𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 VIII

247 8 1
                                    

Madeline's

Another day na naman, panibagong pangyayari na naman sa buhay ko at ngayon ay mag-isa akong naglalakad sa school. Tinatahak ko kasi ngayon ang daan papuntang field para makita si Mathew na naglalaro. Nagsa-soccer nga pala si Mathew kung di niyo naitatanong.

May practice siya ngayon at kailangan nadun talaga siya. Isa rin kasi siya sa pinakamagaling na soccer player sa kanila.

Nag-punta naman ako malapit sa mga upuan nila at umupo dun habang pinapanood siya. Bigla niya ata akong nahagilap at nakita niya ata ako kaya ngumiti sya. Ay kafugi nya! Binigyan ko din siya ng ngiti at papalapit siya ngayon saakin.

"Uy baby girl haha" ginulo niya buhok ko habang nakangiti.

"Mat! Yang baby girl mo na naman ah" sabi ko habang tinuturo siya. Napansin ko naman na parang pawis na pawis siya dahil sa training nila siguro.

"Baby girl naman. Tsk, paabot nga nung bimpo." kinuha ko naman ang bimpo sa bag niya at inabot ito sa kanya. Nagtataka naman ako kung bakit siya nakangiti na parang nakatingin sa ibang direksyon?

Tinignan ko naman yung direksyon na tinitingnan nya at may mga babae pala dun na kumakaway sa kanya. Mga CBnians yan. Fans nila.

Hinubad nya naman yung damit nya at tumambad naman ang 6 packs nya. Takte saan na ang kanin! Kakain na ako eto na ang ulam. Charot lang! Tong mga to oh

Nagtilian naman ang mga babae, well ganun talaga pag hearthrob diba? Ewan.

"Kyaaaaahhh ang hot mo Mathew!" sabi ni girl 1

"Oh my gosh Mathew!" Sabi ni girl 2 na parang naghihingalo nang dahil sa 6 Packs ni Mathew. Oa ka teh?

Dumating naman ang mga kaibigan nyang sina Calli.

"Oh Mat! Hi Madeline. Oh, nandyan na pala mga fans natin." Sabi ni Zhayne

"Oo nga hahaha" sabi naman ni Hero na nagpupunas lang din ng pawis

"Baby girl punasan mo nga likod ko please?" Mathew naman eh ake pe telege! Bat po ang landi ko ngayon? For god sake, bestfriend mo yan.

"A-ayoko n-nga!" Arrrrgghh ano ba ang nangyayari saakin?

"Sige kung ayaw mo sila nalang." sabi nya habang nakangiti. Ano ba yan magpupunas na nga lang kailangan pa ng katulong.

"Aba, dumadamoves ka ah. Gusto mo lang makachansing sa mga girls eh haha." sabi ni Calli na umiinom ng tubig ngayon.

"Girls pwede papunas kami?" Sabi nila Mathew.

"Waaaaaahhhh talaga? Akooo!" sabi nung isang babae at ayun nga lumayo na ako dahil dudumugin na sila. Parang may stamped eh jusko.

Pero nung palayo ako itinulak ako nung isang babae kaya napabagsak ako.

Aray! ang sakit ng balakang ko. Loko yun ah. kabwesit yun! Arrggghhhh!

Aray! Huhu yung pwetan ko pati yung braso ko ang sakit. Hinimas himas ko ang mga masasakit na parte saakin.

Nagulat ako nung may bumuhat saakin. Si Mathew? Isinakay nya ako sa likod nya.

"Oh M-mathew?" Takang tanong ko tumingin naman sakin yung mga babae at halatang nagtataka.

"Okay ka lang baby girl?" hoy anong ginagawa mo Mathew?

"Oo naman noh. Naku ibaba mo na ako. Bilis nakatingin sila." ganyanan tayo eh, kahit masakit na nakakaya pa rin natin. Ay humuhugot haha chos lang!

"Sigurado ka ha?  Kung hindi dadalhin kita ng Clinic. Out na din namin kaya masasamahan kita." sabi niya sakin habang buhat pa din ako.

"Oo okay lang ako. Please ibaba mo na ako." pero hindi pa din siya nakikinig sakin. Hays!

It's My Playboy Bestfriend [Editing]Where stories live. Discover now