Chapter 26 <3

101 4 2
                                    

 Denisse’ POV

           Pagkatapos naming mag-stay sa beachside ay tinawag na kami nila Mommy para kumain. Ang sarap ng ulam puro seafoods! XD Naalala ko tuloy nung pasko, beach din yun, Palawan nga lang. Dun ko unang nakasama si Clark. Sobrang sarap nya magluto. Hayy.. Namimiss ko na yung luto nyang steak. :( Nang matapos kami kumain ay naisipan naming manood ng movie. “Battleship” yung pinanood naming. Ang ganda talaga. Ang daming effects ng movie na to. Parang totoo. Hihi.

             Pagpatak ng 12am, saktong April 21 na, binati nila ako pero hindi lahat sila. Yung iba kasi natulog na agad. Mga napagod ata sa byahe at sa swimming kanina.  Bago matulog ay nagkwentuhan muna kaming Chicha. Syempre, hindi mawawala yun. 3am na siguro kami natulog. Hindi na namin naisip magbeauty rest. XD

             Saktong 10:30 ng umaga ako nagising. Pero inaantok pa ko. Wala na kong kasama sa kwarto. Ang aga naman ata nilang magising. Mamaya pa namang gabi yung party eh. Pumunta ako sa terrace at ayun nga, nagswimming na pala agad ang Chicha kaya pala ang aga-aga nila gumising.. Hayyyy..*yawn* Inaantok pa talaga ako. e.e

             Bumaba na ako at pumunta ng kusina. May gwapo akong nakitang nagluluto. Mas gwapo pala sya habang nakaapron. Hayy.. Kyaaaahhh!! <3 Sana dumating yung time na araw-araw nya akong paglulutuan, na sya yung gigising sakin, magpapaligo… Magpapaligo??!!!! Ano daw??! Kay aga-aga Denisse kung anu-ano pinag-iisip mo! My goodness! O.o

            Lumapit ako sakanya.. Mukhang busyng busy sya.

          “Wow naman! Ang sipag naman ni chef!” Bati ko sa chef ko. Este namin pala. Haha. XD Kay gwapong chef Clark to abah! :”>>

          “Tss. Hindi naman masyado. Sadyang tamad ka lang.” Ouch. Ang sakit nun ah. :( Ako na di marunong magluto. Hayyy..

              “Anong sabi mo??!! Ang yabang mo talaga!” Tapos sinimangutan ko sya.

            “Haha. Joke lang yun syempre. Ikaw ang birthday girl eh. Kumain ka na nga lang dyan.” Ang sabi nya sakin tapos ngumiti sya sakin. Nakakainis! Ba’t ba ang gwapo mo?!!

              “Ikaw ba nagluto nitong almusal?” Ang sabi ko habang tinitingnan yung ulam sa mesa.

                “Hindi. Pero ako yung magluluto ng pang-lunch.”

                 “Magluto ka ng pork steak ha!”

                  “Yes ma’am! Namiss mo luto ko noh?” Ang sabi nya sakin tapos tiningnan nya ako habang nakangiti.

                “Tss. Ikaw na magaling magluto! Ako din mag-aaral magluto, kala mo dyan!” Say ko sakanya.

                   At ayun, kumain na muna ako ng breakfast. Pero excited na akong maglunch. Haha. Gusto ko na ulit matikman yung luto nya. :3 Pagkatapos ko kumain ay umakyat ulit ako ng kwarto at nakinig nalang ng music habang nakahiga sa kama. Parang tinatamad kasi akong magkikilos. >:D

                 Hindi ko nalang namalayan na nakatulog pala ulit ako. Hanggang sa ginising ako ni Daddy para kumain ng Lunch. Nasa dining area na silang lahat. Ayun, as usual, puro compliments natanggap ni Clark. Kesyo ang sarap nya daw magluto, gwapo na marunong pa sa gawaing bahay, maswerte daw mapapangasawa nya. Hayy… Gusto kong sabihin sakanila. Tama kayo, maswerte ako sakanya. Haha. Assuming ako. Amp. Pano ko sya mapapangasawa eh hindi naman nya ako gusto? Hayyy.. Bakit ganun? May nagmamahal naman sayo, pero pinipilit mo yung sarili mo na mamahalin ka rin ng taong mahal mo. Ang weird. =_=

Keeping You (on going series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon