43 Half

1.1K 31 0
                                    

Kahit madaling-araw na ako nakatulog, magaan pa rin ang pakiramdam ko paggising. Lumabas ako ng kuwarto nang nakaligo at bihis na. Nakaluto na si Juno at kumakain na sila ni Hope.

Hindi ko na pinatulan ang ngiti ng kapatid ko na pang-asar habang nakatingin sa helmet na nilapag ko sa sofa, kasama ng bag ko.

Ewan ko, feel ko lang bitbitin yung helmet. Iiwan ko rin naman sa kotse. Ako na ang naghatid kay Hope kina Ate Leleng dahil mauuna akong umalis. Mamaya pang alas diyes ang pasok ni Juno.

One traffic light away from Casa Alicia nang makatanggap ako ng text message galing kay Vina.


(Gud am! Daan ka reception. May item na in-endorse sa akin para sa iyo)


Galing sa basement 2, naghagdan na lang ako papunta sa reception area. Ngiting-ngiti si Vina sa akin paglapit ko.

"Nasaan yung sinasabi mo?" tanong ko. Iniisip ko kasi kung may inaasahan ba akong mga documents galing sa main or branches,pero wala naman.

"Ito oh," sabi ni Vina na inabot sa akin ang isang bouquet ng wildflowers in a white china vase. Nahigit ko ang hininga ko. Kahit hindi ako magtanong or basahin ang card na naroroon, alam ko kung kanino ito galing.

"Ikaw ha, may tinatago ka na namang admirer," tukso nito sa akin.

Kinuha ko iyon at binasa ang card.


(I included the vase. Use your pitcher again :) -- Half)


"Uuyyy, ang lapad ng ngiti ah. Kanino galing yan?" tukso ni Vina. 

Pag si Sir Art kasi, pinapadala niya ito sa isang restaurant staff sa mismong opisina namin sa admin floor. At consistent sya sa isang long stemmed rose.

Inirapan ko lang ito pero di maalis-alis ang ngiti sa labi ko.

"Ikaw nagsisikreto ka na sa akin ha," tila may tampo sa tinig nito.

"Wag ka nga, Vina. Magkukwento ako one of these days. Promise!" sabi ko.

Pagtalikod ko kay Vina, nahagip ng mata ko si Sir Art na papasok ng hotel lobby galing sa side entrance from the resto.

Halata ang dilim ng mukha nito. Tinanguan ko na lang ito at naglakad na papunta sa elevator. Kailan kaya nya maiinttindihan na hindi kami pwede? Ilang beses ko na namang sinabi sa kanya iyon, noon pa. Kinakabahan tuloy ako na di ko mawari.

Binati ako ng mga nadaanan kong mga staff ng admin at management team. Pagpasok sa office ni Reid, Madali akong naglinis ng mga table doon. Ipinatong ko yung vase ng bulaklak sa filing cabinet sa gilid ng work area ko.

Nagbabasa na ako ng mga emails nung pumasok si Reid. Nag-angat lang ako ng tingin.

"Good morning," bati nya.

"'Morning, Sir!"

I heard him smirk. "Sir? Tsk!" he muttered.

Umupo na ito sa mesa nya. 

"Nice flowers!" bati nito. Lalo tuloy akong walang masabi.

"You're welcome, by the way." Dugtong pa nito. 

Nag-init ang mukha ko. Inirapan ko. 

Tumawa lang ang damuho. "Suplada!"

Hindi pa rin ako nagkomento. Naging smooth ang takbo ng umaga namin kahit maraming inaasikaso.

Claiming Andromeda #B1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon