at hinintay ang teacher. Maya maya ay dumating na din
"Hi class. Nakita nyo na ba yung pinost sa Bulletin Board right?"
"Yes ma'am" sabay sabay naming saad
"So magcacamping tayo bukas class excited na ba kayo?"
"Opo ma'am." Sabay nilang saad. Hala bukas agad? Nagmamadali naman tong mga to. Bumulong agad ako kay cathy
"Ang bilis naman bukas agad?"sabi ko
"Ano ka ba? Kahapon pa pinost yan sa Bulletin Board. Eh kasi naman problemado ka kahapon sa red thingy mo no" ah oo nga.
"Ay hehe ganun ba?" At umayos na ko ng upo.
"That's great, so ayusin nyo na ang dadalhin nyo ok?" At masayang sumagot ang mga estudyante bago nag simula ang class namin.
.
.
.
.
."Maddy anong gusto mong kainin?"sabi ni cathy
"Ay bakit libre mo rin ba?" Tas ng puppy eyes ako para cute. Haha
"Etchosera ka! Libre na nga kita sa camp libre pa kita sa dito? Duh? Tinanong ko lang kung ano kakainin mo eh" Tas tumawa sya. Bruha talaga.
"Magbuburger nalang ako tas coke. Oks na yun" tas nagpunta na kami sa canteen at nagorder na tsaka kumain.
Haang kumakain kami may sumingit na asungot sa tabi ni Cathy.
"Hi girls"tapos tumingin sya kay cathy at si cathu naman parang kinikilig jusko wag yan mathew.
"Teka? Ginagawa mo dito?" Sabi ko
"Tatanungin ko lang kung kasama ka basa camping? Libre kita"sabi ni mathew tapos ngumiti sya
"Ah wag na nilibre ko na si bessy" sabi naman ni cathy habang di pa rin matanggal yung ngiti.
"Aba! Salamat binibini at napakabuti mo at for the very first time di ko nalibre yang tigre na yan" tas binatukan ko sya.
"Aray! Grabe ka naman"sabi nya tas hinimas himas yung parte na binatukan ko.
"Sino tigre ha!?" Sigaw ko
"Ikaw! De joke lang syempre. Hehe"tas nag pogi sign sya.
"So mads kita nalang tayo. Punta lang kami sa field"sabi ni mathew at bago sya umalis kinuha nya ang kamay ni cathy at hinalikan ito tas kumindat. Si cathy naman ay pulang pula. Kinilig siguro naku kuhang kuha na talaga ni mathew ang mga kiliti ng mga babae.
YOU ARE READING
It's My Playboy Bestfriend [Editing]
Teen FictionA girl who fall in love with his playboy bestfriend, Si Mathew known as Playboy of the campus. Marami na syang na-encounter na mga babae at marami na rin syang nasaktan pero isang babae lang ang hindi nya masaktan. Ang Kanyang Bestfriend na si Madel...