Chapter 37 <3

113 4 1
                                    

Denisse’ POV

        June 18, 20** monthsary namin ngayon. At yes.. Isang buwan na ang nakalipas simula ng sinagot ko si Clark. Unang araw din ngayon ng 2nd year 1st semester namin..Excited akong pumasok kasi makikita ko na naman ang babe ko.. Isang linggo na kasi kaming di nagkikita. Busy daw kasi sya dahil nga sa banda nila. At may gig sila palagi sa isang bar.. Regular na nga rin sila doon kasi dumami ang customer ng bar na yun simula ng dumating ang banda nila. Hindi rin naman kataka-taka kasi gwapo naman talaga silang lahat pero syempre ang babe ko ang pinakagwapo. *o* hihi. “SHOCKWAVES” ang pangalan ng banda nila. Kung san nila kinuha ang pangalang yun? I don’t have any freaking idea.

       Si Keith ang bassist ng banda/backing vocalist, si Shin naman ang drummer/backing vocalist, si Vret ang lead vocalist/lead guitarist, at syempre si Clark ang leader, main vocalist at rhythm guitarist. (--.) Hihi. Pero.. Hindi pa ako nakapanood ng gig nila ni minsan. TT__TT Sabi kasi ni Clark, wag daw muna akong manood kasi di pa sya handang makita ko syang tumugtog at kumanta. Ang arte diba? Tsk.Pero wala naman akong magagawa kasi hindi ko rin naman alam kung san yung bar na yun.

      Since monthsary namin ngayon, nagbake ako ng mocha cake na may nakalagay na HAPPY 1st MONTHSARY BABE <3..  Nag-aral talaga akong magbake kahit na palpak yung gawa ko nung mga nakaraan. Pero hindi talaga ako tumigil. :3

       Nakita ko namang may nagtext sakin.

From: Babe <3

         Babe, hindi muna kita masusundo ngayon ah. Sige. Ingat ka.

         Waaahhhh!! Bakit ang cold ng babe ko? Huhuhu.. TT___TT Ano bang nagawa ko at ganyan sya?? Hayy.. Mukhang nakalimutan nya pa 1st monthsary namin. Nakakaiyak naman to.Sobrang espesyal ng araw na to para sakin, tapos sakanya.. parang wala lang? Huhu. Nakakatampo. Pero kelangan ko syang intindihin..

           Kaya nagreply ako sakanya.

To: Babe <3

         Okay lang babe. ^-^ Sige2. See you sa school. I love you! :*

           Nagbihis na ako agad at nagpahatid nalang ako kay Manong John.

           Pagkadating ko sa room, medyo marami na ang tao. Nakita ko naman agad si Princess at Nicole kaya naman tumabi ako agad sakanila. Tinago ko naman yung cake at nilagay sa gilid tapos tinakpan ng payong para hindi kaagad makita ni Clark pagdating nya.

         Nagulat naman ako ng may tumabi sa’ming dalawang babae.

         “Hi.. Ako ngapala si Nathania, thania for short.” Tapos ngumiti sya samin.

         “Hello.. I’m Denisse .. Ito naman sila Princess at Nicole.” Nag-hi din naman si Nicole at Princess sakanya.

        “Ow. By the way.. ito ngapala si ate Mae..”

       “Hi ate Mae. Teka, why ate?” Tanong ko.

       “22 na kasi sya kaya ate tawag ko sakanya.”

      “Ahh ganun ba. Nice meeting you ate.” At ngumiti naman ako..

         Ngumiti din naman sya sa amin. Mukhang mahiyain sya. Nakakatuwa naman tong si Thania at talaga namang sobrang friendly nya, very approachable pa. Kaya naman gumaan agad loob namin sakanya. Nagkwentuhan naman kami at sobrang daldal din pala nya pati narin si Ate mae..

Keeping You (on going series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon