Chapter 30 <3

116 5 1
                                    

 Denisse' POV

                 Matapos kong umalis sa school. Nagdecide nalang akong umuwi. Ang totoo nyan, wala naman talaga kaming usapan ni Ark na magkikita kami at lalong hindi totoo na nagtext sya. Ginawa ko nalang palusot yun para naman hindi ako magmukhang tanga sa harap nila na bigla-bigla nalang di sasama dahil lang sa hindi sasama si Clark.

                    Nagtaxi ako pauwi ng bahay. Kahit sa taxi ay umiiyak parin ako. Hindi ko mapigilan yung pagdaloy ng luha sa mga mata ko.. Wala narin akong pakialam kahit na naririnig ni Manong taxi driver ang hikbi ko. Buti naman at di sya nangahas magtanong kasi baka mabuntunan ko sya ng nararamdaman ko at baka masigawan ko sya ng di oras. I feel so depressed right now. Na para bang ako lang ang tao sa mundo. Gusto ko mapag-isa. Masyadong magulo ang isip ko ngayon.

                Nang makarating ako sa subdivision namin, sinabi ko nalang kay Manong driver na sa park nalang ako ibaba. Ayoko munang dumiretso sa bahay. Baka nandun na kasi sila Daddy mapansin pang umiiyak ako. Hindi ko kasi ugaling magdrama ng magdrama sa bahay. Kaya sa mga kaibigan ko nalang ako madalas naglalabas ng sama ng loob o kung ano man.

(Play the music video at the right side. Gisingin ang Puso by Liezel Garcia)

              Umupo nalang muna ako dito sa swing. Para akong batang naagawan ng laruan. Kahit alam ko namang hindi sakin yung nawala. :( Ang daming mga batang naglalaro sa paligid ko. Ang saya-saya nila. Iiyak lang sila pag inagawan ng laruan, kapag inasar ng mga kaibigan at kapag umalis ang parents nila. Sana bata nalang din ako, para hindi ko maramdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Unti-unting nawala ang mga tao sa paligid ko dahil bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng pagkulog at pagkidlat. Kahit na ganun,hindi pa rin ako umaalis dito sa pwesto ko. Wala akong pakialam. Pakiramdam ko kasi nakikisabay ang langit sa pag-iyak ko. Basang-basa na ako. Pero hindi ko parin pinansin iyon.

             Naalala ko tuloy yung time na lagi nya akong inaasar tapos inis na inis ako sakanya. Walang araw na hindi nya ako inasar. Ang sabi nya pa sakin nun natutuwa sya pag nakikita nya akong naaasar. Ewan. Ang weirdo talaga ng lalaking yun. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti ngayon. *punas ng luha* Para tuloy akong baliw iiyak tapos ngingiti. Siguro nga ganun talaga kahit na nasasaktan ka na, hindi mo parin maiiwasang maalala ang mga bagay na minsan ay nakapagpasaya sayo.

            Alam ko namang di nya ako gusto eh. Wala syang pakialam sakin. Ayaw nya akong makasama o makausap man lang. Sobrang sakit kapag nanggagaling yun sa taong mahal mo. Ang hirap magmahal ng di ka sigurado kung kaya ka rin ba nyang mahalin. Kasalanan ko ba kung mahal ko sya? Hindi ko naman sinasadyang mahulog sakanya. Sadyang may pagkatanga lang madalas tong puso ko. Ang hilig umasa sa wala, nakakainis. Ang sarap sermonan tong puso ko. Pero alam nyo yung masakit? Yung hindi sya makikinig sa kahit na anong sermon ng utak ko. May sarili atang isip tong puso eh. Pwes, kung ganun nga, ang bobo nya. Ang gusto ko nalang mangyari ngayon ay kalimutan sya. Wala namang mangyayari eh kung patuloy ko syang mamahalin. May iba syang mahal. At hindi ako yun.

Clark’s POV

              Pinark ko muna ngayon ang kotse ko sa tapat ng Coffee shop malapit sa school. Ang sabi kasi ni Nicole nandito daw sila Ark at Denisse. Pumasok ako sa loob at wala sila dun. Tinanong ko naman ang mga crew kung may nakita silang babae at lalaki na pumunta dito. Kaso hindi daw nila napansin. Hindi din naman kasi malinaw yung mga description ko sakanila. Marami rin naman kasing customer na nagpupunta dito kaya malabo talaga na maalala sila.

                Kailangan ko silang hanapin. Hindi ako titigil hangga’t di ko nakakausap si Denisse. Pinuntahan ko na lahat ng pwede nilang puntahan. Ang nakakainis lang talaga, kung kailan nagmamadali ka na at may hinahanap kang tao tsaka pa bumuhos ang malakas na ulan. Hayy..

               Nawawalan na ako ng pag-asa na makikita ko sya. Isa nalang talaga naisip kong puntahan, at ito ay ang bahay nila Denisse. Kapag wala talaga sila dun, hindi ko na talaga alam kung san sya hahanapin.

              Pumunta ako sa bahay nila.

*Ding dong… Ding dong..*

             “Denisse! Nandyan ka ba? Kausapin mo naman ako oh!” Ang sigaw ko sa labas ng bahay nila kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan.

              “Oh.. Iho.. Wala pa si Denisse.Hindi pa sya umuuwi.” Sabi naman ni Nanay Deng habang palabas ng bahay.

                “Ah ganun po ba.. Sige po salamat po.” Nanlumo ako. Wala na akong ideya kung nasan sya..  Mukhang huli na ako. Malamang sa oo, sinagot na nya si Ark.

                Sumakay na agad ako sa kotse ko at nagdrive. Mabagal lang ako magdrive at nagbabakasakaling makikita ko sya.

                 Pero nagulat nalang ako ng may mapansin akong isang babae sa park na nakaupo sa swing. Hindi ako nagkakamali. Si Denisse yun, nakauniform parin sya hanggang ngayon. Hindi ko alam pero, biglang bumilis ang tibok ng puso ko.. Makakausap ko na sya. Bumaba agad ako ng kotse para mapuntahan sya. Nakaupo lang sya dun at basang basa sa ulan. Sana lang talaga ay hindi pa huli ang lahat.

Keeping You (on going series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon