Chapter 36 <3

105 3 0
                                    

Denisse’ POV

       “Hoy! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!” Sigaw ni Clark kay Mr. nerd. Hindi ko kasi alam yung name eh..

        Isang libro nalang ang naiwan sa sahig.. at akmang pupulutin ko na to.

       “Ah eh.. S-sorry.” Ang sabi nya sabay alis ko ng kamay ko sa libro. Nagkasabay kasi kami ng pagkuha sa iisang libro kaya nahawakan nya ang kamay ko.

         “S-sige una na ako.. N-nice meeting you.” Ang paalam nya sakin sabay takbo. Natakot siguro sya kay Clark. Hindi ko tuloy natanong yung pangalan nya. Para kasing ang bait nya eh. :)

         Hindi na ko nagsalita kaya ngumiti nalang ako sakanya at kinawayan sya. Y(*,*)

         Lumingon naman ako sa likod ko at hinanap si Clark. Wala sya.  Ang mga kaibigan ko lang na sina Nicole at Princess ang nandito kasama ang boys. San kaya nagpunta yun?

         Dumiretso agad ako sa labas ng gate at hinanap sya. Natanaw ko namang naglalakad sya papunta sa sasakyan nya.

          Loko yun ah. Hindi man lang ako hinintay. Tumakbo ako papunta sakanya.

         “Clark!! Hintayin mo ko!” Sigaw ko sakanya pero hindi nya parin ako nililingon.

        “Clark!” Ayaw talaga lumingon. Yamot na ko. Last na talaga, pag di nya pa ako nilingon, uuwi nalang ako mag-isa.

      “Babe!!!!!!” Grabe. Halos lumuwa ngala-ngala ko sa sobrang lakas ng sigaw ko.

      Finally, lumingon din sya nang may nakakalokong ngiti. Errr.. Kelangan ba talagang babe ang itawag ko sakanya para pansinin ako?? (-_-)

        “Tss.. Yun pala yung magic word ha. Para lingonin mo ko.” Pagtatampo kong sabi at sumakay na sa kotse nya.

        Habang nasa byahe kami, hindi parin sya nagsasalita. Napakamoody talaga nitong taong to. Parang kanina lang sobrang sweet, tapos ngayon sobrang tahimik naman. Hayyy.. Hindi ko na lang din sya kinikibo, baka may PMS kasi. Tss. Lalaking may PMS. Amp. -____-

*Krooo.. *Kroooo

     Nakakabinging katahimikan to abah! >:(

      Pero nagulat nalang ako ng bigla syang magsalita..

     “Ahmm.. Babe..”

      “Hmmm..” Ang tanging sagot ko. Yamot parin ako eh. =_-

      “Kilala mo ba yung nakabangga sayo kanina?”

      “Ha? Alin? Yung guy kanina na may pagkanerdy look?”

      “Yup.”

     “Hindi ah. Ngayon ko nga lang nakita yun eh. Bakit mo naman nasabi?”

    “Ah.. Para kasing matagal mo na syang kilala eh. May pahawak-hawak pa sya sayo ng kamay.. Tapos kumaway-kaway ka pa sakanya nung umalis sya.”

      “Yun ba.. Nagkataon lang yun na pupulutin naming pareho yung isang libro.. Kaya nahawakan nya yung kamay ko.. Tsaka yung…. Teka..” At humarap ako sa kanya at tiningnan sya habang nagdadrive..

      “Oh bakit ganyan ka makatingin? Nagwagwapuhan ka na naman sakin noh!” Tapos tumawa sya.

     “Umamin ka nga! Nagseselos ka ba dun kay Mr. Nerd?” Sinabi ko yun ng tinititigan talaga sya habang hinihintay ang isasagot nya.

Keeping You (on going series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon