𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 XXXVI (Editing)

165 6 0
                                    

It's My Playboy Bestfriend

Madeline's PoV:

Good morning. Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Oo nga pala ngayon pala yung game nila Mathew. Naku... Hindi na ako nakagawa ng banner... Kaya na yan ng School. Sa school din kasi gaganapin yun game... Red Serpent Vs. Blue Archer. Ang cute ng name no? Amin yung Blue Archer.

Magaayos na nga ako. Mag-tshirt daw ng kulay blue. Kaya yun ang sinuot ko. Jeans,sneakers then done. Tas lumabas na ako at nag breakfast.

"Morning ma." Tas umupo ako. Nakita ko naman si maddie kumakain na rin

"Morning ate" sabi nito

"Oh Madeline... kamusta? Anong nangyari sa date nyo nung kapatid ni Mathew?" Sabi ni mama. Supportive naman sila hihi.

"Oo nga ate kwento ka dali."

"Ok naman ma. Dami ko din nalaman sa kanya. Nagmamanage o tumutulong na pala sya sa company nila." Sabi ko nagmamanage na si Xander samantalang si Mathew. Buhay binata pa rin Hay naku Mathew.

"Ah ganun ba? O sige." Tas kumain na ako ng kumain Hanggang na tapos...nagtoothbrush na ako at maya maya kinuha ng bag tas nagpaalam kay mama.

"Mama alis na po kami" sabi ni maddie.

"Ate maglalaro pala si Zhayne ng Soccer. Waaahhh ichcheer ko sya ng bonggang bongga" sabi nito. Pumara na ako ng taxi

"Hay naku. Wag kang umasa sa mokong na yan...baka mainlove ka naku" sabi ko sa kanya. Pafall kaya yan si Zhayne sweet kasi at gentleman tas caring. Yung para boyfriend mo na ganun.

"Opo ate crush lang naman eh." Tas sumakay na kami sa taxi.

"Manong sa Luna University" tas nagdrive na si manong.

.
.
.

"Salamat po manong." Nagbayad na kami at umalis na. Then pumasok na sa school. Di pa naman kami late diba? Ang daming tao. Ang ibang tao dito taga ibang school.

"Bessy!" Tas lumapit saamin si Cathy.

"Oh cathy. Haha" may dala dala syang banner.

"Wow may banner talaga." Sabi ko.

"Syempre supportive to no. Haha" sabi nya.

"Ate wait lang ang ibibigay ko lang to kay zhayne." Sabi ni maddie pinakita nya ang isang tshirt. Ay boyfriend lang ganun? Tas umalis na sya.

"Halika na punta na tayo sa field nandun na yung iba."pumunta na kami dun sa field. Ang dami na ngang tao. Sa kabila yung kampo ng Red Serpent, dito naman kaming mga Blue Archer. Nasa locker room pa ata sila...

Nagulat ako nung magvibrate ang phone ko. Tinignan ko naman kung sino ang nagtext. Si Mathew pala. Puntahan ko daw sya sa baba. Tumingin naman ako sa baba at nakita ko sya na nagwawave.

"Waaaaahhh nagwawave saakin si fafa Mathew!" Sabi nung babae. Heller saakin kaya

"Saakin noh! Wag kang feelingera" hay naku. Bumaba naman ako at pumunta kay mathew.

"Hi baby girl,Cheer mo ako mamaya ah." Then he smiled.

"Ayoko nga. Nakakapagod yun no." Sabi ko.

"Edi hindi na ako maglalaro." Tas nawala ang ngiti sa mukha nya.

"Oo na nga ichecheer na kita. Go mathew! Woooohh!!" Sigaw ko na ikinatuwa nya.

"Haha mukha kang ewan baby girl. Aray! Sakit ah!" Binatukan ko kasi.

"Basta galingan mo ah. Dapat manalo kayo" sabi ko

"Oo gagalingan ko para manalo sa puso mo" pabulong nyang sabi pero di ko narinig. Ang ingay ingay pa ng mga tao dito.Ano daw?

It's My Playboy Bestfriend [Editing]Where stories live. Discover now