Chapter 27 <3

87 5 2
                                    

Clark’s POV

           Nagsimula na ang party ni Denisse. Masaya ako dahil nakikita ko syang masaya ngayon. Kaya naman hindi ko mapigilang titigan sya. Ang ganda nya talaga. Hayyy.. Ang cute cute nya pa pag naiinis. Kaya ang sarap asarin eh. Haha.

           Napagdesisyunan ko ng aaminin ko na sa kanya na gusto ko sya, na mahal ko sya. Wala akong pakialam kung gusto nya rin ako, basta ang gusto ko lang malaman nya ay yung nararamdaman ko para sakanya. Win or lose na laban to. Aja! Amp. So gay. -_-

           Maya-maya ay tinawag na si Denisse, magpeperform daw sya. Ano kaya ang gagawin nya? Kakanta o sasayaw? Pero lagi naman nyang sinasabi na hindi maganda ang boses nya tsaka parehong kaliwa yung paa nya. Kung ano mang performance ang gagawin nya, papanuorin ko yan. >:D

          Pumunta na sya sa stage at nagulat ako ng pumwesto sya sa may piano. Ibig sabihin marunong syang magpiano? Ba’t wala naman syang nabanggit na marunong syang tumugtog ng kahit anong instruments eh? Well,  sabagay. Hindi naman kami nagtatanong. Tsaka di naman talaga mayabang si Denisse. Sabagay, pareho lang naman kaming hindi mayabang. Haha. Wag na kayo umangal! XD

            At nag-umpisa na syang tumugtog. Hindi pamilyar yung kanta pero mukhang maganda. Habang kumakanta sya nakatingin sya sakin, o kay Ark? Badtrip naman kasi ba’t pa nasa harapan ko pumwesto tong lalaking to, di ko tuloy malaman kung kanino sya nakatingin.. Tss.. Ayoko naman lumipat ng pwesto kasi hindi ko alam kung ililipat nya yung tingin nya kung san ako pumwesto. Baka mamaya lumipat ako tapos kay Ark pala talaga sya nakatingin. Broken ako ng di oras pag nagkataon. Hmp. :|

          Sobrang feel na feel nya yung kanta. Parang may pinaghuhugutan ganun. Ang ganda pala ng boses nya. Akala ko naman tunog lata yung boses nya, grabe kasi nya laitin yung sarili nya eh. Kung di ako nagkakamali, sabi sa kanta, Inlove sya. Pero hindi ko naman alam kung kanino, sa’kin ba o kay Ark? Malabo namang sakin sya inlove kasi hindi naman nya ako type. At sa tingin ko hanggang kaibigan lang tingin nya sa’kin.

          Hawak ko ngayon itong maliit na box na may lamang necklace. Aaminin ko na talaga sakanya na gusto ko sya kahit na anong mangyari. Bago pa matapos yung kinakanta nya, nilagay ko yung box na yun sa upuan nya at may kasama itong card.

                    Please wear this then see me at the seaside.

                                                             -Clark :)

            Yun ang sinulat ko sa card. Sana suotin nya. Gusto ko kasing makita na suot nya yun habang inaamin ko sakanya na gusto ko sya. Wala lang para kasing kikiligin sya sa necklace eh. Well, sana kiligin nga.

            Papunta ako ngayon sa kwarto naming mga lalaki.. Kukunin ko kasi yung bear na binili ko para sakanya. Palabas na sana ako ng kwarto ng biglang dumating si Gail. Ano na naman kaya kailangan ng babaeng to?

             “Para kay Denisse ba yan?” Ang tanong nya sakin. Pakialam nya ba kung para kay Denisse to. Tss.

             “Oo eh. Aaminin ko na sakanyang gusto ko sya.” Ang sabi ko sakanya para tigilan na nya ako.

             “Clark… hindi ka nya gusto.” Nakakainis na to ah. Sino ba sya para pangunahan si Denisse?!

              “Sino ka ba sa tingin mo ha?! Kelan ka pa naging si Denisse?!!” Galit na sabi ko.

              “Si Ark ang gusto nya, hindi ikaw!! Kaya itigil mo na yan Clark.. Ako nalang mahalin mo.. Kasi ako, mahal kita…” Nagulat ako sa sinabi nya.

                 “…”

                Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na nagawa dahil tinakpan nya ang bibig ko gamit ang kanyang halik.

Denisse’ POV

                 Nang nakuha ko yung card na nilagay nya sa upuan ko, sobrang tuwang tuwa ako. Pumunta ako sa seaside pero wala sya dun. Asan na kaya yung lalaking yun? Hindi ko muna sinuot yung necklace kasi ang gusto ko sya yung magsusuot sakin nun. Hehe. Landi ba? >:D Okay lang yan. Minsan lang naman eh. Pagbigyan nyo na. hihi. :D

               Bumalik ako sa party area at nakita ko si Vret. Baka alam nya kung nasan si Clark.

              “Vret.. Nakita mo ba si Clark?” tanong ko.

               “Ah yeah. Pumunta sya sa rest house. He said he’s going to get something in our room.”

                “Ahh okay. Thanks.”

                  Dali-dali akong pumunta ng rest house. Sobrang excited na kong kausapin sya. Magthathank you ako sakanya dahil dito sa binigay nyang necklace. And he’s so sweet.. :’>

                  Pag-akyat ko ng 2nd floor dumiretso ako kung san nandon yung kwarto nila. Pero nagulat ako ng makita kong kasama nya si Gail,

                   ……………………and they are kissing.

                   Halos di ako makagalaw sa mga nakita ko. Gusto kong magalit pero wala naman akong karapatan. Tumakbo nalang ako papalabas ng bahay at pumunta sa seaside. Hindi ko kinaya yung mga nakita ko… Ang sakit.. Ang sakit sakit….Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa hindi ko napansin na malayo na pala ang tinatakbo ko… Gusto kong sumigaw hanggang sa mapaos ako.. Ayoko na… Ganitong ganito yung naramdaman ko nung niloko ako ni Bryle. Akala ko hindi na ko ulit masasaktan ng ganito, pero naulit parin. Bakit ganun? Hindi kami pero nasasaktan ako. Hindi din naman nya sinabing gusto nya ako pero umaasa ako… Ang sakit.. Wala na akong pakialam sa mga nasa paligid ko ngayon. Umiiyak ako habang tumatakbo, at pakiramdam ko ako lang yung tao ngayon sa mundo.

          Sobrang hirap magmahal ng isang kaibigan na ang turing lang sayo ay para lang isang kapatid. Ang hirap magmahal ng palihim. Gusto mong ipagsigawan sa lahat na mahal mo sya pero natatakot kang sabihin nyang “Umayos ka nga. Nagpapatawa ka ba?”. Hindi madaling magtago ng nararamdaman lalo pa’t close kayo sa isa’t isa. May gawin lang syang onti para sayo, nagiging big deal yun kasi umaasa kang magugustuhan ka rin nya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, kaibigan lang naman ako.. Pero bakit ako nasasaktan ng ganito?

Keeping You (on going series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon