MATAPOS mai-announce ang mga nanalo sa contests at kumalma ang mga participants at audience, nagpaalam na kami para umuwi. Bukas bago magtanghali kasi ang balik ni Papa sa Mindanao, and God knows when he will get another vacation be approved. Naintindihan naman ni Aris at mga kaibigan namin dahil alam nilang bihira lang namin makasama si Papa.
Sumama si Aris hanggang sa labas ng campus dahil doon p-in-ark ni Papa yung kotseng binili nya para sa akin. Wala pa kasi itong sticker at medyo puno ang parking sa loob.
"Mag-dinner po muna kaya tayo dyan sa KFC? Medyo late na po eh, para di na kayo magluto sa bahay," sabi ni Aris.
"Di ba may tugtog pa kayo?"sabi ni Papa.
"Makakabalik naman po ako agad. Last naman po kami, Tito Ernie."
Bago pa makasagot si Papa, hangos na dumating si Erol. "Bro, wala si Maddie!"
"Paanong wala?" sabi ni Aris.
"Nakita ni Jeff sa parking lot kanina. Sumakay sa kotse nya at lumabas ng campus. Tinawag nya nga pero di man lang daw sya nilingon. Tinatawagan namin sa cp nya, di rin sinasagot," imporma nito.
Parang alam ko kung bakit. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Pero mas malamang ang inis. How can she be so unprofessional? Anong mangyayari mamya sa Silent Scream? Kukulangin sila sa kanta kung si Mike lang lahat ang sa vocals.
"Aris!" Eto na si Mike at si Jeff na tumatakbo palapit sa amin.
"Nasabi ko na," si Erol. "'Ris, try mo kayang tawagan."
"Eto na nga. Ring lang ng ring," sabi ni Aris.
"Paano tayo mamaya?" sabi ni Jeff.
"Baka may pinuntahan lang saglit. Babalik din yun," pampalakas ko ng loob sa kanila pero, ako mismo, di diskumpyado sa sinabi ko.
"Sino ba yung nawawalang yan?" tanong ni Papa sa grupo.
"Yun pong babae naming bokalista," si Mike ang sumagot.
"E, ayan oh," sabay turo sa akin ni Papa."Di ba pinayagan ko na yan?"
Nagliwanag ang mukha nung tatlo. Si Aris, nalipat ang tingin sa akin mula sa cellphone nya.
"Pa, di ako nakapag-practice kasama sila," tanggi ko. Tsaka baka bumalik si Maddie. Kung ano pa isipin nun. Di pa naman ako officially member ng banda nila.
"Akala ko ba panghuli sila sa tutugtog. E di mag-practice na kayo. Kayang-kaya mo yan. Sanay ka tumingin ng piyesa at marami kang alam na kanta. Anong pinoproblema mo? Tiwala lang, anak," Tatay ko nga sya. Grabe ang vote of confidence sa akin eh.
"Sige na, Andie. Nasa akin yung tablature ni Maddie. May markings na iyon." Si Erol.
Napatingin ako kay Aris. Hopeful ang mga mata nya.
"Go na, Ate. Alam ko namang excited ka. Wala ka namang pasok bukas," buyo ni Juno. Natawa si Papa at Mama.
"Basta ihahatid ka ni Aris pauwi. Malamang aabutin nang kung anong oras ang party concert." sabi ni Mama.
"Asahan nyo po," si Aris. Teka, pumayag na ba ako?
Wala akong nagawa nung magpaalam na sina Mama. Hinabol ko lang sila para humalik sa pisngi nila ni Papa, " Thanks, Pa, Ma. Ingat po sa byahe."
Pagbalik ko kina Aris, inakbayan nya ako at naglakad na kami pabalik sa loob, " Erol, pakuha nung tabs ni Maddie. Kunin ko na lang acoustic ko sa kotse. Meet tayo sa MP hall. Practice tayo dun kahit sandali."
"Sabay na ko sa 'yo, 'Rol. Kunin ko yung cajon ko," si Jeff.
Nakapag-practice naman kami kahit isang run lang, nang mga kantang para kay Maddie sana. Maayos naman ang kinalabasan kahit sa duet namin ni Mike.
BINABASA MO ANG
Claiming Andromeda #B1
General Fiction***LOSE THE TRUST... LOSE THE HEART!*** Kung ikaw si Andromeda, will you still wait for your 'prince' who seems to take his time, or stay beside your 'knight' who never left you?