Chapter 31 <3

110 5 3
                                    

Denisse’ POV

               Patuloy parin ang pagbuhos ng malakas na ulan at hindi parin ako umaalis sa park. Nakaupo parin ako sa swing at umiiyak. Pero nagulat nalang ako ng may lalaking papalapit sakin. Kamukha sya ni Clark. Kaso malabo yun, ayaw nga nya ako makasama eh. Tiningnan ko ulit ang lalaking iyon at tinitigang maigi. Si Clark nga. Kinuskos ko ang mga mata ko dahil ang akala ko paranoid lang talaga ako since sya lang yung nasa isip ko kanina pa. Pero by this time, sobrang lapit nya na sakin at hindi ako pwedeng magkamali, si Clark nga ito. Ano ang ginagawa ng lalaking to dito? Teka, basang-basa din sya. Ano na namang pumasok sa kokote nito at ginusto akong makita? Tsss. Ayan ka na naman Denisse, assuming ka. Baka napadaan lang yung tao.

*KINDLY PLAY THE SONG

               (Music will play here. Just play the music video at the right side.Because I Miss You by Jung YongHwa)

              Tumayo na ako at aakmang maglalakad papalayo sakanya.. pero…..

               “Denisse!!!!” Sigaw nya sakin. Napahinto ako at nagsalita ng hindi humaharap sa kanya.

              “Anong kailangan mo?! Bakit ka nandito?! Gusto kong mapag-isa! Kaya umuwi ka na!” Umiiyak ako habang sinasabi ko ang mga salitang yun. Buti nalang ay umuulan. Hindi nya mahahalatang umiiyak ako.

           “Kayo na ba?” Ang sabi nya sakin na mahina ang boses. Humarap na ako sakanya at nakita kong nakayuko lang sya. Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi nya. Anong kami na? Nino?

          “Hindi kita maintindihan Clark.. Anong kami na?” Nagtatakang tanong ko. Naguguluhan talaga ako.

            “Kayo na ba ni Ark?!” Ang sabi nya at tumingin na sya sa’kin.

              Hindi ako sumagot dahil iniisip ko kung san nanggaling ang balitang yun. Hindi ko pa naman sinasagot si Ark eh. Oo nanliligaw sya. Pero sinabi ko naman sakanya na hindi pa ako ready at alam naman nyang may iba akong mahal. Naguguluhan talaga ako. Pero kung maging kami nga. Anong pakialam nya? Tss.

            “Sabi sakin ni Princess, nakipagkita daw sayo si Ark kanina para alukin kang maging girlfriend nya. Pinuntahan ko kayo sa Coffee Shop pero wala na kayo dun. Naisip ko lang, baka sinagot mo na sya.” Ang patuloy na pagsasalita nya since hindi ko sinagot yung tanong nya. Lalo tuloy akong naguluhan. Anong sabi ni Princess? Ano yung aalukin na ako ni Ark? At ano yung sa Coffee shop? Hindi ko na talaga maintindihan.

            “Eh ano naman sayo kung kami na?!! Wala ka namang pakialam diba? Ayaw mo nga akong makasama eh.  Pwede ba Clark ramdam kong ayaw mo sakin, kaya please. Umalis ka na. Wala naman tayong dapat pag-usapan!”

           Tumalikod na ako at aakmang aalis. Pero hinawakan nya ako sa braso ko at hinarap sakanya.

           “Mahal mo ba sya ha? MAHAL MO BA SI ARK?!!” Nagulat ako sa mga sinabi nya. Bakit ganyan nalang sya magreact? At sobrang lakas ng boses nya. Sinasabi nya yun habang hawak-hawak parin nya ako sa braso. Sobrang higpit ng pagkakahawak nya sakin at tinitingnan nya ako ngayon sa’king mga mata. Na para bang sinasabi nyang magsabi ako ng totoo.

            “Eh ano naman kung mahal ko sya??!!!! BAKIT??!!! SYA LANG NAMAN ANG NAGMAMAHAL SAKIN EH!!! NI MINSAN HINDI KO NARAMDAMAN NA MINAHAL MO AKO NA HIGIT PA SA KAIBIGAN!!!! KAYA WAG MONG MATANONG TANONG SAKIN KUNG MAHAL KO SI ARK KUNG IKAW MISMO HINDI MO NAMAN AKO MAHAL!!! AT----------“     

Keeping You (on going series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon