Reid's POV
Pagdilat na pagdilat ko ng umagang iyon, tiningnan ko kaagad ang oras. It's past nine. Nagmamadali kong hinagilap ang phone at nag-dial.
"Mica's Flower Shop, good morning!" Bati nung sumagot.
"Yes, this is Reid Schulz," bungad ko.
"Ah, Sir Reid! May bago po kaming arrangement para sa inyo. Kakatapos lang po gawin. Send ko po yung picture sa sa inyo para ma-check nyo," sabi agad nito. Sa apat na araw na pagkuha ko dito, kilala na ako ng staff."Wait lang po."
"Ah, good."Nag- alert agad ang phone ko sa picture message na natanggap. "Yes, ito na. Nakuha ko na. I'll get it."
"Sa Casa Alicia pa rin po?"
"No, I'll pick it up later in the afternoon."
"Sige po."
Sosorpresahin ko si Drew. I'll visit her at her place. Sabi naman nya, sa bahay lang sila ng Sabado. Tuwing Linggo sila namamasyal ng hapon after going to church.
Naiinip na kasi ako. If she won't initiate that I meet Hope, then I'll do it. I want to know her daughter more. Palagi kasing limitado ang kwento nito sa anak. Tungkol lagi sa paglalaro, paboritong laruan at palabas sa tv. Hindi pa rin nag-oopen up si Drew tungkol sa tatay ng bata. Hindi ba hinahanap ng bata si Aris? Gaano ba katindi ang ginawa ni Aris for Drew to be so mum about the issue? Nauumpisahan kong magkaroon ng matinding galit sa lalaki sa pagdudulot ng ganoong sakit kay Drew.
If he or his family does not want Hope, then I am willing to take her as my own. Advantage sa akin yun. Lalo na kung hindi nya alam na meron silang Hope ni Drew.
Yes, I will claim Drew and Hope as mine. Nitong mga nakaraang mga araw, I already came to a realization. Both of us do not need to talk about how we feel for eac other. Sa mga paglabas namin tuwing gabi sakay ng motor ko, kuntento kami na magkasama kahit walang pag-uusap. Ni hindi kami nag-uungkatan ng nakaraan. I understand her completely. She's been from a very bad heartache and was healing her wound on her own alone in Palawan. I know, I am a big part on that healing progress. I can read it in the way she looks and acts towards me. And I know she can also feel what I feel towards her. Andun na kami at kahit ang mga empleyado sa Casa Alicia ganoon na rin ang iniisip. Wala lang sa kanila ang malakas ang loob kumumpirma maliban kay Cena pero ang lalaking ito, hindi pa rin tumitigil hanggang wala raw inaamin si Drew. Wala naman nga kasing makakumpirma. Kahit si Drew, alam ko, wala ring sinasabi kahit kanino dahil wala nga kaming pinag-uusapan. Basta, ganun. Pormal na pag-uusap na lang ang kailangan para tumahimik na rin si Cena kakukulit kay Drew. And that is what I intend to do.
I do not care what other people will say. Mahal ko si Andromeda and everything about her. Hindi ko na kinukwestyon kung ano ang nangyari noon sa kanya.
Nag-ring ang phone ko. Si Sarah.
'Hello?"
"Kuya!"
"What's up?"
"May nakarating sa aking balita," simula nito pero parang alam ko na."You're having an affair with one of your employees."
Tss. Kapag tsismis talaga, iba-iba ang kwento. Affair? Ang sakit sa tenga!
"Sino nagkwento sa iyo?" Tanong ko.
"Si mommy. Galing sa isa sa mga executives ng main office.Mom is worried. Why with a family woman? You're very single. Ang daming naglalaway sa iyo dyang mga dalaga. Ang ilap-ilap mo raw sa mga babae kapag may mga social gatherings tapos you will end up with a married woman tapos may anak pa! Kahit si Tito Frank, nag-aalala. Kahit wag na sa circle natin. Wag lang daw sa may asawa na't anak!"
BINABASA MO ANG
Claiming Andromeda #B1
General Fiction***LOSE THE TRUST... LOSE THE HEART!*** Kung ikaw si Andromeda, will you still wait for your 'prince' who seems to take his time, or stay beside your 'knight' who never left you?