Chapter 4 <3

175 9 2
                                    

Denisse' POV

              Nagulat kaming tatlo ng makita namin si Clark na pumasok sa classroom. Hindi ko talaga akalain na magiging classmate namin sya. At lalong hindi ko naman inakala na Nursing student din pala sya. Kapag nakikita kasi namin sya sa campus, hindi sya nakauniform. hayyy.. Ganun ba talaga kaliit ang mundo? Nakatayo sya ngayon at naghahanap ng vacant seat.. Oh pleaseeeee. Wag ka uupo sa tabi ko.huhuhuhuhu.Si Princess kasi yung nakaupo sa aisle, sunod si Nicole.. then ako.. sad to say, walang nakaupo sa tabi ko..

              Papalapit na sya...................

                      at naupo sa tabi ko.... Di manlang nagtanong kung may nakaupo ba o wala... 

             "Ahhmm.. ano kasi ehh....pero...."  Ano bang dapat sabihin??! Dapat mapaalis ko sya sa tabi ko.!!! tskk...

            "Ha?" sabay tingin sa'kin... Oh gosshhhh ... ang gwapo nya talaga.... errr.. Ano ba yannnn... Nahypnotize na yata ako. Gising Denisse! Wag ka papadala sa malaanghel nyang mata...Este.. malademonyo... arrghhh.

          "Bakit miss? May nakaupo ba dito?"

          " Ahh.. eh  kasii.... hmm.. wala naman" Hala!!!! mali nasabi ko.. dapat sinabi kong meron na.. hayyysssstttt...... waley na! nahypnotized na talaga ako..

         " Wala pala eh.. Tsss." Sabay tingin sa harap...

           Ano dawwwwwww???????????!!! GRABE!!!! errr!! Parang di babae kaharap nya ah.. Napaka talaga.!!! >.< I hate him!!!!!

         Bago pa sumabog ang malaking bulkan sa bumbunan ko... dumating na ang professor namin.. 1st subject: Fundamentals of Nursing (Laboratory). Nagsiayos kaming lahat ng upo.. Pero ako, di parin makaget over sa sobrang inis. Nagpakilala na ang Professor namin. Tapos sumunod na magpapakilala, kaming lahat. Natapos na si Nicole at Princess.. Syempre.. ano pa nga ba.. edi ako na ang susunod. Nang matapos ako.. Si Clark naman ang sumunod.

          " I'm Clark Castillo. 17 y/o. I love singing, but I hate dancing. I also love sports."

         "Diba sya yung bagong varsity?? Ang cute cute nya talaga..."

         "Ang swerte natin classmate natin sya.. I-ggm ko yan!!!!!"

         " Teka,teka.. Kukunan ko sya ng picture.. O kaya magpapapicture ako sakanya.."

         "Yiiiieeehhhh... Ang gwapo nya talaga!!!!!"

           OMG talaga. Nagbubulungan ba tong mga babaeng to o talagang sinasadya na iparinig kay Clark??!  Grabe lang talaga. Nastarstruck naman itong mga to.. Ang swerte daw namin kasi classmate namin tong mayabang na to?! OH MY with the G. That's too impossible!! For sure.. I would really hate this semester because of him.

           "Ooowww.... That's nice Mr. Castillo." Tanong ng Professor namin..Sya lang sinabihan ng ganyan. Siya lang yung inusisa. wew.. Ichapwera Gurlssss. Guy kasi yung professor namin, este.... GAY. pero okay lang.. para happy palagi. Nakakatuwa kaya mga gay profs.. Hindi boring magturo .. " Hmm..Why did you choose Nursing?" 

           "Well.. Ayoko po talaga ng Nursing. Pinilit lang po nila ako.. It's the easiest way daw kasi to go abroad. Kaya umoo nalang po ako sakanila." wehh??!!! uwi ka na! magshift ka na! ayaw pala eh.

        "Bakit? May relatives ka ba abroad?"

        "Opo sir. Nasa U.S yung parents ko." EHDIIIIIIIIIIII IKAWWWWW NAAAAAA!!!!! YABANG. TSSS.

       " Ahh.. Good choice narin. Madali ka nga talaga makakapunta sa abroad."

      "Thanks sir." uupo na sana si yabang ..nang may biglang pahabol na tanong...

       " May gustong itanong yung mga girls sa likod. Single ka ba daw ba?" SUS!. wala naman eh. Palusot si Sir. Ang totoo, sya yung gustong magtanong.

      "I'm single. And ready to mingle. *smirk" Hiyawan naman lahat ng girlsss.. aysstt... Kala mo gwapo.! pero totoo naman talagaaaa.... arrgghhh!! pati ako nahahawa sa kanila eh,..

       "Edi natuluyan nga talaga yung break-up nila ng girlfriend nya." Biglang bulong sakin ni Nicole.

       "Siguro."  Medyo napaisip ako dun ah.. Grabe naman sya.. Wala pa ngang two months simula nung marinig ko yung pinag-usapan nila ng girlfriend nya, ito at umaarangkada na naman. BABAERO.  Mga lalaki nga naman. tsss

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

1month Later..

            Nasa laboratory kami ngayon. Patapos narin ang klase pero bago nya daw kami idismiss may iaannounce daw muna sya.

           "Class.. Next week.. you're going to have your return demonstration. Intramuscular (IM) and Intradermal injection (ID). Just Bring the following: 

           - 5cc syringe (2pcs)

            -1cc, Tuberculin syringe (2pcs)

          "Yung Vitamin C tsaka steriled water bumili nalang kayo for the whole class".

            Halo-halong emosyon naramdaman naming lahat. May nagulat. May naexcite. May di nakagets. May natakot, at ako yun.  takot ako sa injection.. Though, hindi ito yung first time, pero takot talaga ako...

            " And.. by the way... It will be by partner."

             Oh My! Big problem. tatlo kami eh. Pano yun? Wala namang papayag saming tatlo na yung isa four times tutusukin. wew...

            " Sige. Princess and Nicole kayo nalang magpartner. "

           "Sure ka? Eh pano yun? Sino partner mo?"-- Nicole

            "Bahala na. hehe. Kahit sino. Okay lang sakin."

            "Oh sige."

           Ito na yung araw na kinakatakutan ko.. Injection day namin ngayon. huhu. Feeling ko bibitayin na ko eh. >:(((( Wala pa pala akong partner.. ayssstt..

         "Sino pa walang partner?" Biglang sabi ni sir..

        Nagtaas naman ako ng kamay. At nagulat nalang ako ng makitang nagtaas din si Clark ng kamay. Wala rin syang partner.. Ito pa.. dalawa lang kaming nagtaas.. ohh no.. This can't be!

"Mr. Castillo and Ms. Olayvar, kayong dalawa nalang ang magpartner".

A/N:

      First of all, Merry Christmas to all of you!!! :))) Sorryyyy lateeeeee yung bati.. :( Ngayon lang ako nakapagbukas eh. wew. Just went to somewhere out there. :)) hehe.. Vote and Comment nalang po kayoo!! :))))) Salamat. :) thanks nga din pala sa mga silent readers ko.. kahit di kayo nagco2mment. :((( hehe. Comment naman kayooooooooooo.. :((( haha,,,Promiseeee gagandahan ko susunod kong update kapag may nagcomment. :)))))) hehehe.. Oki doki. Sleeping time.. Time check: 3:24Am.. Tulog tulog na. haha. >:D

Keeping You (on going series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon