Andie's POV
After that settlement with Art Cena, nauna na kaming lumabas ng conference room. Nagulat ako na nakakumpol yung mg empleyado sa isang table.
"Mommy plays the piano, tapos daddy and she sing together. They sing my Rapunzel song!Tapos they sing many song lalo po si mommy ko." si Hope.
"Ang sweet naman. Mahilig pala talaga sila sa music," may narinig akong nagkomento na tila kinikilg.
"You see ba, ano,baby... nagki-kiss ba si mommy and daddy?" may babaeng nagtanong. Nanlaki ang mata ko. Pinigilan ako ni Reid na mag-react. Tumayo lang kami sa may malapit at nakinig. Natatawa-tawa lang siya at tila naaaliw sa naririnig.
"Hoy, ikaw kung anu-ano tinatanong mo sa bata!" saway ng isang empleyado. May mga nagtawanan.
"Ang daldal eh. Nakakatuwang kausap," sagot naman nito.
"Opo, first time Daddy visit me tas si mommy. Daddy got many flowers for mommy and me tapos they kiss po sa door po namin. Di ba, mommy lang iki-kiss ng daddy? Kaya I know sya po daddy ko." inosenteng sabi nito.
Hindi ko inaasahan na ganito kadaldal ang anak ko. Hindi nito kinalakhan na maraming taong kasalamuha. Nakakahiya, nagkukwento sya tungkol sa amin ni Reid!
"Ay totoo yan!" Sagot pa ng isang empleyada. Tapos tumingin ito sa mga empleyadong lalaki doon, "Ayan, buti pa ang bata, alam ang tama. Kayong mga lalaki kayo, hindi!"Nagtawanan ang mga empleyado.
May empleyadong nagawi ang tingin sa amin, tapos siniko yung katabi. Naglingunan sila at natahimik.
"Ay Sir," si Myra. "Naku," napakamot ito sa noo. "Kayo kasi!" sisi pa sa mga empleyado doon. Nagmamadali ang mga ito bumalik sa mga desks nila. Yung ilang department heads at managers lang ang naiwan.
"Dadddyyyyy!" sigaw ni Hope na tumatakbo palapit kay Reid. May hawak itong mansanas na may kagat na.
"Baby, don't run," sabi ni Reid na sinalubong ito ng yakap tapos kinarga.
Minsan, gusto ko nang magselos. Parang mas mahal na ni Hope si Reid.
"Kagandang bata. Ang bibo pa," komento ng head ng HR. "Naku, eh, kilay at baba mo lang ang nakuha, Mr. Schulz. Gawa na ng kasunod, yung gray eyes naman." Tukso nito sa amin.
Namanhid yata ang mukha ko sa hiya. Anong kasunod? Ano bang gray eyes? Parang umoorder lang ng pets sa Cartimar ito kung magsalita.
Inakbayan ako ni Reid, "I'm having a great deal convincing this woman to wear my ring," hinapit ako nito then kissed me on the temple.
"Aaayiiiee!!!" may mga kantyawan galing sa mga nakikinig ng empleyado.
"Oh, bakit naman, iha? Para mabuo na ang pamilya nyo," sabi ni Mr. Caronan, ang finance manager.
"Ah, eh..." Ano bang sasabihin ko?
Mabuti na lamang at lumabas na ng conference room sina Mr. Cena, Art at ang dalawang abogado kaya natigil kami sa pag-uusap.
"Mine, doon muna tayo sa office ko," sabi ni Reid. Iniiwas talaga ako ni Reid sa mga awkward na sitwasyon.
Sumunod rin sa amin si Myra. Pagdating sa opisina ni Reid, inayos ko ang mga folders na naroroon.
"Mine, stop that. You're on leave. You're not suppose to work," saway ni Reid.
Itinigil ko na lang at inasikaso si Hope. Habang sinasabi ni Myra ang mga notes at messages para kay Reid, pinagmasdan ko ito at si Hope.
Oo nga, ngayon ko lang napansin, kung hindi pa sinabi ng HR head namin.
Magkapareho nga sila ng baba at kilay.Kaya siguro madali para sa kanilang isipin na anak ni Reid si Hope.
BINABASA MO ANG
Claiming Andromeda #B1
General Fiction***LOSE THE TRUST... LOSE THE HEART!*** Kung ikaw si Andromeda, will you still wait for your 'prince' who seems to take his time, or stay beside your 'knight' who never left you?