Chapter 11 <3

131 7 4
                                    

Denisse' POV

             It's Monday morning at papunta na ko ngayon sa school. Hinatid ako ni Dad. Pagbaba ko ng kotse, nakita ko kaagad si Princess papasok na ng gate.Himala maaga sya. Hinabol ko sya para magkasabay kami.

            "Uy! Princess" sigaw ko sakanya. Pero di nya parin ako nililingon. Busy syang maghalungkat ng kung ano man sa bag nya habang naglalakad. Hinabol ko sya since di nya talaga ako nililingon.

           "Hoy!" tawag ko sakanya tapos sabay tulak.

          "Ay palaka!" Mukhang nagulat ko ata sya. hihi.

         "Kanina pa kaya kita tinatawag. Di mo ko nililingon."

         "Eh.. May hinahanap kasi ako sa bag ko. Nakalimutan ko ata wallet ko." Itsurang worried sya. "Pero buti nalang may pera akong nilagay sa  bag ko. Kundi, lagot na. Tsk. Syangapala, may meeting daw yung members ng Drama Club. Since, member tayo, aatend tayo mamaya." then she winked.

        "Ayoko nga. Ikaw nalang."

        "Sige ka. Di mo makikita si Mysterious guy. Ano nga ba pangalan nun? Ark ba? Ah basta. For sure, nandon yun mamaya." Tapos tiningnan nya ko ng nakakaloko.

        "Fine. Fine. Pupunta na ko." Wala na. Nauto nya na ako. Eh kasi eh, gusto ko ulit makita yung lalaking yun. hihi.

        Dumiretso na kami ng classroom. Nandon narin si Nicole. Thank God wala pang Prof. Umupo na kami. And as usual ang sitting arrangement namin, nasa aisle si Princess, then katabi nya si Nicole tapos ako. 5minutes ng walang prof. Nang biglang may narinig akong malakas ng boses. Sobrang pamilyar. And yes, Si Clark nga.

      "Oy! UHUGIN! Tabi tayo!" Pang-aasar nya sakin. Nilapitan nya ako at talagang tumabi nga. Nakakainis. Bakit ganun? Ibang iba yung nakausap kong Clark nung nakaraan. Well, baka sinaniban sya ng good spirit nun kaya naging mabait sya. Maybe.

      "Bakit kaya uhugin tawag sakanya ni papa Clark?"

      "Baka tumutulo sipon nya ng hindi nya pinupunasan? ahahaha. "

      " O baka naman amoy uhog sya?"

       GRABE. Naririnig ko yun! Alam nyo ba yun?! Mga froglets kayo. Rinig na rinig ko pa yung mga tawanan nila. Kainis talaga. Chill lang Denisse. Wag mo na silang patulan. Masyado silang mababa para patulan pa ang mga ganyang klaseng tao. They ruined my day. Or should I say he ruined my day? tapos tiningnan ko sya ng masama. Sigh.

          "Dun ka nga! Wag mo kong tabihan!" Inis na sabi ko sakanya.

           "Ikaw na nga tinatabihan eh. Ayaw mo pa. Hindi mo ba alam na maraming gustong tumabi sakin?" tapos ngumiti sya ng nakakaloko at tumingin sa mga babae sa likod.

          "Clark, Dito oh. Walang nakaupo sa tabi ko." tapos naghiyawan sila. Halatang kilig na kilig yung girl. Tss. Wala akong pake.

          "Hindi Gail, okay na. Pumayag na si Ms. Denisse na tabihan ko sya. Pero next time, tabi naman tayo. Yun lang eh kung okay lang sayo?" Ang landi talaga nitong lalaking to.

           "Oo naman, ikaw pa." Sabi naman nung girl. Grabe. Bagay kayo. Clap Clap. Pareho kayong malandi.

          "Dapat nga maging proud ka Denisse eh. Kasi kinakausap pa kita." tapos kinalabit nya ko sa bandang kili-kili. Arrgh.. Wala ba syang magawang matino sa buhay nya?

Keeping You (on going series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon