065

955 67 15
                                    

"JIHOON! JIHOON!" Inalog-alog ni Seungkwan si Jihoon.



"Bakit ba, Seungkwan?" Nag taklob ng kumot si Jihoon.



"Ngayon ang alis ni Soonyoung! As in ngayong umaga! Hindi ka ba pupunta sa noo ni Vernon? I mean sa airport???"



Biglang napatayo si Jihoon.



"Bilisan mo na gaga! 6:10 na. 7 yung flight nya!" Dali-daling tumakbo si Jihoon sa cr at nag hugas ng mukha. Nag palit sya ng damit at mabilis na lumabas ng bahay.



"PERA MO!" Binato lang ni Seungkwan yung pitaka ni Jihoon. Sinalo naman yun ni Jihoon at tumawag na ng taxi.



"Kuya sa noo---- sa airport po! Paki bilisan po please." Nag simula ng mag maneho yung driver. Binilisan naman ni kuya ang pag da-drive.



Pag tingin ni Jihoon sa relo nya ay 6:19 na.



"Kuya, pakibilisan pa po. May hinahabol kasi ako eh." Mas binilisan pa nung driver yung pag da-drive nya.



Maya-maya at tumigil yung taxi.



"Bakit po?" Tanong ni Jihoon.



"Traffic eh." Sagot nya.



"Wala na po bang ibang way?" Jihoon.



"Wala na eh. Naipit tayo dito." Napatingin si Jihoon sa relo nya. 6:26 na.



"Lalabas na po ako. Salamat po." Binayaran ni Jihoon yung driver.



"Pero malayo-layo pa ang airport."



"Tatakbo nalang po ako." Sabi ni Jihoon at bumaba na ng taxi.



Tumakbo ng sobrang bilis si Jihoon. Hindi na sya nakakapag sorry sa mga taong nababangga nya. Basta ang kailangan nya ay makapunta ng airport.



Maya-maya ay nasa airport na sya. Nung una ay ayaw pa syang papasukin nung guard. Pero dahil si Jihoon yun ay sinapak nya sa mukha yung guard kaya ayun, nakatulog yung guard.



"SOONYOUNG! KWON SOONYOUNG! HOSHI!" Sigaw ng sigaw si Jihoon. Pinag-titinginan na rin sya ng mga tao.



Napatingin si Jihoon sa relo nya. 7:10 na. Napaupo nalang sya sa sahig.



"Wala na. Umalis na siya." Umiyak si Jihoon.



"Sorry, Soonyoung pero umiiyak nanaman ako ngayon." Tumayo sya at nag lakad palabas ng airport. Tangina nun. Napagod ako sa wala.

Hacked ❀ SoonHoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon