045

1.1K 61 41
                                        

Pag pasok palang ni Jihoon sa gate ng school ay naka-abang na si Benedict. Lumapit si Benedict sa kanya.



"Ano Ji? Napag-isipan mo na ba?"



"Ah oo." Tipid nyang sagot.



"Ano? Pinapayagan mo ba ko?"



Napadako ang tingin ni Jihoon kina Soonyoung at dun sa transferee. Nagulat nalang si Jihoon ng biglang niyakap ni Soonyoung yung babae. Oo babae. Peanut ang gusto nya. Hindi eggplant :<



"Uy Ji." Inalog-alog sya ni Benedict. Napatingin uli si Uji sa kanya.



"Ah eh. Ano ulit yung sabi mo?" Napakamot nalang ng ulo si Benedict. Taas mga bes. Taas.



"Sabi ko. Kung pinapayagan mo na ba akong ligawan ka?"



Bumuntong hininga si Jihoon, "Oo, pinapayagan na kita."



Nag sisigaw si Benedict at niyakap si Jihoon, "Yes! Sisiguraduhin kong makakalimutan mo agad sya."



Nakita nyang nakatingin si Soonyoung sa kanilang dalawa. Nag titigan lang sila hanggang sa kunin ni Benedict yung bag ni Jihoon at hinigit ito papuntang room nila. Tumigil sila sa tapat ng room nila.



"Simula ngayon. Ako na mag bubuhat ng bag mo. Susunduin at ihahatid kita." Sabi ni Benedict. Tumango lang si Jihoon. Binuksan na ni Benedict yung pintuan ng room nila at nilapag yung bag sa upuan nito.



"Yieeee nag aamoy pusu-pusu." Epal ni Seokmin.



"Pinayagan mo na talaga 'no? Dahil dyan. Ililibre mo kami mamaya, Benedict." Sabi ni Seungkwan.



"Sige ba!" Masayang sabi ni Benedict.



"Madaling malilimutan ni Jihoon si Soon dahil sayo." Wonu.



"Oo nga. Kaya sana patunayan mo samin na totoong mahal mo si Jihoon." Minghao.



"Tama na ang ka-cornyhan na yan. Kadiri. Hindi ako sanay." Sabi ni Jihoon.



"Oo nga. Para namang ikakasal silang dalawa kung mag bigay ka ng message, Minghao." Jeonghan.



"Kasal? Mangyayari din yan. Pero di muna ngayon. Haha." Benedict.



"Tama na ang daldalan. Bumalik na kayo sa mga upuan nyo. Malapit na mag bell." Pag aawat ni Jihoon sa daldalan nila.



"Benedict, yung libre ah! Di kita tatantanan! Excuse me po!" Hirit ni Seungkwan bago umupo sa upuan nya.

Hacked ❀ SoonHoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon