Chapter 9 <3

163 7 0
                                    

Denisse' POV

            Natapos na ang Sembreak. At yun ang bakasyon na hinding hindi ko makakalimutan. After ng Christmas celebration namin sa Palawan.. Bumalik narin kami agad sa Manila para icelebrate ang New Year's Eve sa bahay. Ayaw kasi ni Daddy nang hindi nagcecelebrate ng New Year sa bahay. Papasok na ako ngayon.. Malapit na ko sa gate ng school ng makita ko si Nicole na naglalakad.

           "uyyyy!!!" Bati ko sakanya.

           "oh! Ikaw pala. Kumusta ang bakasyon?"

           "uhmmm.. Ayun. Di ganun kaganda."

           "Bakit naman? Eh diba Palawan na yun?"

           "Maganda yung place. Sobra. Eh kaso may nangbadtrip sakin dun."

           "hahaha. Sino naman kaya yun? Eh kapag mga ganyang kamalasan sa buhay mo laging si Clark ang nagiging dahilan. Pero malabo naman yun... Ang layo na ng Palawan eh. hahahahaha"

           " Si Clark nga yung dahilan."

           "Ha???!! Pa'no nangyari yun??!!!! Tell me. Nagjojoke ka lang."

           "Mukha ba kong nagjojoke. -_-"

           " Ah.. I see. Naniniwala na ko. Pero.. Papano naman nangyari yun? Di nyo naman sya kamag- anak."

          "Hindi nga. Pero bestfriend ni Dad yung Daddy ni Clark. Kaya kasama namin sila nung christmas vacation. Nakakainis nga eh."

          "Ano ba kasing nangyari? Dapat nga happy ka kasi nakilala mo sya."

         "Happy??!! Ako??!! Wag na uy! Sana di ko na lang sya nakilala ng ganun para hindi ganito katindi galit ko sakanya." >,<

         "Wow ha Denisse. Ramdam na ramdam ko yung apoy sayo! haha. Masyado kang hot. Chill lang."

         Dahil nga gusto ko ng sumabog. Kinuwento ko nalang sakanya lahat ng pangyayari.

         "Whaaaaat??!! Ginawa nya yun sayo?"

         "Hmm. Hmm." sabay tango ko ng medyo nakapout.

         "Grabe naman sya. Naku. Ang naughty nya. Sobra. Dapat lang pala na magalit ka sa kanya."

         "Oo. Sinabi mo pa. Syangapala.. Asan na si Princess? Wala pa ba sya?"

          "Ano pa nga ba? Syempre.. late yun."

         Bago dumating ang Prof. Dumating narin si Princess.. Ang swerte talaga nitong babaeng to.

        "Grabe ka. Anong oras na kaya?" Biglang sabi ni Nicole kay Princess.

         "Bakit? Andyan na ba si Sir?"

         "Wala pa. Obvious ba?" sabi ko naman.

         "Wala pa pala eh. Well.. maiba tayo. Nakita ko yung nakapost sa bulletin. May bago tayong Club. Drama Club. Nakakaexcite. Tara! Sali tayo!"

          "Ayoko. Ikaw nalang." -ako

         " Ehhhhh!!! Sige na Denisse. Pumayag ka na. Nicole, ikaw gusto mo ba?"

          "Depende sa inyo. Okay lang kahit ano. Kayo bahala."

          "Oh yun naman pala eh! Dali na Denisse."

          "A-YO-KO! Besides, Di naman ako marunong umacting noh.''

            "Ayyy ano ba yan.... Sige na nga. Di ko na kayo pipilitin. Samahan nyo nalang ako mamaya. May meeting daw eh. Samahan nyo nalang ako.. Puhleeeasseee??"

             "Okay sige. Sasamahan ka lang namin ah. Malinaw yun."

             "Okay. ^_^"

            Papunta na kami ngayon sa AVR. Dun kasi gaganapin yung meeting. Medyo maraming pumunta. Ibig sabihin ganun kainterested mga estudyante sa Campus para sumali sa Drama Club.. Never ko talagang naisip na sumali dyan. NEVER. May nakita akong isang lalaki. Nakaupo sya sa sulok. Ang tahimik nya. Ang misteryoso ng dating. Pero ang gwapo. >//< Kaso mukhang suplado.. Mukhang isnabero.. Pero may something talaga sa pagkatao nya. Tapos yung mga babae nakatingin sakanya. Ibig sabihin gwapo talaga sya.

          "Wait lang ahh.. Pupunta lang ako sa harap. Isusubmit ko lang yung name ko.." sabi ni Princess na talagang desididong sumali.

         "Teka! " biglang sabi ko.

        "Oh bakit?"

        "Pahingi ako ng papel. Sasali ako."

         "ha??! Akala ko ba ayaw mo??!" Gulat na gulat na sabi nya.

        "Wala. Para maiba naman. :) Trip lang."

        "Edi sasali narin ako." Sabi naman ni Nicole.

         "Yehey!!!!! Okay na okay yan! :D" Tuwang tuwa na sabi ni Princess.

            Sinulat na namin yung pangalan namin sa papel. At pinagmasdan ko na ulit yung misteryosong lalaki. Ang seryoso nya talagang tingnan.

            "Ark! Tara na. Wag mo ng tapusin yang meeting." Biglang may tumawag sakanya. Ark pala name nya. :OOOO Clark and Ark??! WOW. :DD Pero mukha namang mas mabait to kaysa kay Clark.

          "Sige." Ang tipid nya sumagot grabe... -_- wew

          Pinagmasdan ko sya hanggang makalabas sya ng pinto.. Hayyy........... <3 Can this be love???? ahahaha. >:D Gustong gusto ko talaga ng guy na misteryoso.. :O Ewan ba. >:D

        Palabas na kami ng AVR. Tapos narin ang meeting. Nang biglang,, may sumigaw ng pagkalakas lakas....

        "OYYYYY!!!!!!!! OLAYVAR NA U-HU-GIN!" assshhhhhh!!! Ang boses na yun! Pamilyar. -_- At hindi talaga ako nagkamali.. Si Clark yun. >.< Nakakahiya sya... Ang layo nya sakin.. Tapos sisigaw sya ng ganun kalakas. Pinapasikat nya ko. Lalo na sa kahihiyan.

     " Girls, tara na. Mag iba tayo ng daan."

     "Huh? Bakit naman? Kasi andun si Clark?" -Princess

    "OO. ay hindi. Meron kasing malaking impakto na nandon. Mahirap na baka mausog tayo. Kaya wag na tayo dumaan dun."

     "Huh?! Asan yung impakto?!"

       "Wala akong panahong mag explain sayo Princess. Kaya tara na."

        Hindi ko na lang pinansin si Clark. At dali-dali kaming nag iba ng dinaanan. Di ko narin sya nilingon para isipin ng mga tao na baliw sya. Walang kausap. haha. BV talaga. Wala na bang balak gawin yun sa buhay nya kundi mambwisit???!! errrr..... >.<

Keeping You (on going series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon