041

1K 64 41
                                    

Mag isang naka-upo si Benedict sa bench nang lumapit sa kanya si Jeonghan. Feeling close mga bes.



"Hi Benedict! Jeonghan nga pala. Hehe." Pag papakilala nya sa sarili.



"Hello." Tipid nyang sagot.



"May tanong ako sayo." Tumingin si Benedict kay Jeonghan.



"Ano?"



"Gusto ko lang malaman kung ikaw yung nag hack ng fb account ni Ji. Ikaw ba yun?" Kumunot ang noo ni Benedict.



"Hindi kita maintindihan. Pwede mo bang i-kwento sakin?" Sabi ni Benedict.



"Huh? Hindi ikaw? Pero sige. Isang araw kasi nagising nalang si Jihoon na hacked yung account nya. Gumawa ulit sya ng bagong account at chinat yung hacker. Hanggang ngayon nag chachat pa rin sila pero di na kinukuha ni Ji yung account na yun. Sabi nung hacker, Ben daw ang pangalan nya. Hanggang ngayon di pa namin sya kilala." Kwento ni Jeonghan.



Napa isip si Benedict. Matagal na kasi nyang gusto si Jihoon. Elementary pa lang ay crush na nya si Ji. Kahit na bully ito nung bata pa sila. Loner lang kasi si Benedict dati. Binubully sya ng iba sa school. Isang araw ay pinag-tanggol sya ni Ji. Dahil dun ay nag ka-crush sya kay Jihoon. Nag transfer pa sya sa school na 'to para lang makita sya.



"Oo, ako talaga yun." Benedict.



Napatingin sa kanya si Jeonghan.



"Ikaw? Bakit nag pa kwento ka pa sakin?" Jeonghan.



"Gusto ko lang marinig sa iba yung love story namin." Napaubo si Jeonghan.



"Eww lang bes ah. Love story your face. Pero kailan ka aamin kay Jihoon?" Jeonghan.



"Uhm. Di ko pa alam. Pero Jeonghan wag mo muna sabihin sa kanila ah? Ako na mismo aamin. Iisipin ko pa kung kailan. Please?" Tumango si Jeonghan.



"Salamat, Jeonghan."



"Umamin ka agad ah? Sige Ben. Uuwi na ko. Bye." Umalis na si Jeonghan. Baka daw kasi hinahanap na sya ni papa coops. Huihui :>



"Kung sinuswerte nga naman." Sabi ni Benedict at nag simula na ring umalis.

Hacked ❀ SoonHoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon