27 Cellphone

1.1K 34 2
                                    

We had a great day when Sunday came. As promised, Aris came around five in the afternoon so we could attend the six pm mass with Juno. After that, nagyaya akong sa labas na kami mag-dinner para hindi na magluluto. May gig kasi kami ng nine ng gabi. But Aris insisted to just call for delivery sa bahay. It was fine with me para makapaghanda na rin ako para sa gig namin. Matapos mag-dinner, nagpahinga lang ako sandali bago pumunta sa Hang Out. Aris drove me there, kaya maaga akong nakarating, though naroon na sina Milo at Tom.

Monday was Juno's birthday when I handed her my gift. She was ecstatic pagbukas niyon.

"Thanks, Ate. You're the best! Paano mo nalaman?"

"Basta!" pamisteryoso kong sagot.

May schedule kaming practice mula Monday hanggang Thursday that week tuwing gabi. Practice ng mga bagong kanta para maraming pondo sa mga requests.

Sa umaga naman, naghahanap ako ng bar or hotel na pwede akong mag-OJT, tulad ng Miyerkules na iyon. Pinuntahan ko na lang yung hotel kasi ang hirap mahagilap thru phone yung admin officer nila na in-charge sa pagtanggap ng mga mag-o-OJT.

Saktong patanghali na nung matapos ako sa interview at pinalad na matanggap para doon mag-OJT sa restaurant ng nasabing hotel. The manager in-charge even toured me in the restaurant. I was outside the hotel entrance sa tapat ng drop off bay when a familiar grey sports car stopped pero nawala ang atensyon ko doon dahil nag-ring ang phone ko. Tumabi muna ako bago sinagot ang tawag.

"Bes," si Sarah. "O paano? See you sa pasukan. Dun ko na lang ibibigay ang pasalubong ko," sabi nito na halata ang excitement sa boses.

Ngayon na kasi ang alis nila papuntang Bahamas ni Tita Alice. Si Sam at Rika, nung Monday pa nakaalis. Babalik na lang ang mga ito sa pasukan. Wala naman kasing mga problema ito sa pag-e-enrol dahil may mga gagawa na ng mga iyon para sa kanila. Perks of being a rich kid!

"Gusto ko, perlas na nasa kabibe," biro ko. Habang inaayos ang manggas ng suot kong blazer. Nag-corporate attire ako para professional ang dating.

"Try natin. Gusto mo hawak pa ng sirena," humalakhak ito.

"O siya, o siya. Mag-iingat kayo ni Tita at mag-enjoy. Oo nga pala. Meron na ako para sa OJT 2 natin. Andito pa nga ako sa labas ng hotel."

"Very good. O sige na! Bye, Bes. Mami-miss kita! Mwah!" yun lang at nawala na ito sa linya.

Saktong pag-angat ko ng ulo, may tatlong mamahaling sasakyan na huminto sa drop off bay. Isa doon ang BMW na kilalang-kilala ko kung sino ang may-ari.

Humakbang ako palapit pero napahinto midway dahil umibis na si Aris mula roon at nagmamadaling binuksan ang pinto ng shotgun seat. Then emerged...Maddie na nakangiti ng malapad kay Aris. Si Aris naman ay tipid na ngiti lamang ang isinukli rito. Ihinagis ni Aris ang susi ng kotse nya sa valet at tumayo sila ni Maddie sa drop off na tila may hinihintay. Kumapit si Maddie sa braso nya na simpleng pinalis ni Aris pero di bumitaw si Maddie.

Natulala akong nakatingin lang sa kanila. Sunud-sunod ang paghinga ko. Para akong nagha-hyper ventilate. May dalawang pares ng may-edad na mag-asawa ang lumapit sa kanila na galing sa kasunod nilang sasakyan. Saka sila sabay-sabay na humarap sa entrance kung saan ako nakatayo na ngayon.

Nagkulay suka ang mukha ni Aris at nagulat si Maddie. Samantalang andun ang pagtataka ng apat nilang kasama kung bakit sila napahinto.

Ang mommy ni Aris ang unang pumansin sa akin.

"Ah, iha..." may pag-aalinlangan sa boses niya. Hindi ko alam kung para asan.

"Good afternoon po, Ma'am, Sir," magalang kong sabi sabay tingin sa mga magulang ni Aris at sa palagay ko, parents ni Maddie yung dalawa pa.

Claiming Andromeda #B1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon