𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 LIII (Editing)

182 4 0
                                    

It's My Playboy Bestfriend

Third person's PoV;

Isang kagalakan sa kanilang lahat at makakapagtapos na sila ng kolehiyo. Maddie, Cathy, Xander, Zhayne, Calli, Hero,Madeline at Mathew.

At sa araw na ito ay magtatapos na ito. Lahat ay tuwang tuwa. Lahat ay may pamilya na masaya dahil nakapagtapos ang mga anak.

Si Calli tuwang tuwa na nagkukwento sa kanyang mga magulang ganun din si hero.

Si Zhayne? Ipinakilala si maddie sa mga magulang neto. Maayos na silang dalawa at nagkakamabutihan.

Si Cathy? Isang yakap ang ibinigay sa kanya ng kaniyang mga magulang. Halata sa mga mata ang kagalakan ng kanyang mga magulang kahit na sya ay nagkukwento din.

Xander at Mathew? Kasama na rin ang kanilang mga magulang. Syempre mawawala pa ba ang magiging kabiyak ni Mathew? Binati ng anderson ang pamilyang smith.

At si Madeline... Masaya rin na nagkukwento sa kanyang magulang at nagpapasalamat dito. Nakipagusap ang magulang namin kela zhayne at si madeline?

Nakita nya lang sila mathew. Tanging si mathew lang ang nakikita nya. Ang taong mahal nya na nasa iba na.

Naaalala nya ang mga masasayang araw nila at pangako nila sa isa't isa na makakapagtapos silang dalawa ng pag-aaral at natupad na ito.

Gusto nyang yakapin si mathew dahil sa sobrang miss pero wala na syang magagawa.

Masaya sila at wala syang planong sirain yun. Nginitian ni mathew si madeline. Sinuklian din ni madeline ang pag ngiti sa kanya ni mathew.

Hanggang dito nalang ba?

Madeline's PoV;

2 years later

Hay grabe ang dami namang binigay na paper works ni boss grabe. Mag aalas-nuebe na pala. Bukas na nga lang to layo pa naman ng deadline eh.

By the way, proofreader na pala ako sa isang publishing house. Masaya naman ang trabaho ko. Tamang tama sa course ko na journalism.

"Hey maddygirl di muna ako makakasabay sayo ah. Susunduin ako ni boyfie eh." si Lily. Kasamahan ko dito

"Sana lahat may boyfie. Haha ayos lang." inayos ko na ang mga gamit ko dahil ready to go na ako.

"Sige guys alis na ako." paalam ni Lily. Hay ako rin.

"Bye guys." nagbabye naman ang mga kasamahan ko. Tinawagan ko si maddie.

Calling maddie...

"Maddie,may ipapabili ka ba?" tanong ko sa kanya. Baka may ipabili. Minsan kasi huli na magrequest eh. "Ate bili mo ko neto, ate naman dapat tinawagan mo ko." gigil ako. Haystt...

["Zhayne naman eh. Sumbong kita kay tita"] hay naku na kela zhayne na naman tong bruha. Oo boyfriend nya na si zhayne at pano nangyari? Kasi ganito... Once upon a- ano ba? Di ako story teller ah tell nyo dyan kay miss a.

[A/n: ano ba naman to? Ge wala kang lablyp dyan bala ka. Hmpph!!]

Naku itong si miss a. Sige na ikaw na mag tell ng story nila. Kakabugin pa ata lovestory eh ko.

[A/n: next na hahaha gora na.]

So yun na nga. Nga pala... Wala na akong balita kela mathew at xander simula nung nagtapos kami. At ang alam ko ikinasal daw sila mathew sa ibang bansa.

Alam nyo? Pagmamahal ko kay mathew ay nandito pa rin. Di nawawala yun. Masakit para saakin ang di sya magsabi na aalis pala sila? Kahit papano may pinagsamahan kami ni mathew pero parang bale wala lang yun. Di man lang sya nag good bye. Ni hi ni ho wala...

It's My Playboy Bestfriend [Editing]Where stories live. Discover now