Madeline's
Dismissal na namin at naglalakad ako ngayon papunta sa labas ng school pero may nagtutumpukan na mga babae dun. At dahil chismosa ako nagpunta ako dun at nakisiksik din.
Ano na naman ba to?
"Walang hiya kang babae ka. Saakin si Mathew!" nagulat ako sa kung sinong babae ang sumigaw. Pamilyar ang boses na yun at hindi ako nagkakamali na si Stefanie iyon.
Ngayon ay nakikipagaway si Stefanie sa babae. Wait? Teka, siya yung babaeng nakita kong kasama ni mathew kanina. Oh no patay!
"Ano ba! Arrgghhh." Sabi naman ng babae at pilit na dinedepensahan ang sarili. Hay naku Mathew kita nyo ang gulong ginawa nya?
Ito ang nangyayari kapag nagkikita ang mga kasintahan nito. Agad naman tumabi ang lahat ng biglang dumating si Mathew
"Hey! Hey stop Stef!" Sabi ni Mathew kasama niya ngayon sina Calli at Hero n inaawat ngayon nila Mathew ang dalawang babae. Ako naman tamang nood lang dito.
"Bitiwan mo ako! Kakalbuhin ko ang babaeng yan arrggghhhh!" inis na pasigaw na sabi ni Stefanie. Hawak hawak ni Mathew ngayon ang kanyang bewang.
"STEFANIE! STOP IT!" sigaw ni Mathew naikinatigil ni Stefanie at nabigla din ang lahat. Mathew is looking Furious again. Well, kasalanan niya na din naman yan.
Hay Mathew ano na gagawin ko sayo?
"Okay, f-fine." tas inayos ni Stefanie ang sarili. Ganun din ang isa ang nakapalibot sa kanilang mga audience ay pinaalis ng tatlo na sila Calli buti naman ay sumunod ang mga ito.
Si Mathew naman ay humingi ng sorry sa babae. Kaibigan lang pala ni Mathew yung babae may tinatanong lang pala si Mathew sa kanya kanina sobrang selosa pala ni Stefanie. Pero di naman siguro maiiwasan ni Stefanie yun dahil alam naman ng lahat na Playboy yang si Mathew.
"Let's Talk." tas hinila ni Mathew si Stefanie kung saan. Ako naman tong chismosa sumunod din.
Nag-uusap sila ngayon at ako naman ay nakatago sa halaman.
"This is not gonna work Stef. Nasasakal ako sayo." aba ikaw pa talaga ang nasakal. Kung sa bagay selosa si Stefanie kung ako din naging boyfriend nun masasakal din ako. Hay ewan, di ko din kinakampihan si Mathew ha.
"W-wait so sa madaling salita, ma-makikipagbreak ka na s-saakin? This is ridiculous? Siguro dahil sa babaeng yun no? I will kill that bitch." sabi naman ni Stefanie.
"Stop it. We are done." bigla naman siyang umalis at iniwan si Stefani na nakanganga.
"Wait! Mathew don't do this to me. Gagawin ko lahat wag mo lang ako iwan." oh no. Another victim. Hay di na kasi nadala.
At ayan na nga ang mga famous na salita na lumalabas sa bibig ng mga babae kapag binebreak na sila ni Mathew tsk tsk.
Kawawa naman si Stefanie.
Paalis na sana ako nang bumangga ako sa dibdib ng isang lalaki.Si Mathew na nakapamulsa at parang nagtataka.
"What are you doing Madeline? Tapos na yung pinapanood mong drama dyan?" he just smirked. Habang ako ay kaado ang dibdib ko.
"Ah ano, Yung ano kasi..." magisip ka Madeline. Teka bat nga pala ako natatakot sa kanya? Hays.
"Hoy!" habang nakaturo ang daliri ko ko sa mukha niya.
"Ano?" Sabi niya habang nakangiting ng nakakaloko. Hoy bat ampogi neto. Ay taena mali erase erase.
"Bakit m- hmmp!" aba! Itong lalaking to talaga.
YOU ARE READING
It's My Playboy Bestfriend [Editing]
Ficção AdolescenteA girl who fall in love with his playboy bestfriend, Si Mathew known as Playboy of the campus. Marami na syang na-encounter na mga babae at marami na rin syang nasaktan pero isang babae lang ang hindi nya masaktan. Ang Kanyang Bestfriend na si Madel...