𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 XL (Editing)

168 4 0
                                    

It's My Playboy Bestfriend

Madeline PoV;

Kain lang kami ng kain at nagkukwentuhan. Habang kumakain kami kinuha ni Mathew yung phone nya at parang nawala sa mood ang mukha nya.

"Mathew? May problema ba?" Sabi ko

"My parents, nandito na sila."sabi nya. oh problema dun?

"Oh anong problema dun. Nandyan na pala sila tita eh. Puntahan mo na." Sabi ko.

"Just eat" at ngumiti lang sya tas kumain ulit.

Maddie's PoV;

Nandito lang ako sa kwarto nagmumukmok habang tinitignan yung singsing na binili nya para kay tasha. Oo para pala kay tasha... Umasa ako dun ah. Tumunog naman ang phone ko.

Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nagtext. Si Zhayne...

From: Zhayne

Hey maddie tulungan mo naman ako oh...dalhin mo na din yung singsing. Thanks friend :)

Aray! Na-Friendzone ang beauty ko teh! At dahil mabait pa rin akong KAIBIGAN sumunod naman ako.

Nagbihis ako at umalis na. Maya maya dumating na ako sa destinasyon na ibinigay nya. Garden sya... Ang daming magagandang bulaklak dito.

Habang naglalakad nakita ko ang lalaking nagpapatibok ng puso ko. Nakangiti saakin. Pero isang pangarap lang yun.

"Hey maddie. Uhmm isu-surprise ko si Tasha. Where's the ring?" Kinuha ko naman ito sa bag at ipinakita sa kanya.

"Perfect." Tas kinuha nya na ang singsing.

"Ma-magpopropose ka ba?" Sabi ko

"Yeah. I want to be with her...mahal na mahal ko sya. Ayoko na mawala sya ulit. Ito ang paraan para maging akin na sya." Parang gusto ko ng maluha dito.

"Ga-ganun ba? Haha good luck." Sabi ko at tumalikod.

"Salamat maddie. Thank you for being a friend." Biglang bumagsak ang luha ko ng biglang dumating si Calli

"Hey bro! Parating na yung musicians--- maddie?" Lumaki ang mata ko at umiling iling sa kanyan na wag sabihin na umiiyak ako. Parang nakuha nya naman agad.

"Bakit? Anong nangyari kay maddie? Maddie?" Narandaman kong papalapit si Zhayne nang inakbayan ako ni Calli.

"Ahh haha wala wala. Labas muna kami ni Maddie hinatayin namin sa labas yung Musicians tara na Maddie."tas umalis na kami ni calli. Maya maya nakarating kami sa labas at dun ako umupo at bumuhos ang luha ko.

"Oy! Ok ka lang? Parang kang nabroken hearted dyan?" Sabi ni Calli. Umupo din sya sa gilid ko at hinagod ang likod ko.

"Wag ka na umiyak...iiyak din ako. Sige ka." Sabi nya. I heard him Chuckled.

"Masakit kasi Calli, minahal ko kasi. Nakakainis ako no letcheng pagibig to. Ayoko na umibig"

"Alam mo Maddie, hindi naman masama ang umibig. Nagmahal ka nga lang sa taken na. May plano pa kasi ang tadhana saatin. Wag kang mawalan ng pagasa...malay mo nasa tabi tabi lang pala yung magiging forever mo."seryoso nyang sabi

"Walang forever!" Sabi ko

"Ay naging bitter agad? Real quick haha" sabi nya.

"Salamat ah. Pinagaan mo loob ko. Tama ka nga siguro...nakakausap ka rin ng matino minsan eh no?"

"Grabe ka naman. Minsan lang? Matino naman ako palagi ah" sabi nya. Tumawa naman ako tas yumuko. Nagulat ako nung niyakap nya ako

"Wag ka na umiyak ah ok?" Sabi nya.

It's My Playboy Bestfriend [Editing]Where stories live. Discover now