Chapter 12 <3

122 7 3
                                    

Clark's POV

        "Uyy Keith! Basketball tayo mamaya ah!" ang sabi ko sakanya habang paalis.

        "Sige. San ka pupunta?" tanong nya sakin.

         "May dadaanan lang ako sa Library." Oo. Masipag naman ako, di lang halata. >:D

       Naglalakad ako ngayon sa hallway at nakita ko si Denisse na nakatayo sa labas ng Female's Comfort Room. Lalapitan ko na dapat sya para asarin ulit. Ang cute nya kasi pag naaasar eh. :D Kaso ngayon parang galit sya. Tapos bigla kong nakita si Gail na palabas din ng CR.

   "Hoy! Denisse! Di pa tayo tapos! Wag na wag mong aagawin sakin si Clark, kundi uubusin ko yang buhok mo!" Biglang sabi ni Gail na talaga namang ikinagulat ko. Oh? Ba't ako nasama sa usapan nila? Mga babae nga naman. tsk.

     Humarap si Denisse sa kanila at nilapitan si Gail.

      " Wag kang mag- alala iyong iyo na sya. Hinding hindi ko sya aagawin sa'yo kasi kahit kelan hinding hindi ko sya magugustuhan!" Hindi ko alam pero napatigil ako nung narinig ko yun. Hindi ko na rin sya nagawang lapitan. Tumalikod nalang ako bigla para di nya ako makita. Pero umalis din naman sya agad pagkatapos nyang bitawan yung mga salitang yun kay Gail. I knew it. Hindi nya talaga ako magugustuhan. Well, nachachallenge ako sa mga ganyang babae. Pahard to get.

       Paulit- ulit paring pumapasok sa isip ko yung mga sinabi ni Denisse. Grabe. Ba't nakakaya nyang sabihin yung mga yun? Hindi ba ako gwapo? Hindi ba ako matangkad? Matangos naman ang ilong ko. Maganda naman mga mata ko. Ang dami ngang nagkakandarapa sa'king mga babae eh. Tapos sya? Nasabi nyang hindi nya ako type? haha. Hindi naman sya maganda, well, fine. Oo na maganda sya. Napakacharming nya pa. Pero para hindi ako magustuhan? I can't believe it! Bibigay ka rin sakin Denisse.

        Nandito ako sa 4th Floor ng building namin. Yes. Building ng mga nursing students. Pinagmasdan ko lang yung mga tao mula dito sa taas. Ang dami palang istudyante dito. Ngayon ko  lang napansin. Napalingon ako sa soccer field. Nagpapractice yung mga players. Balita ko champion na naman sila. Namiss ko tuloy magsoccer. Soccer player kasi ako nung highschool. Ang layo noh? Sa basketball ako napunta ngayon. Wala lang. Trip ko lang. At ng maiba naman. Napatingin naman ako sa building ng AVR. Medyo maraming tao. May meeting daw kasi yung mga Drama Club members at may audition ata. Wala naman akong kahilig hilig dun. Pero may nakaagaw ng pansin ko. Si Denisse, papasok ng AVR building. Kasali pala sya dun. Kasama nya yung dalawang kaibigan, si Nicole at Princess. Nakaisip ako ng pagkakaabalahan. Makagulo nga sakanila.

        Papasok na ko ng AVR building ng hinarangan ako ng dalawang lalaki. Mukhang drama club members.

       "Hep. San ka pupunta?" Tanong nung isa. Eh kung durugin ko kaya yang pagmumukha mo!?

       "Edi san pa? Sa loob malamang." Medyo naaasar na ko.

      "Ano ba pangalan mo?" Tanong nya ulit. ABAH! Onti nalang. Makakabasag na ko ng pagmumukha.

      "CLARK CASTILLO!" Pasigaw na sabi ko. Nakakabadtrip eh. Tapos may nilabas na papel yung isang lalaki. List of names siguro yun.

      "Pasensya na. Pero hindi ka member kaya bawal kang pumasok."

      "Ganun? Wala namang ganyanan pare. Manonood lang naman ako." Pagpupumilit na sabi ko.

     " Hindi talaga pwede eh. Hintayin mo nalang sa labas yung mga papanoorin mo."

      "Tss. Walang kwenta yang Club nyo!" Galit na sabi ko. Tapos sabay alis. Buti pa sa club namin, welcome lahat. Sa photography club ako kasali. Gustong gusto ko ng scenery shots. Hindi talaga ako mahilig magpicture ng tao eh.

Keeping You (on going series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon