Chapter 41 <3

127 2 0
                                    

Denisse’ POV

      Naguguluhan parin ako.

     Bakit ganun ka Bryle?! You’re so mean! T_T Nakakainis parang naramdaman ko ulit yung saya nung kami pa, yung lungkot nung niloko at iniwan nya ako.. Yung sakit na matagal na humilom..

    Hayy.. Umayos ka nga Denisse! Pampam lang yun si Bryle! Don’t waste your time for just thinking about that stupid guy. >.<

      “Babe tara kain na tayo. Hinihintay na tayo dun nila Mommy.” Nahimasmasan naman ako sa tawag ni Clark habang papalapit sakin sabay hawak sa kamay ko.

    Nandito sya ngayon para sunduin ako dito sa pool area.

    Nagnod nalang ako kay Clark.

    “Babe? Okay ka lang?” He asked me as he touched my cheek.

     “Y-yeah. Medyo masama lang pakiramdam ko.”

    “Ah ganun ba.. Sige babe. Pagtapos natin magdinner ihahatid na kita sa bahay nyo para makapagpahinga ka na.”

      Habang papunta kami hawak-hawak parin nya ang kamay ko. Natanaw ko naman agad kung san nakapwesto sila Tita Marj, Tito George at Aiken. Nasa isang circle table sila, nasa bandang right side malapit sa stage.

      “Good evening po Tito. Hello po ulit Tita.” Ang bati ko sakanila habang nakangiti. Nasa gitna naman nila si Aiken.

     “Oh Denisse, buti naman at nakapunta ka. Upo na kayo ni Clark. Para makakain na tayo.” Sabi naman ni Tito George.

       Pagkaupo namin bigla namang nagsalita si Clark.

       “Asan si Kuya? Pagkatapos kasi kumain ihahatid ko na agad si Denisse sa bahay nila. She’s not feeling well.”

       “Nandito lang yun. Alam mo naman Kuya mo, masyadong makwento. Kausap sya kanina ng mga pinsan mo.” – Tito George

      “Uh oh.. Iha, sigurado ka bang kaya mo pa? Magpahinga ka na agad sa bahay nyo ha pagkauwi mo.” –Tita Marj

     “O-opo tita. Pasensya na po kayo. Hindi na po ako makakatagal.” Malungkot kong sabi.

     “Wala yun iha. We’re happy na pinagbigyan mo kami sa invitation naming to sayo.” At nginitian naman ako ni Tita Marj.

    Napatingin naman agad ako sa cellphone kong nagvibrate.

   Sus! For sure gm na naman to. (=_=)

    Pagbukas ko ng inbox ko…..

    From: Nicole

           Chie! Nakita ko yung ex mo.. Ano nga ba pangalan nun? Basta yung last na naging boyfriend mo.. Kinausap nga ni Shin eh. Mukha pang close sila. Nakita mo na ba ulit sya? Naku.. good luck!

      Nagulat naman ako sa text ni Nicole. Kinausap ni Shin?! Ba’t naman? Magkakilala kaya sila? @_@ Kung alam lang nya, nakita ko na ulit yung hinayupak na yun. X( At nandito lang sa tabi-tabi. Hayyy….

      “Kuya BJ!!” Sigaw ni Aiken.

     “O! Nandito na si BJ! San ka ba nagpunta?” –Tito George

     “Ah wala dyan lang Dad. Napasarap lang kwentuhan namin ni Tom.”

      BJ daw so meaning kuya ni Clark to? Kaya napalingon ako dun sa kausap nila Tito George.

Keeping You (on going series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon