Kanina pa ako iniiwasan ni Andz. Actually kahapon pa!
Sumabay nga syang umuwi nang maaga kahapon kay Sarah at di ako hinintay. Buti na lang, nalaman kong nagpasundo lang sa driver si Sarah at di sasakyan ni Bong ang gamit nila. Di rin sinasagot yung text at tawag ko kagabi. Nung tumawag ako sa landline nila, sabi ni Juno, tulog na. Nag-text pa rin ako sa kanya kagabi na sabay na kaming pumunta sa school ngayon dahil alam kong marami syang bitbitin.
Pagdating ko kaninang umaga sa kanila, nakaalis na sya. Inasar nga ako ni Tito Ernie kasi mukhang galit daw sa akin yung panganay nya.
Hinanap ko agad si Andz pagdating sa school at nakita ko sya sa hallway near the AVR. Mukhang kalalabas nya lang dun pero bigla syang bumalik sa loob.
Nahiya naman akong pumasok at kunwari ay makiusyoso dahil busy silang lahat kasama ang dance troupe sa final touches ng costumes at props nila para sa presentation mamayang gabi. Umalis na lang ako at nagpunta sa soccer field. Pinanood ko na lang yung mga nagde-decorate at nagsa-sound check sa stage.
Tsk! Ang aga pa. Wala pang lunch time. Wala pa rin yung tatlong itlog.
"Hi, Aris!"
Bati sa akin nung isang babae sabay kaway at ngiti.
Tinanguan ko lang. Maya-maya, meron na namang bumati, tatlo naman. Di ko mga kilala pero pamilyar ang mukha.
Tss, mga istorbo sa pagmumukmok ko.
Tumunog ang message alert ko. Nagmamadali kong binunot ang cp ko sa bulsa. Baka si Andz na ito.
Bro, asan ka na?
Tsk! Si Erol pala.
Tinawagan ko na lang. Wala ako sa mood mag-text.
"Sa soccer field, malapit sa stage, side ng kiosk," agad kong sabi right after he picked the call.
"Dito lang kami ni Jeff sa kabilang side. Pinapark lang nya yung van malapit sa stage para sa drum set nya. On the way na raw si Mike."
"Puntahan nyo na lang ako dito. Ayokong tumawid sa field. Daming asungot na booth marshals," sabi ko.
Pinindot ko na yung end call nang di hinihintay sagot ni Erol. Sorry naman, sobrang badtrip lang ako.
For two years na magkakilala kami, ngayon lang nagtampo nang ganito katindi sa akin si Andz. Natuturete ako.
Napangisi ako ng mapakla. Sakto pa sa isang tutugtugin namin mamayang gabi sa Valentine's event.
Paano ko ba aamuhin yun?
Mag-ikot kaya ako sa mga booth dito at maghanap nang mabibili? Yung alam kong magugustuhan nya?
Bigyan ko kaya ng flowers, tutal Valentine's?
Tss, I dismissed the idea. Ang baduy nun!
Tsk, ang totoo, natatakot ako sa magiging reaksyon nya kapag binigyan ko sya ng bulaklak. Di pa ako ready magtapat.
Tama, puntahan ko na lang uli si Andz maya-maya at yayaing mag-lunch para makapag-usap kami. Yung kunwari kaswal lang at walang nangyari kahapon.
"Hello po."
Napalingon ako sa kanan ko. Babae na naman pero mukhang nene pa. Tapos may hawak na isang bulaklak.
Tss!
"Bawal magcross-over ang taga-higschool department dito ngayon ah. May sarili kayong event sa kabila, di ba?" sita ko.
"Freshman po ako ng Tourism," sagot nya tapos inabot sa akin yung white rose. "Galing po sa flower delivery booth namin. May nagpapabigay po. Ikaw si Aris Kho, di ba?"
BINABASA MO ANG
Claiming Andromeda #B1
Ficción General***LOSE THE TRUST... LOSE THE HEART!*** Kung ikaw si Andromeda, will you still wait for your 'prince' who seems to take his time, or stay beside your 'knight' who never left you?