Chapter 7 <3

149 9 1
                                    

Denisse' POV

             Nandito kami ngayon ni Trixie sa tabing dagat. 5:30 na ng hapon at inaabangan namin yung sunset. Syempre di mawawala yung picture picture.  Si Clark nasa di kalayuan mula samin. Kumukuha ng bato tapos ibabato rin sa beach. Hala adik? Hahahahajoke lang. Ginagawa ko rin naman yun.  Si Trixie pumasok muna sa loob ng bahay sandali, kukunin nya daw yung cellphone nya. Mag-uunli daw sya. At syempre.. mag-isa nalang ako. Kaya nilapitan ko muna si Clark. Nakaupo sya sa sand kaya umupo nalang din ako.

           "Hi. Pwede ba kitang samahan dito? Kanina ka pa kasi walang kasama eh."

          "Sige lang. Umupo ka na eh." Grrrr... aba kala mo kung sino.. sya na nga yung sinasamahan eh.. hayy.. Good vibes ako. Hindi pwedeng magalit.... Bakasyon to at nasa peaceful place kami.

          " Clark.. Ang sarap mo magluto ah.. Sino nagturo sayo?"

          " Ah.. wala. Nagbabasa ng cookbook tsaka sa internet."

        "Wow. Siguro talent mo na talaga yan. Ang galing naman. Ba't hindi yung related sa cooking na course yung kinuha mo?"

         " Nasabi ko na yung tungkol dyan diba?" Medyo inis na sabi nya.

        "Hah? Kelan?"

        "Ano ba yan.. Ang bata bata mo pa ulyanin ka na. " Eh hindi ko talaga maalala eh.. 

       "Sus. Nung orientation, nung isa-isa tayong nagpakilala."

*Flasback 

        " Hmm..Why did you choose Nursing?" tanong ng prof.

           "Well.. Ayoko po talaga ng Nursing. Pinilit lang po nila ako.. It's the easiest way daw kasi to go abroad. Kaya umoo nalang po ako sakanila." 

*End of Flashback

         "Ahhh... haha. Naalala ko na. tapos sabi mo din na you're single and ready to mingle? bwahahahah"

         "Yung about sa pagkuha ko sa Nursing nakalimutan mo.. pero yung tungkol sa single and mingle na yan di mo nakalimutan. Hahahaha."

         "Eeehh.... syempre.. ano.... ang yabang mo kaya nun! kaya nakakainis! Di ko makalimutan! hahahahahahah! >:D" akala nya huh! 

        "Sus! haha. ang daldal mo rin pala noh."

        "Compliment ba yan o pang-aasar na naman?"

       "Both." sabay tingin at ngiti sa'kin. Ohmeegash... I'm melting.

       "Haha. Ewan ko sa'yo. Teka, parang imposible naman atang single ka.. sa asta mong yan?" 

        "Asta talaga eh noh? haha. Well.. Myca and I just broke up last month".

        "Ah ganun ba. I'm sorry to hear that." Pero alam ko yung tungkol dun. Kung alam nya lang na narinig ko yung tungkol sa pinag usapan nila. hayy... Kaso di ko pwede sabihin.. Baka kung ano isipin nya.

*Flashback*

  Naglalakad ako ng biglang may narinig ako.. Lalake't babae na nag aaway... Kaya napatigil ako bigla. Di ko alam kung ba't ako napatigil. Siguro kasi.. kilala ko yung lalake. Si Clark..

Keeping You (on going series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon