Chapter 43 <3

93 2 1
                                    

Chapter 43 <3

Princess’ POV

         “I also think so.. Naku buti nalang wala akong lovelife.. Walang sakit sa ulo.” Ang sabi ni Nicole habang tumatawa pa. Wala ako sa mood makipagbiruan ngayon kaya nauna nalang ako maglakad.

         Gusto ko munang mapag-isa.

         Dumiretso ako sa cafeteria at kumain ng lunch.

      Medyo kanina pa ako dito pero wala paring Nicole at Denisse na sumunod dito. San kaya nagpunta yung dalawang yun? 2hours pa ang natitirang vacant time bago mag next subject,hayyy… hindi ko tuloy alam kung san ako tatambay.

      Habang naglalakad, bigla ko syang nakasalubong. Si Keith. Ba’t kaya hindi sya pumasok kanina? Ayst. Dapat wala akong pakialam sa kanya eh. Pagkatapos ng ginawa nya.

        Hindi ko alam ang irereact ko ngayong nandito na sya sa harap ko.

         “Ke------“

          Tatawagin ko na sana sya pero hindi nya ako pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

         Bigla na namang may kung ano akong naramdaman sa puso ko kaya biglang sumakit. Bakit ganyan sya? Dapat nga ako yung magalit sakanya eh. Sana sinabi nya nalang sakin yung totoo, hindi yung niloko nya lang ako.

        Ayoko munang pumasok sa next subject. Wala rin ako sa mood makinig ng lecture sa NSTP 2. Kaya nagdecide nalang akong umuwi sa bahay.

      Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Pagkahigang pagkahiga ko sa kama, dun ako napaiyak ng sobra.

       Ang sakit sakit.. Bakit nagawa nya akong lokohin? Wala naman akong ginawang masama sakanya ah.. Masama na ba yung mahalin sya?

     Nung makasalubong ko sya kanina, feeling ko babagsak na yung luha sa mga mata ko. Buti nalang napigilan ko agad. Hindi ko parin nakakalimutan yung mga nangyari at malinaw na malinaw parin sakin ang lahat.

*Flashback

    Busyng-busy ako ngayon sa paggawa ng puto. Syempre! Request to ng aking loves na si Keith. :’>

 Favorite nya daw kasi to.

 Hindi lang to basta puto na parang nabibili dyan sa tabi-tabi, nilagyan ko to ng cheese sa loob pati narin sa ibabaw. Wiheee! ;”)

Ginawa ko to para sakanya at para narin sakin syempre. XD Mahilig kasing gumawa ng puto si Mama tuwing may occasion dito sa bahay kaya since tumutulong din ako sakanya, natuto narin akong gumawa nito.

Hey, I just met you..

And this is crazy..

But here’s my number..

So call me maybe..

     Naku.. Sino naman kaya tong isturbong to?!

          Calling…

    Keithmyloves

Joke lang! Hindi sya isturbo! :D Ito talaga tong loves kong to oh.. Namiss agad ako, eh kakakita lang namin kanina. Pero miss ko narin naman sya eh. Hihi..

“Hello?”

[..........]

Arghh.. Ba’t walang nagsasalita?!! Base sa ingay na naririnig ko mukhang nasa bar to. Ang sabi nya sa hindi sya gagala ah. :|

Keeping You (on going series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon