34 Narra

1K 29 0
                                    

Nakakatuwa talagang tingnan ang mukha ni Andie na nagbabago ang expression. Mula sa panlalaki ng mata at pagbuka ng bibig, nanliit ito tapos madiing pinaglapat ang mga labi. Wala yatang nakaalam dito na magaling siya sa larangan ng musika.

"Common, Andie! I shaved for you as promised! Play some music for us." Pangungulit ko rito dahil di ito tuminag sa upuan nya.

"Uuuyy," may umibabaw na tuksuhan, "Sir, iba na yan ha! Kanina pa kayo sa canteen!"

Namula si Andie. Nakita kong tinagtag ito ni Vina sa braso na tila pinatatayo. Ngumuso lang si Andie.

"I'll bet my car to anyone who could bring that lady here in front and do what I requested," nakangisi kong sabi.

Nagtawanan ang lahat nang marami ang tumayo papunta kay Andie pero nauna na si Vina at yung bellboy na katabi nito. Hinawakan si Andie sa braso.

"Andie, tayo! Kailangan ko ng pera at tatlo ang anak ko," sabi nung bellboy. Naghagalpakan ng tawa ang mga empleyado.

"Tara na, hahatian ka namin!"Birong sabi ni Vina, "Kailangan mo rin yun para kay...."

Hindi ko na narinig ang ibang sinabi nito dahil lalong nagtawanan ang mga nandoon. Kailangan ng pera para kanino? May sakit ba yung kapatid nya?

"Wala, naunahan na tayo ng mga bestfriends!"reklamo ng isang lalaki.

Tumayo na nga si Andie pero pinaningkitan ako ng mata habang papalapit sa stage.

"How did you know?" Gigil bulong nito sa akin nung igiya ko sya sa piano.

Di ko sya sinagot, "Huwag mo ko ipapahiya, ha," sa halip ay bulong ko sa kanya.

"And what would I get from this?" Nakasimangot nyang bulong.

"You get to keep your job, I guess?"

Inirapan ako nito."That's not fair!" She hissed.

"Patay tayo dyan. Nagbubulungan na!"sigaw galing sa likod. Nagkaroon na naman ng tuksuhan.

Lalong namula si Andie. Napangiti naman ako ng malapad. Ewan ko pero tama ba na kiligin ang isang malaking lalaki katulad ko?

"Uy, kinikilig si Sir Reid," kantiyaw ng head ng customer service team na supervisor nina Andie.

"Knock it off, baka lalong di makatugtog si Andie. Mapapahiya ako," sabi ko na lang.

"Sir,gaano ka kasigurado na marunong nga?" It was coming from that receptionist named Trish. Parang may disgusto sa tanong nya.

I saw Andie tried to hide a smirk as she raised her eyebrows. Oh, now, she was challenged! I'm beginning to like this!

"Why, you want to bet on it?" Birong totoo ko kay Trish.

"Call. One month salary ko!" mayabang na sagot nito.

"I'll put my bet on Andie!" Sigaw galing sa gilid. Si Art! Nagkaroon ng tuksuhan. Humakbang ako papunta sa gilid ng piano at para maitago ang pagsimangot ko. Epal talaga itong si Art. Teka, nakikipagkumpetensya ba ako?

Tinapik ko sa balikat si Andie na nakaupo na sa harap ng baby grand piano at binuksan na ito.

"I'm telling you,lady," sabi ko dun sa Trish, "You better start thinking how to budget your money for the next month," kinindatan ko ito to lighten up the mood.

Naghiwayan ang mga nandoon. Pero kagyat ring natahimik nang magsimula nang mag-piano si Andie. Nanatili ako sa gilid ng piano at inayos ang mic sa ibabaw niyon.

Ngumiti sya ng bahagya sa akin.

"This was my parents' theme song," Andie said while playing the intro.

Claiming Andromeda #B1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon