𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 XXXIII (Editing)

169 4 0
                                    

It's My Playboy Bestfriend

Madeline's PoV:

Masaya akong pumasok sa school. Makikita ko na ang Bessy ko hihi. Teka si Mathew nga pala, di ko na sya nakakausap ah. Problema nun? Puntahan ko nga yun miss ko na yung ugok na yun eh.

Pumunta ako sa room? Wala pa sila. Saan kaya yung apat na yun? Naglakad naman ako sa corridor at nakita ko sila. Parang may hinihintay si Mathew pinuntahan ko ito.

"Hi Mat!" Tinignan nya lang ako. Walang emosyon ang mukha nya parang cold ganun. Di ako sanay na ganito si Mathew.

"Mathew! Babe!" Tumingin naman ako sa babae na papalapit saamin. Hay naku babae na naman.

"Let's go? Hinihintay na tayo nila Calli" at umalis na sila. Wala man lang hi,hello dyan? Di man lang ako pinansin? Ano na naman ang ginawa ko? Gusto kong sabihin sa kanya na...

"Namiss kita..." Nagtungo na agad ako sa Classroom at agad na umupo at humiga sa desk.

"Bessy,may problema ba?" Si cathy pala to di ko na pansin nandito na pala sya.

"Uy ah bessy hehe" sabi ko.

"Anong problema ate?" Sabi nung kapatid ko.

"Wala ano ba kayo haha ok lang ako." Pero sa totoo lang nalulungkot ako. Hay naku naman.

Nagpasulat lang naman yung teacher namin. Habang nagsusulat pinagmamasdan ko si Mathew. Seryoso lang sya sa pagsusulat.
.
.
.
"Class dismiss." Agad na umalis ang teacher namin. Nilagay na namin ang mga gamit namin sa bag. Tinignan ko naman sila Mathew, umalis na. Bakit kaya di nya ako pinapansin?

"Bessy,halika na." Sabi ni Cathy at hinila ako ni maddie...

"Ate sino ba yang iniisip mo? Si Xander no? Ayieee... Speaking of xander ayan na sya" napalingon naman ako sa likod at si xander may dalang roses and stick o?

"Hi cutie" He smiled. Yung dalawa kinikilig naman

"For you." Tinanggap ko naman ito.

"Sa-salamat. Hehe."grabe may stick o talaga. Kakaiba to ah...

"Can i invite you for dinner tomorrow?" Sabi nya. Tumingin ako kay Cathy and Maddie.

"Wait? Bati na kayo ni Cathy?" Sabi ni Xander.

"Oo. Nagusap na kami...wag ka ng magalit sa kanya." Sabi ko kay xander na ngayo'y nakangiti.

"That's good haha. So now?" Sabi nya. Tumingin naman ako kela cathy. Tumango tango naman sila.

"Si-sige?" Sabi ko

"Yes! Thanks." Then he hug me at umalis na. Tumatalon talon pa haha. Haystt...

Maddie's PoV;

Tapos na ang klase namin at kami ni ate papauwi na. Nagulat ako nung may sumigaw kay ate.

"Madeline!!" Sabay kaming lumingon ni ate. Si Zhayne...oh my god si my loves hehehe etchosera.

"Oh Zhayne...bakit?"sabi ni ate

"Pwede mahiram si Maddie." Wait? Ako daw. Waaahhhh ako daw!!

"Bakit? Saan kayo pupunta?" Sabi nama ni ate. Ano ba yan ate...

"Yung kami lang dalawa?" Sabi ni Zhayne lumaki naman ang mga mata namin.

"Tas yung masasarapan sya."

"A-ano? Saan yan?" Sabi ni ate madeline

"Sa heaven. Dadalhin ko sya sa heaven" Then he smiled.

It's My Playboy Bestfriend [Editing]Where stories live. Discover now