Chapter 14 <3

128 8 3
                                    

Denisse' POV

         Kabababa ko lang ngayon ng sasakyan ni Clark. Hindi ko alam kung bakit ganun yung nararamdaman ko. Parang nanginginig yung tuhod ko. Ayoko din namang mag-assume na gusto nya ako dahil lang inaya nya akong maging kadate nya sa D-day eh. Asa pa ko? Eh di naman nya ako magugustuhan eh. Tss.

 ~Ano ba yang iniisip mo Denisse?! Tsaka, wala kang dapat asahan sakanya. Wala kang paki sakanya. Tama. Wala kang pakialam at lalong wala syang pakialam sayo~ Ayan. Nagsasalita na tuloy akong mag-isa.

          Umakyat agad ako ng kwarto. Yakap yakap ko ngayon yung paborito kong unan na hotdog shape. Yung malaking hotdog pillow ah. Hindi pang baby. -_- hmph.. Hayyy... Parang sasabog yung puso ko kapag iniisip ko yung mga sinabi nya kanina. Yung pag-aya nya sakin.

*FLASHBACK

    "Uh.. Pwedeng magtanong?" --- clark

            "You already did." Ang pilosopo ko ba?! haha. :P

           "Sabi ko nga. hmm. May date ka na ba sa D-day?" Nagulat ako sa tanong nya. Tsaka kakaiba sya sa mga oras na to. Ang seryoso ng facial expression nya. T,T Parang hindi si Clark yung kausap ko ngayon.

           "Ahmm.. Ang totoo kasi nyan-------" Sasagutin ko na sana yung tanong nya ng biglang......

           "Denisse, will you be----  *Huminga sya ng malalim*----- will you be my date?" Lalo akong nagulat nung binitawan nya yang mga salitang yan! Parang namanhid yung buong katawan ko.

            "..."  Speechless ako. :|

           "OY!" Sigaw nya sakin at tsaka lang ako nahimasmasan.

            "A-ano.. K-kasi eh.. May nagyaya na s-sa akin.. Nakaoo na ako. Sensya na." Habang sinasabi ko yun. Parang ako yung nasaktan. Hindi ko alam kung bakit. Nangingilid yung luha sa mata ko. Grabe ang O.A ko ba? Tinanggihan ko lang naman sya diba? Eh ba't ako pa yung nasaktan? Tss. Such a weirdo. -_-

              "Ah.. Ah ganun ba?! " *Laugh* " O-okay lang yun!! It doesn't matter!! HA-HA!" tapos nagwink sya sakin.  Yun naman pala eh, wala lang yun sakanya. Patuloy lang syang nakatingin sa pagdadrive. Hindi nya ako tinitingnan.

              "Sorry." Ang tanging nasabi ko.

            "Loko tong uhugin na to!! Okay lang yun sabi eh! You don't need to say sorry. Forget about it anyway!" tapos ngumiti sya sa tingin. I hate that word! UHUGIN! ARGGHH!!

           "And... besides.. hinihintay ko pa naman yung pagpayag ni Myca na maging kadate ko. Since, di pa sya sumasagot. Naisipan kong yayain ka, baka kasi langawin ka sa D-day eh. Wala kang partner. hahaha" Si Myca?! yung Ex nya?! Yung patulong luha sa mata ko biglang bumalik. Hindi na tuluyang tumulo. Second choice pala ako ha! Buti nalang di ako pumayag na maging kadate sya. Tsk. (See Myca at Chapter 3 yung kausap ni Clark na nakita din ni Denisse)

              "Ang kapal naman ng mukha mo! Kahit papano may mga lalaki pa ring gusto akong makasama noh." Sabay hinampas hampas ko sya. Ang kapal eh! Tss

             "A-arrayyy!!! Ang sakit ah!!" Hinahampas ko parin sya.

             "Ihinto mo na. Ayan na yung bahay namin oh! Salamat!!" tapos bigla akong lumabas  ng kotse nya. Kainis eh. Sabihin ba namang wala akong kadate?! Ang gwapo kaya ng kadate ko!

            "Ang sungit mo!" Sigaw nya tapos sabay harurot nya ng kotse.

*END OF FLASHBACK

            Nasaktan ako nung nalaman kong second choice nya lang ako. Hayst. Ano ba to?! I shouldn't feel this way.. tsaka, ang gwapo kaya ng magiging kadate ko. <3 Tapos crush ko pa! hihi. Tinext nya ako kanina habang nasa sasakyan ako ni Clark. Yes. Yun yung time na tinatawag pala nya ako pero di ko sya pinapansin. Busy kasi ako sa kakatext. So ayun na nga. Niyaya akong makadate nung nagtext na yun. Sino pa nga ba? Edi si ARK! :)

          Ito yung naging conversation namin kanina.

*Bzzt,. Bzzt..

Nagvibrate yung cellphone ko. Medyo nakiliti ako kasi nasa bulsa ko sya. >:D

From: Ark XD

            Hi denisse. :)

Syempre, nireplyan ko kaagad. hihi.

Re: Hello. :D Kumusta?

From: Ark

Okay lang naman. Ikaw? :) Hope you're doing good. hmm.. Can I ask you something?

Re: Sure! :) What's that? Syempre tinanong ako ng english. Sasagutin ko din ng english! XD

From: Ark

Will you be my date on D-day? :)

        Syempre nag-isip muna ako ng isasagot ko. Kung papayag ba ako o hindi. Wala pa rin naman akong kadate eh. But since, magaan naman loob ko sakanya.. Wala naman ding masama kasi required sa event na may kadate...At mukha naman syang mabait. So...

Re: Okay. :D No problem. :)

From: Ark

Talaga?! Yes! Thanks. :) You made me happy. :D

           Ayun. Mukha namang tuwang tuwa sya. Pero nawiwindang talaga ako. Kasi parang kelan lang. Crush na crush ko sya, tapos ngayon niyaya na akong maging date nya. Hmm?? Ngayon lang to nangyari sakin. Yung tipong hindi mailap sakin yung crush ko. Haha. Kasi usually, yung mga crushes parang sobrang layo. Yung maiisip mo na langit sila, lupa ka. Ganun. :D

           Last txt na nya yun sakin kasi hindi ko na sya nareplyan after that. May isturbo kasi  eh. Ayun yung sinigawan ako ni Clark kasi busy ako sa kakatext at di ko namalayang tinatawag nya ako.

             Sobrang bait ni Ark kumpara kay Clark. Tahimik sya, hindi katulad ni Clark na todo kung makasigaw na akala mo nasa kabilang ibayo yung kausap. Ang ugali nun, every morning, lunch, merienda pati dinner, magtetext yun na kumain na daw ako. As in everyday. Pag gising nya maggogood morning agad sakin na ingat daw ako palagi, pag gabi naman maggogood night yun sakin. Napakathoughtful nya. Nakakatouch. At sobrang naaappreciate ko yun. Para syang total opposite ni Clark. He's far different from him. 

but...

I keep thinking Clark......... And i don't know why.... :(

A/N:

Ayan! Napaupdate ako! Di ko alam kung bakit. HAHA. Loves ko kayo eh kahit di pa umaabot ng 50 votes! :(( HAHA. Ang dami paring silent readers.. :(((((((((( HAyyy... just wait for my next update... :D Please vote! Comment! Para malaman ko kung naaappreciate nyo yung gawa ko. :) SALAMAT! :**

Keeping You (on going series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon