058

1K 67 28
                                    

Jihoon's PoV



Pumunta kami ni Benedict ng park. Nakaupo kami sa bench. Hanggang ngayon ay umiiyak pa rin ako.



"Uy, Jihoon. Tumigil ka na sa pag iyak." Sabi ni Benedict at hinimas ang likod ako.



"Bakit nga pala andito ka pa rin?" Tanong ko. Diba sabi nya pupunta na sya ng states?



"Hindi natuloy eh. Atsaka ayoko naman talagang bumalik dun." Tumango lang ako.



"Hoy! Punyeta, baka kapatid mo si Bea? Ginugulo mo nanaman ba kami?" Tumingin sya sakin ng seryoso.



"Hindi ah! Promise di na ko nang gugulo sa inyo." Tumango ako.



"Dapat sasagutin ko na sya ngayon. Pero mukhang di naman nya talaga ako mahal." Umiyak uli ako.



"Ji, ayan ka nanaman. Tumigil ka na nga sa pag iyak. Ang panget mo." Sinapak ko sya sa mukha.



"Tangina mo. Bwiset ka." Pinunasan ko na yung luha ko. Parang gripo kasi ayaw tumigil.



"Ang sakit ah. Gusto mo na ba umuwi? Gabi na oh." Tumango ako.


Nag lakad lang kami pauwi ng bahay. Tutal malapit lang naman. Maya-maya ay nakarating na rin kami ng bahay.



"Salamat sa pag sama sakin, Benedict." Ngumiti sya.



"Welcome, malalagpasan mo rin yang problema mo. Wag ka ng umiyak ah? Sige, bye!" Kumaway nalang ako kay Ben at pumasok na ng bahay.



"Minghao! Meghad! Kinain mo ba yung cracklings ko???!" Seungkwan.



"Bakit ako ang pinag-bibintangan mo??!" Minghao.



"Kinain ata ni Seokmin. Hehe." Jeonghan.



"NoOoOOo! Pano mo nalaman, Jeonghan???" Seokmin.



"Amoy suka kasi yung hininga mo hehe." Jeonghan.



"Manahimik nga kayo! Putangina naman." Wonwoo. Yan ang bumungad sakin pag pasok ko ng bahay.



"Kinain mo----- Uy, Jihoon!" Seungkwan.



"Nag enjoy ka ba sa date nyo??? Kwento naman!" Minghao. Unti-unting tumulo ang luha ko. Naalala ko nanaman.



"Oy bakit ka naiyak? Tears of joy bes?" Seokmin.



"Oo, ang saya-saya talaga." Sabi ko at umupo ng sofa.



"Talaga? Kwento naman!" Jeonghan.



"Anong problema, Ji?" Wonwoo. Si Wonwoo lang talaga ang pinaka- matino dito.



"Dapat... Dapat ngayon ko sasagutin si Soonyoung." Tahimik lang silang nakikinig.



"Akala ko mahal nya talaga ako."



"Pero bakit may kahalikan syang iba?" Napatayo si Seungkwan.



"Aba tangina naman ni Soonyoung! Wala na ngang mata ang landi-landi pa rin!" Seungkwan.



"Sinong kahalikan nya?" Minghao.



"Si Bea." Napatungo ako.



"Yung putanginang babaeng yon??! Hindi pa sya nadala sa ginawa ko?! Gusto pa nya ng part 2 ha? Sige! Sa Monday! Kingina nya. Kakalbuhin ko sya." Seungkwan.



"Anong masaya sa may kahalikan? Masaya ba yun?" Jeonghan.



"Oo, try mo sa pader." Wonwoo.



"Bakit sa pader? Pwede ba yun sa tao?" Jeonghan.



"Oo." Seokmin.



"Try ko bukas kay Seungcheol hehe. Sige, goodnight na!" Jeonghan at pumasok na ng kwarto nya.



"Jihoon, wag ka ng umiyak." Minghao.



"Ipag-hihigante ka uli namin." Seokmin.



"Kakalbuhin ko na si Bea sa lunes." Seungkwan.



"Kaya mo yan." Wonwoo. Ngumiti lang ako. Tama sila. Malalagpasan ko rin 'to.

Hacked ❀ SoonHoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon