𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 XXVI (Editing)

211 3 0
                                    

It's My Playboy Bestfriend

Madeline's PoV:

Nandito kami ngayon sa condo nya. Ginagamot ko kasi ngayon yung sugat nya.

"You sure you ok baby girl? Hindi ka ba nagkasugat o ano?" Ilang ulit nya na promise

"Oo nga po. Ilang ulit nyo na po sinabi yan." Sabi ko tas natatawa.

"Ah! Ah! Aray masakit baby girl" sabi nya.

"Hayst...sino kaya yun noh? Hindi ko sya nakita eh."sabi ko habang tinatapos ang paglalagay ng tela sa kamay nya.

"Kung sino man syanv poncio pilato naku di ko sa mapapatawad. Paano kung nasagasaan ka dun? Paano kung ikaw na saktan? Waaaahh wala na akong baby girl" hinigit nya ako at niyakap. Ano ba yan.

"Heh! Naku dito na muna ako at ipagluluto kita" sabi ko

"Lah? Talaga? Yes!!!" Sabi nya. Para makabawi man lang ako sa pagligtas nya saakin. Lalabas na sana ako ng kwarto nung nagsalita sya.

"Baby girl, wala ba talaga?" Natigilan ako sa sinabi nya. Teka anong ibig nyang sabihin?

"Huh?" Nilingon ko sya. Tas ngumiti sya.

"Wala. Haha sige magluto ka na. Sarapan mo ah?" Tas humiga sya sa kama. Ay naku tinutupak talaga yang kaibigan ko. Tsk tsk.

Nagpunta na ako sa kusina at binuksan ang ref. Tamang tama may sayote dito tsaka manok magluluto nalang ako ng tinola.

Habang nagluluto,bumaba sya at pumunta sa kusina para uminom ng tubig.

"Baby girl, niluluto mo?" Sabi nya tas lumapit saakin at tinignan yung niluluto ko.

"Tinola...tikman mo nga." Pinatikim ko naman sa kanya.

"Hmm baby girl ang sarap. Kain na tayo. Ah baby girl samahan mo nga pala ako sa mall." Naku makikipagkita na naman siguro to.

"Kanino ka na naman makikipagkita?" Sabi ko.

"Huh? Ano ka ba. Magbobonding tayo. Mababagot na naman ako dito eh aalis ka na mamaya."

"Ay hehe ganun ba?" Aba himala. Haha. Naghanda na ako ng plato at baso tsaka nung mga kutsara. Tapos kumukuha ng kanin. Pagkatapos kong ayusin ang lamesa. Kumuha ako ng malaking bowl at tsaka isinalin ang tinola. Ready to eat na.

"Kain ka mabuti." Nilagyan ko sya ng kanin. At sya naman nakangiti. Lah problema neto?

"Bait naman ng baby girl ko. Haha opo kakain po ako mabuti. Ikaw rin. Kumain ka na." Umupo na ako sa tabi nya. Naglagay na rin ako ng pagkain ko.habang kumukuha ng ulam naramdaman kong nakatingin sya saakin.

"Oh anong tingin yan?" Infairness pogi nya haha.

"Wala lang. Masaya ako at hindi ka ngayon nagsusungit...ang caring mo nga ngayon eh. Pero ok na rin ako sa masungit. Sarap asarin haha" tignan mo to. Pupuri na nga lang may kasama pang pangaasar.

"Kita mo to, kumain ka na nga lang." Tas ngumiti ako.

"Malas siguro ng mapapangasawa mo. Under siguro yun haha" pinalo ko naman sya sa braso.

"Aray! Baby girl ito na na nga kakain na po. Aishh" sabi nya na ikinangiti ko pa lalo. Ganito talaga kami haha.

"Kahit under ko sya o kung ano man, Mahal na mahal ko pa rin sya. Pakabusog ka ha." Sabi ko.

"Opo." Masaya kaming kumain kasama ang asaran dun. Syempre di mawawala yun.

After that...

Nasa kotse na kami papunta ng mall. Iniisip ko pa rin yung nangyari kanina. Hayst.

"Nandito na tayo." Di ko namalayan nandito na pala kami.

It's My Playboy Bestfriend [Editing]Where stories live. Discover now