It's My Playboy Bestfriend
Mathew's PoV:
"What?!!" Sabay nilang sabi. Nasa bar kami ngayon.
"So ibig mong sabihin si Cathy at Serene ay iisa? Paktay tayong bata dyan paano si Madeline? Masasaktang sya neto" sabi ni Calli.
"So paano na?" Sabi ni Zhayne.
"Aissh di ko alam kung sasabihin ko ba o hindi." Hay naku naman.
Madeline's PoV;
Nandito na kami sa bahay. Matutulog na sana ako ng may narinig akong katok. At dahil ako nalang ang gising ako na ang nagbukas ng pinto. Nagulat ako nang makita ko si cathy.
"Oh bessy? Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko
"Madeline can we talk?" Ano kaya ng problema neto. Lumabas na ako ng bahay at sa labas kami nagusap.
"Madeline i-i have s-something to tell you." Pautal utal nyang sabi.
"Hmm ano yun?" Sabi nya at simula ng tumulo ang kanyang mga luha. Hala bakit???
"Cathy? Bakit ka umiiyak?" Sabi ko. Oh my ghadd.
"I-i'm sorry madeline."
"Teka bakit ka nagsosorry? Wala ka namang ginawa ah?"taka kong sabi ano bang nangyayari sa kanya.
"Ako! Ako ang nagtatangka sa buhay mo." Sabi nito. Haha nagbibiro lang sya diba?
"Hahaha nakakatawa naman yang biro mo bessy." Sabi ko.
"Hi-hindi ako nagbibiro*sobs* i-i'm sorry madeline."
Cathy's PoV;
Oo. Kahit papaano natauhan ako sa sinabi ni mathew. Hindi talaga ako ganito.
Alam nyo nung sinabi ni mathew ang mga salitang yun bumalik sa alala ko ang lahat ng mga ginawa ni Madeline saakin. Naging mabuti syang kaibigan saakin...pero ito ang sinukli ko sa kanya. Kinain ako ng inggit at galit Alam ko na kung ano ang nagustuhan ni mathew sakanya na wala ako.
At narito ako ngayon humihingi ng tawad kay madeline. Oo naging makasarili ako pero tao din ko. Nagmamahal lang naman nang lubusan.
*Pak* isang malakas na sampal ang nakuha ko. I know, i deserve it.
"A-anong ginawa ko sayo cathy? *Sobs* naging mabuti ako sayo tas ito ang igaganti mo saakin?" Sabi nya habang umiiyak
"Na-iingit ako sayo.*sobs*"
"Yun lang? Na-iingit ka at gusto mo na ako patayin?*sobs* itinuring kita kapatid ko *sobs* walang hiya ka!" Naiiyak nyang sabi. Ako naman ay humagulgol. Im sorry Madeline.
"Umalis ka na. *Sobs* ayoko ng makita ang pagmumukha mo" at pumasok na sya sa loob. I'm so sorry madeline.
Madeline's PoV;
*Sobs* ano bang ginagawa kong kasalanan? Di ko alam bakit ng kaibigan ko ba? Iyak pa rin ako ng iyak? Deserve ko ba talaga to?
Kinabukasan...
"Ate? Ate...gising na"gising ng kapatid ko saakin.
"Ayan na babangon na."
"Oh ate? Jusko saang rally ka ng galing? Ang gulo ng buhok mo. Nagmukha ka maria labo. Ang laki rin ng eyebags mo." Sabi neto. Iniinsulto ata ako ng kapatid ko eh.
"Halika na baba na tayo." Sabi ko at nauna na syang umalis tas sumunod ako. Hindi ko parin lubos na maiisip na si Cathy ang may kagagawan ng lahat ng iyon. Masakit pa rin...
Ginawa na namin ang routine namin at pumasok sa school. Sinabi ko lahat kay maddie at galit na galit sya. Na parang gusto nyang sugurin. Sabi ko wag na. Habang naglalakad sa hall nakita ko si Xander lumapit sya saakin at parang nagaalala.
"Madeline, is there a problem?" Sabi nya.naiiyak ako at naramdaman ko nalang na tumulo ang luha ko at niyakap ko si Xander.
"Ate kita nalang tayo. Mukhang may paguusapan kayo" tas ngumiti si maddie at umalis na. Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at nagpunta sa puno tambayan namin nila cathy dati. Sinabi ko lahat kay Xander at hindi sya makapaniwala.
"Wh-what? Why cathy? Bakit?" Sabi nya. Nagagalit din sya. He is so disappointed to Cathy. Umiyak lang ako ng umiyak Niyakap naman ako ni Xander.
Maya maya pumasok na kami sa room at nakita ko si cathy. Nagtama ang aming mga mata at napabalikwas sya ng tingin. Dumiretso na ako sa upuan ko galit pa rin ako sa kanya. Nasa harapan ko sya. Bumibigat ang nararamdaman ko kaya...
"Lysa pwedeng palit tayo?" Nagtak naman si lysa pero sumangayon din sya. Nakipagpalit na ako hay... Dumating na ang teacher namin at nagsimula na mag discuss.
.
.
.Maddie's PoV:
Yang Cathy na yan. Kala mo mabait, plastic pala. Naku nakakainis sarap sya tirisin.
Paano nya nagawa ang lahat ng yun? Grabe di ako makapaniwala ang malaanghel nyang mukha demonyita pala. Pagkalabas ng teacher namin inayos ko lahat ng nasa bag. Tinignan ko lang si ate. Nakahalumbaba lang sa upuan kaya pinuntahan ko ito.
"Ate kakain ka ba?" Sabi ko sakanya tas umiling lang sya
"Kumain ka na dun wala akong gana." Sabi nya. At tumango tango naman ako. Edi magisa nalang ako ganun? Hay.
"Sige ate." At umalis na ako papuntang canteen. Pagkadating ko dun umorder na ako at umupo na ako. Ang loner ko naman. Magisa lang ako kumain. Nakatulala lang ako nang may narinig kong sumigaw.
"Kyaaaahhh Zhayne!!!" Sabi nug babae tas nag tilian yung iba ako naman lumingon sa likod. Saan? Saan ang baby ko? Ay taray baby talaga haha bakit ba? Wala naman eh kainis naman paasa. Humarap na ulit ako at nagulata ako nung nasa harapan ko na yung hinahanap ko.
"Hi*smiles*" jusko kabute ba to? Andito na agad. Waaaahhh ang pogi nya.
"Mag-isa ka ata?" Sabi nya tas nagcross arm.
"Ah w-wala kasing g-gana si ate." Naiilang ako sa kanya.
"Ahh. Pashare ha... Wala rin kasi yung tatlong kaibigan ko." Tas kumain sya ng burger. Waaahhh ang pogi nya talaga para syang pinsipe kung kumain.
"Matunaw ako nyan." Sabi nya. Ay nakatitig pala ako sa kanya. Yumuko naman ako At kumain...pinagbubulungan kami dito jusko ano ba yan.
"L-lilipat nalang ako. Hehe" sabi ko tatayo na sana ako ng hinawakan nya ako sa wrist ko para pigilan ako. Hindi ko lang pinapahalata ang ang kilig ko. Pero sa totoo lang mahihimatay ako dito gosh...
"Dito ka lang please?" Sabi nya. Ayun bumalik ulit ako haystt hahaha.
"Gusto ko lang makipagkaibigam sayo. Maddie right?" Sabi nya waaahhh alam nya pangalan ko.
"Oo tama ka. Hehe..."tas kumain lang kami. Hanggang sa natapos na kami kumain.
"Sabay na tayo pumunta sa classroom" Tas tumayo sya at hinawakan ang kamay ko. Waaahhh bakit ang gentleman nya. Wag kang ganyan Zhayne. Ang lakas ng tibok ng puso ko gosh. Ano ba yan!
------------------
Ohhh sabaw na update jusko hahahaSupport me guysssseeuuuu.
Vote and Comment
Kamsahamnida
XoXo
✌✌
YOU ARE READING
It's My Playboy Bestfriend [Editing]
Teen FictionA girl who fall in love with his playboy bestfriend, Si Mathew known as Playboy of the campus. Marami na syang na-encounter na mga babae at marami na rin syang nasaktan pero isang babae lang ang hindi nya masaktan. Ang Kanyang Bestfriend na si Madel...