Chapter 25 <3

102 6 3
                                    

Denisse’ POV

             Today is April 20, 20**, Friday. And yes, tomorrow is my birthday. Nakakaexcite, ewan ko kung bakit. Papunta na kami ngayon ng Laguna kung san icecelebrate ang birthday ko. Nakasakay kami ngayon ng Bus. Parang field trip ba? Hehe. Request ko to kay Daddy eh. Kaya nagrent sya ng bus. Twenty kasing classmates ko ang sumama lahat naman kasi sila invited. Nandito rin ang Chicha, si Ark, Family ni Clark except sa kuya nya, tsaka iba ko pang relatives. And guess who kung sino ang unwanted guests? Sino pa nga ba? Edi ang bruhildang Gail with company. Arrgghh!!! Ewan ko ba kung ba’t ko pa nainvite yan. Ayoko lang kasing isipin nya na ginagawa kong big deal lahat ng bagay. Remember, kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng mas malaking bato, este ng tinapay pala. XD haha.

             4 o’clock ng hapon nang makarating na kami ng Beach Resort sobrang nagandahan ako. Nawala bigla yung pagod ko sa byahe nung makita ko na yung beach. Hayyy.. Sarap! <3 Gustong gusto ko talaga ng beaches. Ewan ko ba. Iba yung dating eh. Ang linis pa nitong beach na to. Tapos white beach pa. XD Sabi ni Daddy binili nya daw ito last year para samin, at least medyo malapit daw sa Manila. Bago pumunta sa seaside syempre dumiretso muna kami ng Rest house. In fairness, maganda ang taste ni Daddy pag sa mga ganitong bagay. Three floors yung bahay. Meron din itong terrace kung san tanaw na tanaw mo yung beach. May master’s bedroom din. At syempre, sila mommy and daddy yung matutulog dun. Si Trixie may sariling kwarto kasama ang ibang mga kaibigan nya. Ako naman matutulog kasama ang Chicha. Namiss ko sila eh. :) All in all may 15 rooms itong bahay. Madami ba? Hmm. Sakto lang. hehe. Kaya kasya naman siguro kaming lahat dito. Si Clark matutulog kasama sina Keith, Vret at Shin. Bawal mixed eh. Magagalit si Daddy. xD

            Pagkatapos naming mag-ayos ng mga gamit ay dumiretso na agad kami sa beach. Yung iba nagswiswimming na. Yung iba naman naghahabulan. Ang saya lang nilang pagmasdan. Nakaupo lang ako dito sa buhangin. Si Princess nakasakay sa likod ni Keith habang si Nicole naman ay nakasakay sa likod ni Shin. Naglalaban sila. Nakakatawa kasi si Princess lagi yung nahuhulog sa tubig. Si Vret naman..teka, asan nga ba yun? Kanino ko pa di nakikita yun eh. Naku, parang alam ko na kung nasan yun, kasama kasi si Kaycee eh. Alam na. XD Si Ark naman ay naiwan sa rest house. Sumakit daw ulo nya sa byahe. Nahilo ata. Hihi, Maya-maya ay nilapitan ako ni Clark.

             “Hindi ka ba magswiswimming?” tanong nya sakin.

               Umiling ako sakanya. “ Bukas nalang siguro, eh Ikaw?”

               “Heto, magswiswimming… pero”

               “Pero..Ano?”

               “Pero dapat kasama ka!” tapos sabay buhat nya sakin.

               “Ano ba?! Clark bitawan mo nga ako!” Pagpupumiglas kong sabi.

                  “Haha! Maligo ka narin kase!” Tapos binaba nya ako sa medyo malalim na part ng beach. Arrghhh!! Basa na buong katawan ko tapos nagsplash pa sya ng tubig. -_-

                 “Heh! Ewan ko sayo!” Pagtataray kong sabi samantalang sya tawa ng tawa. Ohh.. That voice is so-called music.. <3.<3 haha. Ano ba naman tong mga sinasabi ko?! Amp.

                  Aakmang aalis na sana ako pero hinawakan nya ako sa braso. Tapos nilubog nya bigla yung ulo ko. Badtriipp!!

                 “I hate you Kuya!” Tapos nagpout ako sa kanya.

                   “HAHA! Nakakatawa yang itsura mo!” Tawa sya ng tawa. May nakakatawa ba?! Kayo?! Sa tingin nyo meron?! Amp.

                   Umalis na ko sa tubig tapos naupo nalang ako sa may bandang buhangin. Habang umaahon naman sya sa tubig, kasabay nun ay ang pagtanggal nya ng t-shirt nya. My gawwwddd!! Can you please stop that??!!! Baka mahimatay ako dito! O.o Tapos inaayos nya yung buhok nya habang papunta sakin. Kyaaaaaahhhh!!! >//< My goodness! Why you’re not wearing your shirt?!! This is sooooo… argghhhhh….. good!!!! Waahhh!! Hala ka Denisse! Kung ano-ano na naman yang mga sinasabi mo!!

                 Papalapit sya ng papalapit sakin. >//< Nakangiti sya. Napaatras ako sa kinauupuan ko, kasi, bakit ba naman ganun sobrang lapit ng mukha nya sakin.

                “A-ano yang gi-ginagawa mo?” Ang sabi ko sakanya kasi halos mahalikan na nya ako sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa.

                  Nakangiti lang sya sakin habang lalong nyang nilalapit yung mukha nya sa mukha ko. Eye to eye kami. My goodness!!!! Feeling ko pulang pula na yung mukha ko!! Ayan na..Papalapit ng papalapit ng papalapit ng…………………………….

                    “Finally, It’s here!” Ang sabi nya sabay pakita ng relo nya na kinuha nya sa bandang likuran ko. Hayyy.. Relief! :O Akala ko pa naman kung anong gagawin nya… Disappointed ata ako?! Joke. No. Never!

                    “…” Speechless ako. Tulaley. As in wala akong masabi. :X

                     “Itsura mo! Grabe! Nangangamatis ka na dyan oh! HAHAHA” Grabe! Tinawanan pa talaga ako ha!!!

                    “Arrrghhhh!!! Bwisit ka Clark!!! Ayaw na kitang maging Kuya!!! Grrr!!!” Naiinis kong sabi. Grabe naman kasi. Pahiyang pahiya ata ako dun. Sobrang nag-init yung mukha ko dahil sa ginawa nyang yun. :|

                      Tapos umalis na sya at pumunta ng Rest house, pero syempre habang naglalakad titingin sakin tapos tatawa na naman. Kainis talaga! Hayy…

                     Malapit ng magsunset at yun nalang ang hinihintay ko sa ngayon. Nakita ko naman si Clark sa di kalayuan na kumukuha ng pictures. Balita ko, mahilig syang kumuha ng scenery pero pag tao, hindi masyado. Adik nga eh. Haha.

                     Maya-maya ay lumapit naman sakin si Ark.

                    “Mahilig ka ring mag-abang ng sunset pag nasa beach ka?” Ang tanong nya sakin tapos umupo sya sa tabi ko.

                    “Oo. May kakaibang feeling kasi akong nararamdaman kapag nakakakita ako ng sunset. Parang ang saya ko..” Tapos tumingin ulit ako sa dagat.

                   “Ako din masaya.”

                   “Kasi makikita mo yung sunset habang nasa beach?” Habang sinasabi ko yun tiningnan ko sya.

                   “Hindi. Masaya ako kasi, ikaw yung nakikita ko ngayon.” Ang sabi nya sabay tingin nya sakin. Napaiwas tuloy ako ng tingin. >//< Kasi naman Ark, magsasabi ha kung babanat ka, at ng nakakapaghanda ako. >:O<

                   “…” Ayan. Speechless na naman ako. Uso ata saking maging speechless? >//<

                    Iniba nalang nya yung topic kasi hindi ko na sinagot yung sinabi nya. Nahiya rin ata sya sa sinabi nya eh. Ikaw ba naman bumanat tapos walang nasabi yung sinabihan mo, matuwa ka kaya. Hayy.. Ark.. Sana ikaw nalang. Sana ikaw nalang yung minamahal ko ngayon. Sobrang swerte ko kasi ako yung mahal mo, pero hindi ko alam kung masusuklian ko yung pagmamahal mong yun. T__T

Keeping You (on going series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon