Chapter 24 <3

111 7 1
                                    

Denisse' POV

          "Get away from her!" Ang sigaw ni Vret sa limang lalaki.  Grabe! Nakakatakot sila. Nanlilisik ang mga mga mata nila. Para silang mga asong ulol. O.o Gangster na gangster ang dating!!! Woohhh!! Creepy!! Si Vret kasi eh nagpapakasuper hero pa! -_- Natatakot na ko!!!!

          "HA-HA! Sino ka para utusan mo kami ha?!! Pa english english ka pa! Nasa Pilipinas ka Pre! Tsaka, girlfriend ko yan! Pakialam mo ba?!!!" Ang sabi nung parang leader ng kung ano mang gang sila. :OO wew.

         "Pwede ba Ervin!!!! Matagal na tayong wala!! Hindi na kita mahal kaya tigilan mo na ko!!!" Ang sigaw nung babaeng maganda na hinahabol nila.

         "Pa'no mo nasabi yan??!! Parang kelan lang nagmakaawa ka saking balikan kita! Tapos ngayon, gaganyanin mo ko!!!! L*ntek!"

          "Oo. Nagmakaawa ako sayo dahil nagpakatanga lang ako noon. Pero ngayon, natauhan na ko! Pagkatapos mo kong lokohin?!! That is too much! Ayoko na!" Grabe! Para kaming nasa harap ng shooting. :O

          "Hindi! Hindi pwede!" Ang sabi nung Erwin na yun at aakmang lalapit dun sa babae pero pinigilan ito ni Vret.

          "Just leave her!!"--Vret

           " Eh loko ka pala eh!!!"  Susuntukin na sana nung lalaki si Vret pero naunahan nya ito. Kaya napahiga yung lalaki sa semento.

              At syempre, ayun bakbakan sila. Nakisali narin si Clark, Keith at Shin, pero lima yung kalaban nila. Akala ko dehado kami, yun pala yung kalaban pa yung natalo. Bugbog sarado sila kaya wala silang nagawa kundi tumakbo papalayo. Samantalang sila Clark and company ang gwa-gwapo pa din. Walang kagalos-galos! Ni hindi nga masyado nagulo yung mga buhok nila eh! Ang angas nila! Lalo tuloy akong nainlove kay Clark. Hayyy.....

                 "Are you okay? Take this." Ang sabi ni Vret sa girl habang inabot nya ang panyo.

                   "Thank you! *sob*" Say nung girl habang umiiyak.

                    At nilapitan na namin sila. Medyo malayo kasi kami nila Princess at Nicole eh. Nakakatakot kaya lumapit kanina. Baka madamay pa kami. :O

                   "Teka, parang kilala kita. Nakita na kita eh.. San nga ba?? Ahh.. Kanina.. sa classroom." --Princess. Ayy oo nga noh! Ngayon ko lang napansin, kaklase pala namin sya. Pasensya na hindi talaga ako matandain sa mga faces.

                    Tapos nagnod lang sya samin.

                   "I'm Kaycee. Thanks for saving me guys." Ang sabi nya samin tapos nagsmile sya.

                   Maya-maya ay may humintong sasakyan sa harap namin.

                  "Nandito na ang sundo ko. Alis na ako ha. See you all tomorrow. I will never forget this." Nagsmile ulit sya samin tapos sumakay ng sasakyan. Nagwave sya samin kaya nagwave din kami sakanya.

                 Nagulat nalang kami ng hahabulin ni Vret yung sasakyan kung san nakasakay si Kaycee.

               "What's the problem dude? You forgot to get her number?" Natatawang sabi ni Clark.

               "No. She forgot to return my handkerchief. *pout*" tapos binatukan sya ni Clark at Shin. Natawa naman kami sa sinabi ni Vret. Hahabulin nya para lang sa panyo?!! Tss. Silly. XD Ang kulit din pala nito.

              "hey stop! I'm just kidding." --Vret.Tsaka lang huminto yung dalawa sa kakabatok sa kanya.

             "Seriously, I think.. I like her." Patuloy na sabi ni Vret tapos nagsmile sya.

             "You shut up!" Tapos binatukan na naman sya nung dalawa. Hayyy.. Kawawang Vret.

             "Ang drama mo dude!!!" Ang sabi ni Clark tapos sabay tawa nila.

             "Hindi naman masyado." Sabi ulit ni Vret na maypagka Slang. Para akong nakakita ng liwanag! Marunong pala tong magtagalog eh!!! Yehey! XDD

             "Madrama ka kaya dude!" Ang sabi naman ni Shin sa accent ng isang Koreano. Oh geez!! I'm so happy!! Marunong din pala tong lokong to na magtagalog!! Ang saya ko!!!! hahahahhaha.

               Tapos nagtawanan ulit kaming lahat.. Hayyy.. Ang saya lang. After nung mala-aksyong bakbakan kanina, heto kami ngayon puro tawa. Nagdecide na kaming umuwi ngayon. Si Princess sumakay sa sasakyan ni Keith. Si Nicole naman isinabay ni Shin. Masyado na atang natuwa tong dalawang to, Palibhasa nagkakaintindihan sila. Pero masaya ako para kay Nicole. Nakikita ko namang masaya sya pag kasama si Shin eh. Si Vret naman umuwi mag isa, may kanya-kanya kasing dalang sasakyan tong apat na lalaki na to. Sila na talaga mayaman. Tss. XD Syempre ako, kasabay ko kuya ko. :)

                  Habang nasa sasakyan, nagkwekwentuhan lang kami ni Clark. Kinuwento nya rin yung mga bagay na tungkol kay Vret at Shin. Si Vret daw ay pinsan nya sa side ni Tito George. Sobrang close daw sila nung bata. Pero naunang magmigrate sa U.S sila Vret bago sila. Dun na daw nagstart na mag-aral si Vret sa U.S simula nung Grade 5 sya. Samantalang high school naman si Clark nung nagdecide silang magmigrate sa U.S. Pero yung Kuya nya lang daw ang naiwan sa Pilipinas. Ayaw daw kasing sumama sa America dahil sa mga kaibigan dito. Bumalik ulit dito sa Pilipinas sila Clark kasi malungkot daw dun. Mas masaya daw dito. Pero after nya magcollege, baka daw bumalik sila dun. Magkakaklase din sila Clark, Shin at Vret nung high school. Kaya sobrang close sila sa isa't isa hanggang ngayon. Si Shin pala ay  ipinanganak sa South Korea pero dun na sya lumaki sa U.S. Mahiyain daw talaga sa una si Shin. Pero pag tumagal tagal ay nagiging maingay narin ito.

                Hanggang sa bigla nalang naipasok ni Clark yung tungkol sa birthday ko...

                 "Birthday mo na ngapala sa April 21 noh? Anong balak mo?"

                 "Teka. Pano mo nalaman yung birthday ko?"

                  "Ah eh. Si tita Ces. Nabanggit nya sakin."

                "Ah ganun ba.."  Akala ko naman inalam nya talaga. -_- Tss. AKo na Assuming. AMP.

                "San mo ba gusto magcelebrate ng birthday mo?"

                "Hmm...Since saktong Saturday yun. Walang pasok. Sa beach ko gustong magcelebrate ng birthday ko."

                "Ah ganun ba. Cool. Invited ba kami?"

                 " Oo naman. Sabi nga ni mommy eh. Lahat daw ng classmates ko, invite ko. The more, the merrier daw. Invite ko din si Ark at ang Chicha."

              "Ah.. Kasama pala si Ark."

              "Oo naman. Baka magtampo yun pag di ko inimbitahan."

              "Ahhh.. Sabagay."

                           Ang cold naman ng mga sagot nya. Ang moody talaga nito kahit kelan. Tsk. Hindi ko nalang din sya kinausap. Pinagmasdan ko nalang yung daan habang nagdadrive sya. Hayyy..Pero sana maging masaya yung birthday ko. First birthday ko yun na nasa College na ko. At isa pa.. first birthday ko yun na makakasama ko si Clark.

Keeping You (on going series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon