It's My Playboy Bestfriend
Maddie's PoV;
Napatakip kaming lahat sa tenga dahil sa ingay. Sino ba yun?
Tumingin kami sa kinaroroonan ng music at nakita nami si Zhayne na may Wire? Sya ba yung pumatay?
"Tigil nyo na. Nakakairita tss" tas lumayas sya habang nakapamulsa. Huh? Nagsibalikan naman ang lahat sa pag aayos. Pumunta naman dito si ate at cathy sa lugar namin.
"Anyare dun Calli?" Sabi ni Cathy
"I think it's a success." Ngumiti si Calli saakin. Alam ko na ang ginagawa nya.
Bigla ko syang hinila dun sa walang tao.
"Hoy! Sabi ko wag na nga eh." Sabi ko sa kanya.
------------------- Flashback -------------------
"Hey, i have an idea." Sabi neto
"Ano na naman?" Sabi ko naman
"You love him so much right?" Ani nya
"Oo naman. Kaso ayoko na umasa." Sakit eh.
"Well, ayoko rin sya nakikitang nasasaktan dahil kay tash. What if pagselosin natin sya? May pinagsamahan naman kayo eh." Sabi nya.
"What the... Calli, kahit pagselosin ko pa sya, wala lang ding mangyayari. Umayos ka nga. Kaibigan lang ang turing nya saakin. Ayoko na din ipagsiksikan ang sarili ko noh? Masakit kaya. Tsaka nag good bye goodbye na ako sa kanya kaya tama na. Ayoko na. Tapos"
"Let's try?" Sabi neto bat ang kulit nya.
"Ano ba. Ang kulit mo wag na nga eh. Hayst!!!" Sabi ko. Naglakad nalang ako pero sunod ng sunod pa rin sya.
"Hindi mo na ba talaga sya mahal?" Napatigil ako sa sinabi nya
"My ghad Calli, kung alam mo lang ang nararamdaman ko ngayon sa kanya. Mahal ko pa rin sya syempre..."
"Yun naman pala eh. Gawin na natin." Sabi nya
"Ang kulit mo talaga eh noh! Sabi nga ng lola ko pag di ka na mahal ng isang tao. Let go mo na." Sabi ko
"Sabi din ng lolo ko pag mahal mo,ipaglaban mo." Jusme ka Calli di ko pala alam na may ganitong side sya
"Hay naku calli. Basta. Wag na. Alright." Sabi ko at naglakad ulit
"Mahal ka nun haha" pabulong nyang sabi pero di ko masyado na rinig.
"Ano?!" Sabi ko
"Wala! Ang ganda mo pero bingi lang." Sabi nya at inakbayan ako tas naglakad na.
----------------end of Flashback-----------------
"Para naman syang naselos eh. Haha"sabi neto kung sabagay. Bakit pa sya mag aabalang patayin yun music kung wala syang pakealam saakin?
"May point ka naman."sabi ko naman.
"Gawin na natin ha. Gusto ko rin makita kung paano magselos yun ugok na yun haha"
"S-sige." Sige na nga. Go na!
Mathew's PoV;
Habang hinahabol si Zhayne biglang may tumawag saakin. Tinignan ko ito.
It's Mom. Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko 'to."Hello?" Sabi ko
"[Mathew, let's have a lunch later. We have something to tell you. I will text you the address, make sure na makakarating ka or else...]" Then pina tay na nila. Ano ba gusto nila? Tss.
YOU ARE READING
It's My Playboy Bestfriend [Editing]
Teen FictionA girl who fall in love with his playboy bestfriend, Si Mathew known as Playboy of the campus. Marami na syang na-encounter na mga babae at marami na rin syang nasaktan pero isang babae lang ang hindi nya masaktan. Ang Kanyang Bestfriend na si Madel...