It's My Playboy Bestfriend
Calli's PoV;
Yown oh! Salamat author. Hahaha lab you.
Nandito kami sa Bar Ngayon. Grabe lasing na lasing na si Zhayne pero Ayaw pa rin paawat. Hindi kaya ganito si Zhayne. Parang bumaliktad ata yng mundo. Kaso mahal na mahal nya si Tasha. Nag todo effort yung tao tas rejection lang matatanggap? Ano ba naman yan. Da't kasi si Maddie nalang minahal nya.
Oo,crush ko si Maddie pero paghanga lang naman ang nararamdaman ko. No more no less.
"Bro,tama na yan."
"Wala kayong pake. Pabayaan nyo ko." Tas uminom sya ulit. Ngayon ko lang talaga nakita si Zhayne na ganito. Hay Tash. Anong ginawa mo?
Nakita namin si Mathew na papunta dito.
"Bro." Sambit ni hero.
"Anong nangyari?" Sabi ni Mathew.
"Ayan, nagpakalasing. Iniwan ni Tash eh." Sabi ko.pinuntahan ni Mathew si Zhayne. Ganun lang din ang ginawa nya. Nilapitan din namin sya.
"Ang sakit. Tangina!" Uminom ulit sya
"Bro wala na tayong magagawa. Wala na sya!" Sigaw ni Hero.
"Wag nyo akong pakealaman! Umalis na kayo!" Natulog nalang sya dun sa desk. Napa sigh nalang kaming lahat. Binuhat namin sya para ihatid.
Naku naman oh!
Madeline's PoV;
Nandito kaming lahat sa canteen. Ang CB at kami nila Cathy. Nawawala nga lang si Zhayne. Alam nyo ba,2 weeks ng di pumapasok si Zhayne. Grabe naman yun.
"May balita na ba kay Zhayne?" Sabi Ko
"Wala pa nga eh. Ayaw magpapunta sa condo nya. Tsk!" Tas nagkamot si Calli.
"Hay. Puntahan ko kaya sya?" Sabi naman ni maddie
"Hay naku! Pagbuntungan ka lang nun sila calli nga di pinapapunta ikaw pa kaya." Sabi ni cathy
"Tama nga si cathy. Hayy!" Sabi naman ni Hero.
Ganun ba talaga ang pagibig? Masasaktan ka talaga?
Maya maya nagsipasok na kami sa room namin at nagsimula ng magklase.
-----
Hay. Natapos rin...wala daw pasok 1 week. May kailangan daw silang ayusin eh. May school fair kasi yun pagkatapos. At dahil malaki at kilala ang school namin ayun nagpabongga na naman. Hay ano kaya ang gagawin ko sa loob ng 1 week?
"Baby girl!!!" Kilala nyo naman kung sino yan diba?
"Oh Mathew bakit?" Tanong ko dito.
"Dun tayo sa condo. Movie marathon tayo ulit. Wag lang yung the conjuring ulit. Ang panget nun eh wala man lang thrill." Sabi nya walang thrill pero nahimatay. Naku mathew.
"Ahh oh sige. Insidious nalang." Napatawa naman ako sa reaksyon nya hahaha.
"Minions nalang." Tas inakbayan nya ako at naglakad na. Anong meron sa mga dilaw na mukhang saging na yun? Hayy naku...
Si maddie ayun nauna na...naku for sure pupuntahan nya si zhayne. Makulit ang isang yun eh.
"Hoy bakulaw ka. Dumating na pala si tita. Ayaw mo ba silang makabonding?" Sabi ko.
"Tara na kasi."Tas ipinasok nya ako sa kotse. Hay naku may problema na naman to.
Tahimik lang ang byahe namin. Habang nagpapatugtog ako ng music tinitignan ko ang binigay na libro at roses ni Xander. Ang sweet talaga ng isang yun. Di ko alam nandito na pala kami sa condo nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/81092209-288-k817729.jpg)
YOU ARE READING
It's My Playboy Bestfriend [Editing]
Teen FictionA girl who fall in love with his playboy bestfriend, Si Mathew known as Playboy of the campus. Marami na syang na-encounter na mga babae at marami na rin syang nasaktan pero isang babae lang ang hindi nya masaktan. Ang Kanyang Bestfriend na si Madel...