It's My Playboy Bestfriend
Madeline's PoV
Nagising nalang ako na nakahiga sa isang kama.
"Anak? Jusko anak ko. Kamusta ka?" Sabi ni mama. Niyakap ko agad si mama. Naiiyak ako...andito sila. Salamat lord.
"Mama*sobs*" niyakap din ako ni papa. Pagkatapos ng yakapan section namin sumulpot si mathew.
"Nabayaran ko na po b-- madeline." Tas niyakap nya rin ako na ikinabigla ko. Ikaw ba naman yakapin ng pabigla...
"Hulaan ko. Ikaw na naman ang nagligtas saakin noh?" Sabi ko hindi pa rin sya bumibitaw kaya niyakap ko nalang din sya.
"Nag-alala ako sayo alam mo ba yun?" Sabi nya At kumalas na sa pagkakayakap.
"Ok ka na ba?" Sabi nya.
"Oo ok na ako. Salamat sa iyo"sabi ko at ngumiti.
"Pwede na bang umuwi si madeline?" Sabi ni papa
"Opo pwede na po. Magpahinga lang daw po sya at kumain ng mga prutas para bumalik po ang lakas nya." Sabi ni mathew. Tumango naman sila mama at papa at inalalayan ako sa pagtayo. Medyo nanghihina pa ako eh pero keri na
Papalabas na kami sa ospital pero nauna na kami ni mama. Si papa at mathew ayun naguusap tas sabay na sila naglakad.
"Hatid ko na po kayo" sabi ni mathew.
"Wag na mathew. Naabala ka na namin. Ok na kami magtataxi na lang kami" sabi ni papa
"I insist po. Ngayon pa ba kayo mahihiya haha" at tumawa naman si papa. Nagpunta na kami sa kotse para sumakay. Si mama at ako nasa back seat tas si papa nasa front seat...
Nagsimula ng umandar at umalis na kami.
Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa bahay. Pagbaba namin sa kotse pumunta agad kami sa kwarto at pinahiga ako.
Nandito pa rin si mathew. Pagkatapos akong asikasuhin ni mama lumabas muna sya. Si mathew naman umupo sa gilid ko.
"Ok ka na talaga?" Sabi neto.
"Oo ok na ako." Sabi ko naman.
"Baby girl? Sino ang nagkulong sayo dun?" Sabi nya.
"May nakita akong lalaki. Sya parin yung naka black hood. Nagtext ka saakin na pumunta ako sa stock room. Kaya ayun" sabi ko.
"I didn't text you. Nagpaalam ako sa na pupunta lang ako ng restroom right?" Oo nga noh.
"Hahanapin ko ang may pasimuno neto. Right now you need to rest ok?" Sabi nya. Mukhang seryoso sya dito ah.
"Ikaw din. Naabala pa kita tuloy." Sabi ko.
"Tss. Wala nga lang yun... Sige na good night. Wag kang papasok bukas ha magpahinga ka lang" at umalis na sya. At ako naman ay natulog..
Kinabukasan...
May nararamdaman akong may kumikiliti sa tenga ko na ikinagising ko.
"Ate!!!!" Nagulat ako sa sigaw na yun.
"Maddie?"
"Ako nga ate.. i misshh you!!" Tas niyakap ako. Waaahhh ang kapatid ko.
"Oh baba na kayo kakain na." Sabi ni mama.
Ay oo nga pala may kapatid ako. Si Maddie Reigh Vergara. Isang taon lang ang agwat saakin. Lumaki sya sa puder ng lolo at lola ko. Lola and lolo's girl kasi yan. Bumibisita rin naman sya pero mas gusto nya dun eh.
YOU ARE READING
It's My Playboy Bestfriend [Editing]
Novela JuvenilA girl who fall in love with his playboy bestfriend, Si Mathew known as Playboy of the campus. Marami na syang na-encounter na mga babae at marami na rin syang nasaktan pero isang babae lang ang hindi nya masaktan. Ang Kanyang Bestfriend na si Madel...