𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 XXXII (Editing)

176 6 0
                                    

It's My Playboy Bestfriend

Madeline's PoV;

Isang araw na naman ang nakalipas hindi kami nagpapansinan ni cathy. Matagal na kaming di nagpapansinan. Siguro mga 3 weeks na... Pero alam nyo ba ang dami nyang binibigay na letters. Puro lahat sorry ang nakikita ko. Kahit anong gawin nya hindi ko sya patatawarin. Buhay ko kaya ang napunta sa alanganin. Pero kahit ganun parang may parte na gusto ko syang patawarin. Naaawa nga ako sa kanya at wala syang mga kaibigan. Ah basta...

nasa isa akong bench ngayon nakaupo. Nagulat ako nung may lumapit na lalaki saakin. At may dalang pink roses. Waaahhh may favorite flower.

"Miss para sayo." Tas umalis na ang lalaki ng ngiti sa labi. Nagtaka naman ako. Maya maya may lumapit na naman.

"Hello, para sayo" babae naman ito. Binigay nya saakin ang ikalawang roses. Ay wow grabe ano to may nanliligaw? Ligaw? Hala!

"And one for me." Isang lalaki ang pamilyar na boses. Napaangat ako ng tingin sa kanya. Si

"X-xander?" Sabi ko.

"Please Madeline, Can I court you? Give a chance?" Tas lumuhod sya waaaahhh pinagtitinginan kami dito hawak hawak nya pa ang roses. Kinuha ko naman ito

"O-oo na. Tayo ka na dyan naku nakakahiya."sabi ko tas ngumiti. Tumayo naman sya ng maayos

"Salamat Cutie ah hahaha." Then he hugged me. Haha naku naman kinikilig ako first time kaya ang ganito para akong nasa fairytail.

"Teka bakit nga pala tatlo yung roses?" Sabi ko habang nakangiti.

"Means I Love You." Sabi nya at napangiti ako dun.

"Hatid na kita sa room nyo."at tumayo naman ako tsaka naglakad. Bago ako pumasok sa room, may sinabi muna sya.

"Hatid kita mamaya pwede ba?" Sabi nya.

"S-sige. Pero kasama kapatid ko." Napatawa naman sya.

"Haha sige ba. Punta na ako sa room." At umalis na sya. Kami pa lang naman dito sa room.

"Ate ano yan? Nanliligaw ba si Xander?" Tumango naman ako.

"Eeiii ate oh my ghaddd!!! Haba ng hair mo hanggang edsa." Ay naku tong kapatid ko.

"Kwentuhan mo ako ate. Dali!!" At umupo na kami sa upuan. Nakita ko naman si Mathew na parang nakapoker face. Di ba sya masaya saakin? Galit ba sya?"

.
.
.
Mathew's PoV;

So naguumpisa na pala ang kapatid ko sa panliligaw? Tuwang tuwa naman bestfriend ko? Tss wala na talaga akong laban. I going to forget my feelings for her and that's final. Accept the truth Mat! Kaibigan ka lang...

Wala ako ngayon sa mood...kaya nakapokerface ako ngayon.

"Guys ano bar mamaya?" Sabi ni Calli.

"Ge." Sabi ko tumango naman sila hero. Para naman malibang ako. Malapit na palang umuwi ang magulang namin. Well, i'm not happy tho. Alam ko naman na si Xander lang ang iniintindi nila. Tss.

Pagkatapos ng klase,di ko na sya pinuntahan. Nagtataka nga eh...ayun ihahatid sya ng kakambal kong mang-aagaw.

Kami naman we're heading to the bar. Pagkarating namin dun ayun inom agad. Tas may lumapit saamin na mga babae. Hell i care...

"Hi...mind if i join you?" Then she sit to my lap. Nakitingin lang ako sa kanya. Tss slut...

Nagsasalita lang ang babae pero si madeline pa rin ang iniisip ko,bigla ko namang hinalikan ang babae. She's a good kisser...

It's My Playboy Bestfriend [Editing]Where stories live. Discover now