Happy birthday to PK and to @mimi_maan
==============================
Bumalik ako sa kwarto para gisingin si Reid at si Hope. Parang ayoko pang gisingin, ang sarap ng tulog eh. Magkayakap pa ang dalawa habang halos ginawa nang kama ni Hope si Reid, tapos bahagya pang nakanganga ang lalaki. Ang cute nilang tingnan. I looked for my phone then took their pic again. Sorry, I can't help it. Ginawa ko iyong wallpaper ng phone ko. Haha! Pampa-good vibes lang!
"O, asan na yung dalawa?" si Juno. Nakaupo na ito sa mesa at kumukuha ng pagkain nya.
"Hayaan ko muna matulog. Kawawa naman si Reid. Di kumportable ang tulog nya kagabi." Sagot ko.
Pagkatapos naming kumain magkapatid, ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin habang ito naman ay naghanda na papasok sa school. Naglinis ako ng bahay pag-alis ni Juno. Naghihiwalay ako ng mga damit na puti at de kolor sa laundry area nang maramdaman ko ang dalawang braso na yumakap sa bewang ko tapos may sumobsob sa leeg ko, at dalawang maliliit namang braso sa isang hita ko tapos may mahinang kumagat doon.
"Roar!" sabay nilang sabi.
"Ay!" pabirong kong sabi, kunwari nagulat ako. Tawa ng tawa si Hope.
"Ga-morning, mommy!" nakaangat ang mga kamay nito sa akin. Binuhat ko ito at hinalikan sa bandang baba.
"Ako rin!" maktol ni Reid na nakanguso pa.
"Di bagay sa 'yo. Mukha kang imported na suso," sagot ko pero I gave him a quick peck on the lips.
"Sarap naman ng agahan ko," bulong nito. Kinabig ako nito sa bewang, nasa gitna namin si Hope. "Isa pa nga," ungot nito.
I obediently obliged but he made the kiss longer.
"Eeewww! Daddy, you're eating mommy's lips!" nakatakip ang mga palad nito sa mata.
We ended the kiss laughing. Kinurot ko sya sa tagiliran. "Loko mo, hindi ka na nahiya. Ayan lang yung bata. Alam mo namang nagkukwento na yan." mahina kong sabi dito.
"That's the idea. I want people to know from a first hand witness that you're mine," nakakalokong ngiti nito.
"Baliw ka talaga!" pinalo ko ito ng mahina sa braso.
"Sa iyo lang, Mine," he whispered and it brought shivers to my spine.
"Have your breakfast," wala na akong masabi. Iniwan ko muna ang mga lalabhan ko para ipaghain sila.
"Ako na magpapakain kay Hope, Mine. Tapusin mo na lang yung ginagawa mo," sabi ni Reid.
Ganun na nga ang ginawa ko. Matapos kong ibabad ang mga puting damit, bumalik ako sa loob. Malinis na ang mesa at hugas na ang pinggan. Narinig ko na nag-uusap ang dalawa sa kuwarto kaya doon ako nagpunta.
May tuwalya sa balikat ang lalaki tapos may malinis na damit si Hope sa kama.
"Daddy, that's not mine. Kay mommy yan po!" si Hope.
Nanlaki ang mga mata ko dahil hawak ni Reid ang isang black bikini panty ko. Nakaladlad ito gamit ng dalawang kamay nya.
"REID!" malakas kong tawag. Juice colored! Ang lalaking ito! Mabilis akong humakbang papalapit sa kanila.
"What?!" lumingon ito sa akin. Patay-malisya ang mukha nito pero kitang-kita ko ang pigil na tawa sa labi nito at mata.
"Akina nga yan!" hinablot ko sa kanya yung panty ko.
"Eh, akala ko sa bata. Ang liit kasi," katwiran pa nito.
"Itim? Bakit ko bibilhan ng itim na underwear si Hope?" sikmat ko dito. Namumula ako sa hiya at inis. Binuksan ko ang isang drawer at kumuha ng panty ni Hope.
BINABASA MO ANG
Claiming Andromeda #B1
General Fiction***LOSE THE TRUST... LOSE THE HEART!*** Kung ikaw si Andromeda, will you still wait for your 'prince' who seems to take his time, or stay beside your 'knight' who never left you?