Chapter 3 <3

198 10 1
                                    

                Comment naman po kayo pleaseeeeeee... :(( Para malaman ko kung gusto nyo ba yung story... Salamat. Hmm.. Click the orange button <--------which is VOTE kung gusto nyo yung chapter na to.. geh. :( Enjoy....

Denisse' POV

             "Babe..  Flowers for you..."   eehh.. Ba't ba ang gwapo gwapo ng lalaking to? :)) Di ako makapaniwala na kasama ko sya ngayon.. Inaabangan kasi namin ni Clark yung sunset habang nakaupo sa seaside. Nakwento ko kasi sakanya na favorite spot ko to and it's the most romantic place for me.

            "Thanks Babe!" Sabay halik ko sa kanya sa pisngi..

              "Babe.. may aaminin ako sa'yo."

              "Uhmm.. sige. Ano naman yun?"

               " Naalala mo ba nung nagkabunggo tayo sa hagdan.. Hindi ko alam pero.. para sakin ang cute cute mo nun."

                "Haha.. Ewan ko sayo! Nainis kaya ako nun sa'yo! Bigyan mo ba daw ako ng 50 pesos pang laundry??"

                "Yun nga eh! haha. Ang cute cute mo kapag naiinis ka.. :)"

              "  >//<    *_*  " -------wala akong nasabi... At hindi ko alam isasagot sa sinabi nya.... Nagbablush na naman ako.. hayyy.. >//< 

                "Oh.. Ba't tumahimik ka dyan? Namumula ka pa!" Tapos sabay tawa.. hayyssstt.. eehh kasi eh.. Grabey lang pagkasweet ng babe ko! Nang asar pa.

                " IKaw kasi eh."

              "Kaya mahal kita eh!" Tapos nginitian nya ako.. Kyaaahhhh!! Feeling ko red na red na face ko. Amp.

                " Ayan ka naman .. Ba't ba ang sweet mo?"  Ang sabi ko sabay talikod sa sobrang hiya. >.<

               "Hahahaha.. Ikaw talaga babe. Tingin ka nga dito". Sabay hawak sa chin ko then hinarap sa kanya. " You know what. You're the one who makes me happy. And I don't want to lose you... Gagawin ko ang lahat para di kita masaktan." And he gave me his sweetest smile.. OHMEEGASHHH.. I wanna die. I'm melting..phew.  "I love you Babe". At tinapat nya yung mukha nya sakin... Ang lapit na... At parang gusto nya akong.........................................................................

               "BLAAAGGG!!!!!!!!!!" nahulog ako sa kama

               "AAARRRRAAAYYYY!!!! "

             "Ate! 15 minutes na kitang ginigising!  Ginawa ko na lahat para magising ka eh! Ayaw mo talaga magising kaya hinulog nalang kita sa kama."  Salbaheng kapatid to..

             "BADTRIIIIIIIIPPPPP KA TALAGA! ERRRRRR!!!!!!! AYUN NA EH! YUN NA YUN! MALAPIT NA!!!!!!"  Opo. Tama. Panaginip lang ang lahat. Eehh... Ba't ba ko nadisappoint? Buti nga panaginip lang lahat eh. At least di totoo yung panaginip ko... Ayoko kaya kay Clark. Babaero!! Grr...

              " Hahahaha. Siguro..... Ang ganda ng panaginip mo! :D Lalake yun noh!!? "

             " Ewan ko sa'yo Trixie!! Bumaba ka na nga! Gising na ko!" Naiinis na sabi ko sa kapatid ko.. Habang hawak ko ang likod ko..

             "Sungit naman nito! Palibhasa.. naputol lang yung panaginip eh! hahaha. :P..... Kain ka na ate.. Pumasok na si Mom and Dad. Si Nanay Deng lang ang nasa baba."

Keeping You (on going series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon